X27

46.1K 1.7K 735
                                    

Jilliane POV

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na pumunta sa hideout ng Xbang. Gusto kong makausap ang Xbang. Gusto kong ipaalam sa kanila ang nangyari kay Shawn dahil ayokong wala silang alam. Hindi ko din naman alam kung may balak sabihin si Xking, o baka kasinungalingan lamang ang sabihin niya.

Hindi ako umuwi sa mansyon ni Xking bagkus ay nanatili ako sa malapit sa pinagdaungan ng yate dahil gusto kong abangan si Shawn dahil alam ko babalik siya.

Pero ba't gano'n?

Bakit ang sakit sakit? Kung sino pa 'yung nagmamalasakit sa iyo, sila pa ang nawawala. Lintek na buhay naman 'yan.

Nagpasundo ako kay Seth dahil hindi ko talaga alam ang way papunta sa hide-out nila. Tulad ng sabi ko noon, masyadong mahirap i-memorize ang lugar na iyon. Tagong-tago kasi.

Nang makarating kami dito sa hideout ay agad kong kinuha ang atensyon nilang lahat.

"Anong meron?" Tanong ni Zaine.

"What's the commotion?" Tanong naman ni Kieffer na nagkukusot pa ng mata. Kagigising lang yata.

Naupo sila sa couch. Kinakabahan ako pero kailangan nilang malaman. Isang gabi na ang lumipas pero wala pa silang alam at hindi man lang sila nagtataka na walang Shawn David na nagpaparamdam.

Magsasalita na ako ng biglang kumalampag ang pinto at iniluwa noon si Xking...ang taong nakilala ko na walang puso.

Bakas sa mukha niya ang puyat, at mukhang galing siya sa pag-iyak. But it can't change the fact that he's the main reason kung bakit namatay ng gano'n gano'n si Shawn. But partly, iyon ay dahil talaga sa akin kaya ang sakit sakit. Kung hindi dahil sa pagtitiwala at pagmamahal ko kay Xking, hindi sana ako mapapahamak.

Sana nakinig ako kay Shawn. Pero tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi.

"Shawn...is dead." Sambit ni Xking.

Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. Ayokong tanggapin na patay na si Shawn pero unti unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"Whoa! Brad, karibal mo lang 'yun pero 'di mo siya kaaway para patayin sa isip mo." Biro ni Kieffer na walang ka-ide-ideya na seryoso si Xking.

Shawn is dead. Yes, maybe.. But I'm still hoping that he's alive.

"Aba brad, walang ganyanan. We are brothers, hindi ka dapat nagbibiro ng ganyan." Sabi naman ni Seth na naupo sa tabi ni Zaine.

"The fuck, man?" Tanging reaksyon ni Zaine. Na sa tingin ko ay may hint siya na seryoso si Xking.

Napailing lamang si Ace. "Naka-drugs yata si Xking."

Lahat sila, akala nila biro lang ang pagkamatay ni Shawn. Bakit? Alam kong malakas si Shawn, pero tao pa rin siya. Namamatay...nang iiwan.

Tumayo ako at humarap sa kanilang lahat. "Shawn is...dead. He sacrificed his life for me but if it's not because of your fucking leaders, hindi mangyayari 'to! Hindi ako mapapahamak at hindi susugurin ni Shawn ang pahamak na iyon pata sa akin. He's dead. How I wish I am just dreaming. I can't accept that fact! I'm still hoping that he's alive. They're searching for his body. Alam ko...alam ko, buhay siya..." Hindi ko napigilang mapahagulhol.

Napansin ko ang pagtahimik ng lahat. Kahit si Xking at napatungo. He's an asshole.

"We.." Panimula ni Zaine na parang hindi niya alam ang sasabihin niya.

Alam kong nakakagulat sa part nila. They're just busy hanging out here, and then the next morning, sasalubong sa kanila ang balitang patay na si Shawn.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon