X18

50.7K 1.6K 536
                                    

JILLIANE POV

PUMASOK ako sa loob ng mansyon ng hambog. Huminga muna ako ng malalim dahil galing ako sa isang ma-dramang tagpo sa pagitan namin ni Shawn David. Nakaka-overwhelm lang na sa 'kin siya nag-open up about his past. Ngayon ko siya mas naiintindihan-kung paano umabot sa puntong naging ganoon siya. Gusto kong iparamadam sa kaniya na may mga taong handang iparamdam sa kaniya na dapat siyang pahalagahan at mahalin-hindi man bilang girlfriend, bilang kaibigan.

"This way, mam."

Natauhan ako nang marinig ang boses na iyon. This way? Teka, nasa hotel ba ako o restaurant? Sa pagkakaalam ko sa mansyon ng hambog ako pumasok ah. Luminga ako at nakita ko ang isang maid.

"Excuse me?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Dito po mam. Hinihintay po kayo ni Sir Xking."

Hinihintay ako ng hambog. Bakit kaya? May nagawa ba akong kasalanan? Baka mamaya sumalubong nalang sa 'kin ang bowling ball para patumbahin ako. Hindi pa naman siguro niya alam iyong tungkol sa tunay kong katauhan. Kasama ko si Shawn kanina at nangako naman siyang hindi malalaman ng Xbang eh.

Patay ako nito. Wala akong ka-ide-ideya sa maaaring mamngyari sa 'kin.

"Mam?"

"A-Ah, saan nga ulit?"

"This way po. Sa may garden."

Garden? Naku, hindi kaya pagtanimin niya ako ng mga halaman at bulaklak? Jusko, gabi na. H'wag naman sana. Nakakapagod din iyon. Isa pa, hindi ko naman pinangarap na maging gardener kaya wala akong alam sa pagbubungkal ng lupa o pagtutusok sa lupa ng mga stem ng bulaklak o halamang may ugat. Goodluck sa akin.

Tumungo ako sa garden kung saan itinuro ng maid ang daan. Sobrang laki naman kasi ng mansyon na ito na tipong dapat may mga signage para hindi ka maligaw. Grabe naman kasi ang hambog. Akala mo napakarami nilang titira dito. Eh, silang dalawa lang ni Pareng Maximo ang nakatira dito. Pwede namang tamang laki lang pero hindi, mansyon na mansyon ang dating nito eh.

Paglabas ko sa may garden ay agad kong iginala ang paningin ko upang hanapin ang hambog. Ano kayang ginagawa no'n. Gabi na oh. Baka mamaya siya pala si Kamatayan, iyong may nakabalot na kapa sa kaniya tapos may hawak na malaking tinidor. OMG! Ang imagination ko, ang wild. Ang gwapong Kamatayan naman ng hambog. Sa halip na matatakot ang makakakita sa kaniya, baka mapatili pa at magpa-fansign pa.

Napatigil ako nang umalingawngaw ang tugtog ng musika.

Same bed, but it feels just a little bit bigger now..
Our song on a radio, but it don't sounds the same..

Napalunok ako. What was that? Bakit may sounds? Nagsa-soundtrip ba ang hambog or what? O nagse-senti lang siya? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa may pool.

What the.. Ang daming rose petals sa pool. May maliliit na candle na nakapalibot sa pool. Lahat iyon ay may sindi. Nagawi ang tingin ko sa gilid at naroon ang isang bilog na table. May dalawang upuan na magkatapat. May candle light sa ibabaw ng mesa at may wine. What is this?

Nagpatuloy lamang ang tugtog. Hindi ko na nga iyon napapansin dahil ang atensyon ko ay nasa nakikita ko ngayon. Ano bang meron? Bakit may ganito? Palapit na ako sa may mesa upang suriin iyon nang may biglang lumabas na bulto ng lalaki mula sa kabilang side.

A guy wearing tuxedo. May hawak siyang stemmed rose at nakatingin siya sa gawi ko. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya kaakit-akit. Napaka-gwapo niya. Ngayon ko palang siya nakitang nakasuot ng tuxedo dahil nasanay ako na laging kulay itim ang suot niya. Mapa-shirt man o long sleeve. Itim man ang tuxedo niya, iba naman ang dating. Ang pormal ng itsura niya at talagang masasabi kong nakakabighani ang ka-gwapuhan niya. Makalaglag-panty.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon