X33

46.9K 1.5K 359
                                    

JILLIANE

GUSTO kong sampalin ang sarili ko para malaman kung nananaginip lang ba ako o totoo ang mga nangyayari ngayon.

Pagkatapos ng pag-uusapnamin ni Xking tungkol kay Maximo ay parang isang iglap na nawala ang galit at hinanakit ko sa kaniya. Para bang hindi niya ako sinaktan at niloko. Lahat ng iyon nabura nang marinig ko ang side niya.

At nang marinig kong muli ang..

I fucking love you, woman.

Hindi ko mainindihan ang sarili ko dahil nagwala bigla ang mga kilig cells ko na matagal ding nagtago sa lungga nila. Siguro nga ay kinilig ako dahil sa pagkakataong ito, alam kong sincere na siya. Pero napatawad ko na nga ba si Xking?

Narito ako sa mansyon ni Xking. Isinama niya ako rito—dito sa loob ng ibrray niya kung saan naroon ang mga papeles about his wealth and properties. May malaki pala siyang vaultdito kung saan nakatago ang mga mahahalagang dokumento.

“Yeah, I knew it. Fuck.” Ani Xking habang tinitingnan ang mga dokumento at papeles.may nakaharap pa sa kaniyang laptop na parang may sinusuri doon. Ayoko namang makialam dahil hindi ko maiintindihan ang mga hawak niyang papel.

I sighed and looked at him. Na-miss ko pala ang lalaking ‘to. Ganito nga siguro talaga sa pag-ibig. Kahit nasaktan ka niya, hindi mababago niyon na siya pa rin ang laman ng puso mo. Sabi nga nila, kung sino ang dahilan ng kalungkutan mo, siya rin ang dahilan ng kasiyahan mo. Kaya siguro kahit nasaktan ao at kinamumuhian ko siya, narito ako kasama niya na parang walang nangyari.

“Fuck.”

“What happened?” tanong ko agad.

“He got my properties in Cebu. Nailipat na niya sa pangalan niya.” He said. “How could he..”

Grabe si Maximo. Ganoon ba talaga siya ka-gahaman sa pera’t kayamanan ng mga Salvador na umabot pa sa puntong pumatay siya ng mga inosenteng tao? Malaking gulo ang ginawa niya. Knowing Xking...

“I’ll fucking kill him. Gonna rip his fucking neck. I will fucking break all his bones including all his skeletal system.”

Galit na galit siya. Nadamay na ang skeletal system, e. Hindi ko alam bakit natatawa ako sa kaniya gayong seryoso siya.

“What’s funny, woman? Tch.”

“Wala. Wala. Ano pang mga nakuha niyang properties?”

“Oh, damn it. Five hundred million were transfered into his account. Great.”

Kumunot ang noo ko. “Hindi ba’t bago niya magawa ang mga ganyang paglipat-lipat ng mga properties o pag-transfer ng pera, kailangan ng authorization mo? Paano niya nagawa ‘yan?” tanong ko. Imposible kasi, unless, may kakilala siya sa loob ng bangko na binayaran niya ng malaki.

He took a deep breath. “It’s my fault. Fuck. I never thought he would do this. I trused him with all my life. Lahat ng pinapipirmahan niya sa aking documents or any papers, hindi ko na binabasa becaue I trust him! Damn it.”

Shunga. “Kasalanan mo pala. Masyado kang nagtiwala sa kaniya.”

“Yeah right. I trusted the wrong person. I’ll bury him alive. Fuck him.”

Tinitigan ko si Xking. Bakit nga ba ako narito, kasama niya? Nag-uusap kami na parang normal ang at walang nangyaring masama between us before. Ang plano ko ay tulungan lamang siya na matigil na ang kahibangan ni Maximo. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong punto na makakausap ko ulit siya ng ganito... iyong walang awkwardness and anger. Sumama pa ako rito sa mansyon niya.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon