X6

78.9K 2.4K 249
                                    

JILLIANE POV

My God! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang hambog! Huhuhu ilang beses niyang nakita ang hubad kong katawan kagabi. Nakakahiya! Tapos nahawakan pa niya ang boobs ko. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya? Jusko. Kagabi pa, mabuti nalang at nasalo niya ako kung hindi, baka nabalibag ang katawan ko sa sahig ng banyo. Pero ano ba ‘yung matigas na tumutusok sa’ken habang nasa ibabaw niya ako? Kasi, ba’t ako nadulas. Napaka-clumsy ko talaga. Di ko napansin ‘yung basang sahig ng banyo.

“Mam Jilliane.” Nagulat ako nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Si manang yun, for sure. Bakit kaya? Hala.
Mabilis kong tinungo ang pinto saka binuksan ‘yon, “Yes manang?”

“Pinapasabi po ni Sir na maghanda na daw po kayo. May pupuntahan daw po kayo. At pagkatapos nyo ay bumaba na po agad kayo sa living room. Doon po siya naghihintay.”
I gulped. Saan kami pupunta? Doon kaya sa hide-out nila na sinabi niya kahapon nung na-meet ko ang XBang? Nakabihis naman na ako. Okay na ‘tong suot ko. Nakakagulat lang kasi kagabi after kong maligo, ang daming paperbags na dala si manang at ang laman, puro damit, undergarments at shoes. Lahat ng gamit pangbabae at sakto pa sa’ken ang size. Bongga. Kahit brassiere, alam ang size. Gano’n na ba talaga kaliit ang boobs ko? Aish. Galing daw kay hambog. Nakanang! Mabait din pala ‘yun.

Nilagay ko sa pocket ko ang phone ko and wallet saka lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ino-open ang phone ko. Wala pa akong lakas ng loob. Sigurado kasi akong maraming message na ako at I’m sure my family are trying to contact me. Ayoko  muna silang makita o makausap. Galit ako sa kanila. Galit na galit.

Pagbaba ko sa living room ay naroon na si Xking. He’s really handsome wearing his rugged pants and black plain shirt paired with his chuck taylor shoes. May hawak siyang dyaryo at nagbabasa. Ibinaba niya ang hawak na dyaryo saka tumayo na nang nakita ako.

“Let’s go.”

Sumunod lang ako sa kanya. Hindi pa din ako makapagsalita. Nahihiya talaga ako sa nangyari kagabi. Kasalanan ng ipis eh!
Sumakay kami ng kotse niya. Hindi man lang ako pinagbukas. Aish. He started the car engine saka nag-drive palabas ng malaki niyang palasyo. Tahimik lang kami kahit ako, kating-kati ng magsalita. Pero nahihiya pa din naman ako. Aish, ang sungit kasi ng lalaking ‘to kaya lalo akong nahihiyang i-approach siya. Baka bigla akong sigawan eh. Pero mabait naman siya kagabi nung pinaatanggal ko sa kanya ‘yung ipis sa banyo ng kwarto ko. Bipolar ang isang ‘to. May dual personality kaya ‘tong hambog na’to?

“Xking..” napalunok ako pagkatawag ko sa pangalan niya. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Hindi man lang siya natinag at seryoso pa ring nagmamaneho. Suplado!
Ibinalik ko ang tingin ko sa harap. Napansin kong iba na yung dinadaanan namin. Hindi na highway. Parang shortcut papuntang gubat. Saan naman ‘to? Di kaya nainis siya saken dahil sa nangyari kagabi kaya itatapon niya ako dito sa gubat?Baka ipalamon niya ako ng buo sa mga lion at tigers dito. Lagot na. I’m dead.

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka tumingin muli kay Xking. “Xking..”

No response.

“Ano, Xking. ‘Yung kagabi, ah..ano..”

“Dont mention it. Forget what happened last night.” Seryoso niyang sabi ang hindi inaalis ng tingin sa daan. Sungit talaga. E’di forget! Pero na-devirgnize talaga niya ang boobs ko eh. Huhuhu. Palalampasin ko ba ‘yon? Pero kasi si Xking..aish! Sige na nga, kakalimutan ko ‘yung one of the most embarrassing moment ko na nangyari kagabi with him.

“O-Okay.”

“Don’t do that again.”

Napatingin ulit ako sa kanya. “A-Alin?”

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon