X30

45.9K 1.5K 334
                                    

JILLIANE

HABANG naghihintay kay Peter ay hindi ko maiwasang maisip ang nalaman ko mula sa mga kinilala kong magulang. Magaan sa pakiramdam dahil nabawasan iyong bigat sa dibdib ko dahil nalaman ko na ang totoong nangyari. Ang hindi ko lang matanggap ay iyong gagamitin ako para sa paghihiganti. Tama ba iyon?

Nabawasan man ang bigat sa dibdib ko, nadagdagan naman ang iniisip ko. Sino ang lalaking tumatawag nuon kina Papa, na nagbibigay ng impormasyon and such? Siguradong hindi iyon basta bastang tao lamang dahil maingat siya. Sinigurado talaganiyang hndi malalaman ang identity niya.

"Miss Jilliane."

Nag-angat ako ng tingin. It's Peter. Hindi ko man lang namalayang nakalapit na siya sa mesa kung saan ako nakaupo. Masyado ng malalim ang iniisip ko. Mula nang malaman ko ang panloloko sa akin ni Xking at mula nang mamatay si Shawn, lagi na akong nawawala sa sarili. Laging lugmok sa pag-iisip.

"Peter." Sambit ko bilang pagbati. Bahagya lamang akong ngumiti dahil ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko. Hindi pa halos nagsi-sink-in sa utak ko lahat ng nalaman ko mula sa pamilya ko kaninang umaga. "You may sit down."

Umupo siya sa tapat ko saka naglapag ng folders. Inilabas din niya ang iPad niya sa bag niya. "Look at these folders. It contains the informations that you want to know about Xking Salvador."

Pinahahhanga ako ng lalaking ito. Sa loob ng dalawang araw ay nagawa niya iyon? How come? "You seems so professional."

"Not that too professional. It's just that, being an investigator is reallymy passio. I always do my best when it comes to work," paliwanag niya. "Isa pa, ayokong mawala sa akin ang tiwala ng kliyente ko."

Tumango-tango ako. Hindi nagkamali si Shawn nang piniling tao na maaaring makatulong sa akin.

"I'll check these files. You can order what you want." Sabi ko saka kinuha ang mga folders. Hinayaan ko na siyang um-order nang tawagin niya ang waiter.

Sinimulan kong buklatin ang folder. Nasa tatlong folder ang nasa harap ko ngayon at hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa mga mababasa ko sa loob ng bawat folders.

Huminga ako ng malalim saka saglit na inilibot ang tingin sa paligid. High-class restaurant naman ito at nasa bandang sulok kami. Kaunti lang rin ang narito na kumakain kaya hindi na masamang dito ko buksan ang folders.

I started scanning the first folder. And it contains the basic informations about Xking Salvador. Ang lalaking kinasusuklaman ko.

Name: Xavier del Valle Salvador
Screen name: Xking Salvador
Age: 24
Birthdate: March 1, 1991
Occupation: Businessman
Status: Single
Religion: Catholic
Nationality: Half korean - half Filipino
Father: Lucio Salvador
Mother: Magdalene Salvador
Siblings: None

Kumunot ang noo ko. Paanong nakuha ni Peter ang mga impormasyong ito? Sa pagkakaalam ko, may pagka-misteryoso si Xking.

"Can I ask you something?" tanong ko kay Peter na abala sa coffee niya.

Tumango siya. "You can ask me anything."

"How did you know all of these informations? Kasi sa tooto lang, sa pagkakaalam ko misteryosong tao siya. At napaka-private." Iyon naman talaga ang pagkakakilala ko sa lalaking "iyon".

He smiled a bit. "From Shawn David."

Biglang dumagundong ang dibdib ko. "Shawn? What? Buhay siya? Nasaan siya? Kailan niya ibinigay sa 'yo?" hindi ko na alam kung ano ang itatanong ko.

"Hey, calm down. Two days bago siya namatay, pinadala niya ang mga impormasyong iyan sa email ko. Ang sabi niya lang, for future purposes. At sa iyo ko lamang iyan pwede ipakita."

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon