X28

47.4K 1.7K 495
                                    

Jilliane POV



Pagkapasok ko sa isang japanese restaurant ay agad kong iginala ang paningin ko upang humanap ng bakanteng mesa. Nakasuot ako ng itim na dress. Itim, simbolo ng kalungkutan.



Mabuti at may bakante pa akong nakita kaya agad ko iyong nilapitan at naupo. Narito ako upang makipagkita kay Peter---iyong sinabi ni Shawn na kausapin ko tungkol sa revenge thing ni Xking sa akin.



Xavier..



Napailing ako. I won't call his name ever again. Sinusumpa ko siya, hindi lang ang pagkatao niya kung hindi pati ang pangalan niya. Tama nga lang na magtago siya sa pangalan na Xking, para naman may pangalan siyang pwede kong sambitin na kaya ko pang sikmurain.



"Excuse me?"



Nag-angat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. He must be Peter. Sinabi ko naman sa kaniya na naka-dress ako na kulay itim.



"Yes?"



"Miss Jilliane?" Tanong niya.



Tumango ako saka nakipag-kamay sa kaniya. "You must be, Peter?"



"Yes." Tumango siya saka kami sabay naupo.



Lumapit ang waiter sa amin saka ibinigay ang menu.



"You can order what you want." I said.



Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, ibang tao na ako. Hindi na ako iyong tulad dati na masiyahin at laging nakangiti. Pakiramdam ko nawala 'yung side ko na iyon kaya parang seryoso na lang ako palagi.



Ganito ba ang nagagawa ng labis na kalungkutan?



Hinayaan ko na si Peter na makipag-usap sa waiter. Napansin rin siguro niya na parang wala akong buhay. Dinaig ko pa ang namatayan ng minamahal...



Minamahal ko naman si Shawn. Bilang kaibigan. Sana nga siya nalang ang minahal ko. Sana siya nalang ang itinibok ng puso ko at hindi iyong walang kwenta at walang pusong "tao" na iyon.



"Condolence." Aniya.



Nanubig na naman ang mga mata ko. "No..." Pigil ko sa kaniya. "Hindi pa siya patay."



Mukha namang nagulat siya sa ikinilos ko. I can't accept it. I still can't.



"Sorry.."



"It's fine. W-We can talk about Xking Salvador. I want you to investigate about him. All about him. His childhood days, his family, paano namatay ang parents niya, how he managed to be that damn rich with his self alone. All about him."



Napansin ko ang hawak niyang iPad. He's typing and I guess, memo iyon at nagte-take-down notes siya. So he's really a great investigator.



"Ilang araw ang hihintayin ko bago matapos ang pag-iimbestiga mo?" Tanong ko.



He checked something on his iPad and looked at me. "Give me two days and I'll give you all the informations you need."



Two days? Pinapahanga ako ng lalaking ito.



"Alright. You can name your price. Any amount will do. Gagastos ako ng kahit gaano kalaking pera para lamang alamin ang tungkol kay Xking Salvador."



If you think that I'm using Shawn David's money, then you're wrong. I'm using my own money---from my savings---from my fake family. Kahit nakatira na ako ulit sa mansyon ay hindi ko pa ulit sila kinakausap. Ayoko pa, ayoko dahil hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang inampon nila ako para sa isang misyon. Ginamit nila ako...

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon