X21

46.2K 1.4K 286
                                    

JILLIANE

Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa pagkakagawa nitong hide-out ng Xbang. Sino nga bang mag-aakala na sa loob ng luma at abandonadong building ay may full entertainment room pala. Hindi lang iyon. Kumpleto pa sa gamit. May kusina, kwarto, salas. Lahat na.

"Hey, woman. Nag-iisa ka?"

Tumingin ako kay Kieffer na mukhang kararating lang. Nakasuot pa siya ng pang-racer na outfit.

"Ang boring sa taas, e." Sagot ko. Boring naman talaga si Shawn at hambog. Hindi ko kasi sila maintindihan. Why do they need to act like that to each other?

"Boring? Bakit? Walang tao sa taas? Sinong kasama mong pumunta dito?"

"Hindi. Hindi. Ando'n sina Shawn, Xking at Seth. Gusto ko lang talagang magpahangin dito sa labas." Palusot ko. Baka isumbong pa ako nito kina Shawn, e.

Tumawa si Kieffer. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko.

"They like you."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Wala. Basta, keep up the good work. Haha!" Aniya saka umakyat na sa taas. Weird din ang isang 'yon, e.

Sinong bang mag-aakala na ang kinatatakutang gangsters ay may hidden personality pala? Good side. Hindi lang naman pala talaga sila puro bad side ang mayroon. Kaya ko 'yong patunayan dahil ako mismo, nakakasama ko sila.

Lumabas ako sa building. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang simoy ng hangin, ang katahimikan ng kagubatan..

Seriously, saang lugar kaya 'to? Ilang beses na akong nakakapunta dito pero hindi ko talaga matandaan kung saan banda ito.

"Why are you here?"

Nilingon ko si Shawn. He's serious.

"Wala lang." Sagot ko.

"Tch. Is it because of me? Or what? Naistorbo ko ba kayo ni Xking?"

Tinatanong niya talaga ako niyan? E, sa pagkakaalam ko, si hambog ang huling dumating at kami ang nagmo-moment sa sofa.

Whuuutt. Moment. Big word.

"Hindi 'no. Huwag ka ngang ganyan. Hindi ko lang kasi kayo maintindihan. Ano 'yung titigan niyo kanina? Parang may lazer beam, e."

Sumimangot lang siya. Kita mo na, hindi masagot.

Tiningnan ko siya sa mata. "Umamin ka nga sa akin, Shawn.."

"What?"

"Type mo ba si Xking? May lihim ba kayong relasyon? Ang lagkit yata ng titigan niyo kanina, e."

Sumama ang tingin ni Shawn sa akin. "What do you think of me? A gay?"

Ngumiti ako ng bahagya. "Just asking. Kasi ano e, 'yun nga. Kasi kayong dalawa kung magtitigan kanina. B-Bakla ka? Hayaan mo, secret lang natin. Promise, hindi ko ipagsasabi." Nag-swear pa ako.

"You're insulting me, Jilliane. Tch. Gusto mo bang patunayan ko sa iyong hindi ako bakla?"

Nanlaki ang mata ko. Patay. Lagot. "Hehe. Joke lang, Shawn. Ito naman hindi na mabiro. Kalma lang."

"Tch. Let's go somewhere."

"Huh? Saan na naman?"

He smirked. Ay, ang gwapo. Promise. Itong si Shawn, lagi lang talagang masama tumingin at nakasimangot. Pero kung madalas siyang ngumingiti o nagiging playful, lumalabas ang ka-guwapuhan niya.

"A date."

"Date?" Ulit ko.

Tumango siya. "Let's go?"

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon