X11

57.1K 2K 422
                                    

Comments will be appreciated. Seriously. Mas nakaka-enjoy mag-update kapag maraming nababasang reactions. Thank you :)

PS. I love you, Sehun. AKIN SIYA. Wahahaha.


XKING POV

What's with David? Seriously? Kanina ko pa napapansin ang kakaiba sa awra niya. Mula sa hide-out hanggang sa lumaban kami. May pagtingin ba siya sa babaeng maingay na iyon? How come? Playboy si David pero alam kong may taste siya sa babae. Mahilig siya sa magaganda at sexy tulad ng asawa ni Abellano—ex gang member namin noong college student palang kami. But with that woman, Jilliane? Anong mayroon sa kaniya na maaaring magustuhan ni David? Tch.

At 'yung Jilliane na iyon, masyado yatang napapalapit kay David. May gusto ba siya kaya binigyan pa niya ng panyo kanina? Hindi maaari. I'll make her fall for me. Akin siya, para sa paghihiganti ko. Hindi ko hahayaang maging sagabal si David. Bilang kaibigan, ayoko rin siyang masaktan kapag sinaktan ko ang babaeng iyon. Mas mabuting habang mas maaga pa ay mapigilan ko na ang nararamdaman niya para kay Jilliane. Kahit hindi naman niya sabihin at talagang magulo sila, it's too obvious that he likes her. Hindi ganoon si David. He's totally different whenever Jilliane is around.

Kailangan kong mas bilisan ang paggawa ng plano. I really need to make an effort para mahulog sa akin ang abbaeng iyon. Speaking of that woman, may kasalanan nga pala siya sakin and she needs to be punished.

JILLIANE POV

Inilabas ko lahat ng dress na mayroon sa closet ko dito sa kwarto. Lahat ng ito ay galing sa pera ng hambog. Utang na loob ko pa sa kaniya 'to. Psh. Iisipin ko nalang, pa-pasko niya sa'kin ang lahat ng ito.

Nagsukat na ako ng isang dress. Simple tube dress na kulay pink na hanggang tuhod. Well, sanay naman ako magsuot ng mga ganito at marami ng nagsabi sakin na halos bagay sa akin ang lahat ng kulay at disenyo ng dress. Pero hindi ko alam kung bakit feeling ko ay hindi ako ma-kuntento sa una kong isinukat. Maybe I need to try these all.

Hinubad ko ang dress na suot ko. Komportable naman akong nakasuot ng panties and brassiere ko habang namimili ng next dress na isusukat. Nakaharap sa akin ang human size mirror para kitang-kita ko kung bagay ba talaga sa'kin.

Napansin koang black halter neck dress na lampas hanggang tuhod ang haba. Isukat ko kaya 'to?

Ngumiti ako saka snubukang isuot pero muntik na akong matumba nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"WHAT THE FUCK?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hambog sa pinto. Nakatulal sa'kin at nanlalaki ang mata.

"AHHHHHHHHHHH! BASTOS!" sigaw ko at pilit itinakip sa katawan ko ang hawak kong dress.

"FUCK!" kasunod niyon ang paglagabag ng pinto.

Seriously? Hindi ba siya marunong kumatok? Shit! Nakakahiya! Hindi naman kasi ako nagla-lock ng pinto kasi alam ko namang walang papasok dito. Gabi na kaya! Tapos yung hambog na 'yon? Ilang beses na ba niyang nakita ang katawan ko? Huhu hindi na talaga virgin ang katawan ko, ang boobs ko, ang lips ko. Letseng hambog 'to. Kumo-qouta na sa'kin 'yun! Lahat nalang!

Bumukas muli ang pinto. "AHHHHH!"

"FUCK! YOU'RE NOT DRESSED YET? DAMN IT! MAGBIHIS KA!" padabog niyang isinara ang pinto.

Daig ko pa ang ina-attack ng kalaban. Basta basta nalang kasi nambubukas ng pinto. Ano bang kailangan ng hambog na 'yun? Aish!

Padabog kong tinungo ang sofa saka kinuha ang bathrobe. Isinuot ko iyons aka lumapit sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko ang hambog na nakapamulsa habang nakasandal sa dingding ng hallway. Namumula pa ag mga mukha niya. Nakainom basiya?

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon