X35

46.7K 1.6K 465
                                    

Last chapter.

Jilliane POV

Ilang oras na ang lumipas. Halos wala pa akong kinakain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom dahil takot at kaba ang pumapaibabaw sa dibdib ko.

Narito pa rin ako sa lugar kung saan wala akong ideya kung nasaang parte ito ng Pilipinas. Kasama ko ang dalawang nakabantay sa akin na abala sa paglalaro ng baraha sa isang mesang gawa sa kahoy. Pasulyap-sulyap sila sa akin na akala mo, makakatakas ako dito samantalang napakahigpit ng pagkakatali nila sa akin.

Mula kanina ay hindi pa ulit bumabalik si Maximo. Mabuti na iyon dahil naasiwa akong makita ang pagmumukha niya.

Speaking of the devil. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang hayop na Maximo. Ang lakas naman niyang makaramdam na ayoko siyang makita, heto at agad agad ay nagpakita.

"Ten seconds, and your knight in shining armour will be here." Anunsyo niya.

Kumunot ang noo ko. Saka ko naalala si Xking. Alam kong pupuntahan niya ako pero hindi ko kayang iligtas na naman ako ng kung sino na may mapapahamak.

"In ten.." Panimula niya.

Kumislot ako at napalunok.

"Nine."

How did he know na sa pagbibilang niya ay darating si Xking?

"Eight."

Kumabog ang dibdib ko.

"Seven."

Gago siya. Gagong Maximo.

"Six."

Napaka-hayop niya.

"Five."

Pinaglalaruan niya kami. How dare him?

"Four."

Ang dibdib ko.

"Three."

I gulped.

"Two."

Halos tumitigil na ang paghinga ko dahil sa kaba ko.

"And..."

"Putangina mo, Maximo!" Isang malakas na sigaw kasunod ng paglagabag ng pintuan.

Kitang kita ko ang nanlilisik na mga mata ni Xking. He's here. He's really here. Nakasuot siya ng itim na shirt at itim na pantalon. Pagkatapos niyang panlisikan ng mata si Maximo ay dumako ang tingin niya sa akin.

"Jilliane..." Sambit niya. Lalapit sana siya sa akin pero mabilis na humarang sa kaniya ang tauhan ni Maximo na ngayo'y dumami na. Hindi ko alam kung saang sulok sila galing.

"Too fast, Xavier," seryosong sabi ni Maximo.

"Pakawalan niyo siya! Damn it! Don't tie her like that!"

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Xking. He cares for me.

Tumawa si Maximo. "And do you think I will obey you?"

Nanigas ang mukha ni Xking. "Who are you, huh? What made you like that? Anong pinagmamalaki mo, ha?!"

"Me? Maybe, the skills I have?" Ani Maximo.

Gusto kong masuka sa sinasabi niya. So skills na pala ang tawag sa kagaguhang ginagawa niya?

"Skills? Are you fucking kidding me?"

"Barilin ko kaya ang babaeng 'yan, para mapakita ko sa 'yo na hindi ako nagbibiro?" Aniya habang nakaturo sa akin.

"Damn you, asshole!" Akmang susugurin ni Xking si Maximo pero nahawakan agad ito ng dalawang lalaking may malaking katawan. "I won't let this pass. I won't let you succeed, old man."

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon