X20

49.1K 1.5K 273
                                    

Jilliane POV



Hindi ako makapaniwalang halos nag-iba talaga ang itsura ko dahil sa new hair dou ko at hair color. Kung dati, simpleng itim na mahaba lang, ngayon ay pinaputulan ko na siya ng maikli hanggang sa may gitna ng leeg ko saka pinakulayan ng blonde.



"You looked gorgeous."



Inirapan ko ang hambog kahit kanina pa ako namumula. Pa'no ba naman, ilang beses na niya sinabi 'yon. Mula pa kanina nang makalabas kami sa salon.



Nandito na kami sa kotse niya at on the way na kami papuntang mall. Mamamasyal daw kami. Kahit ano daw bibilhin niya para sa akin. Papabili ko nga ang buong mall.



"Hey."



"O?"



"I said, you looked gorgeous."



Umirap ako. "Unli ka ba?"



"What's unli?"



I rolled my eyes and looked at him. "Unli. Unlimited. Paulit-ulit. Walang katapusan."



"Tch."



Umingos ako. Ayoko ng masyado niya akong pinupuri. Kinikilig ako e.



"Hey."



Tumingin ulit ako sa kaniya. "Ano nga?"



"I said, you're gorgeous."



Susme. Gusto kong lagyan ng plaster ang bibig ni hambog. Ulit ulit e. Saka, kelan pa ba siya dumaldal ng ganito? Sa pagkakakilala ko sa kaniya, he's a man of few words. Hindi nga niya ako kinakausap dati. Puro "tch" at "fuck" ang naririnig ko galing sa kaniya. Tapos ngayon, kung makapagsalita.



"Hey."



Hinarap ko na siya. "Isa pa. Nakakainis ka na ha! Paulit-ulit ka. Sakit mo sa bangs."



"You have no bangs."



Inirapan ko siya saka ko minasahe ang sentido ko. "Ewan ko sa 'yo!"



Tumingin na lang ako sa bintana ng kotse. Natanaw ko na ang mall. Malapit lang pala sa salon na pinuntahan namin.



"Ipa-park ko lang. Then we'll buy your phone first so I could contact you anytime."



Tumango lang ako. Naks, bibilhan niya akong phone. Anong unit kaya?



Iniliko ni hambog sa may parking lot ng mall ang kotse saka ipinarada roon.



"Let's go."



Bumaba na ako ng kotse niya. It's funny, kasi wala man lang akong dalang kahit ano. Walang pera, or phone, or pouch na kadalasang dala ng isang babae. Kung sabagay, sagot naman kasi lahat ng hambog.



Naglakad na kami papasok sa entrance ng mall. As usual, nauunang maglakad ang hambog. Siya boss e. Saka as if naman, magpapaka-gentleman 'yan.



Nang makapasok kami ay nilingon niya ako. "Ang bagal mo maglakad."



"Seriously? Marathon ba? Kaya nga mall 'di ba? Chill lang, hambog." Sabi ko.



Masungit na naman siya. Ah, sabagay, wala ng bago.



"Tch." Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. So, holding hands while walking ang peg namin. 'Di naman ako maka-react kasi ang higpit ng pagkakakapit niya sa akin kahit nauuna pa din siyang maglakad.



Isa pa, ba't kasi kinikilig ako?



Napansin kong palapit kami sa store ng Apple, dito sa loob ng mall. Then pumasok kami. Saglit niyang binitawan ang kamay ko at nakipag-usap sa isa sa bantay do'n. Ako naman, tingin tingin.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon