X24

40K 1.3K 193
                                    

Jilliane POV

Dug, dugudung!

Kakaiba ang tunog ng tibok ng puso ko. Grabe, hindi ko alam kung makaka-survive ba ako sa buong gabi. Nakahiga lang naman ako ngayon sa malaking kama ng hambog... katabi siya.

"What's your dream?" Tanong niya.

Kanina pa kami nagku-kwentuhan about sa mga likes and dislikes namin. Favorites. Para nga akong nagsasagot ng human slambook. Getting to know each other ang peg habang magkatabi. Diretsong diretso nga ang pagkakahiga ko. Hindi na kasi normal ang paghinga ko.

"Dream ko? Ang maging masaya..."

Naalala ko na naman ang issue ko sa pamilya ko. Hindi habambuhay ay matatakasan ko iyon. Kailangan ko ng mag-desisyon na harapin sila.

"That's it? What do you mean, being happy?" Diretso lang din ang pagkakahiga ni hambog.

Feeling namin nasa garden kami at nakatingin kami sa langit na puno ng mga bituin. Pero hindi, narito lang kami sa kama at pareho kaming nakatingin sa kisame ng kwarto niya na may maliit pero bonggang chandelier.

"Maging masaya. Maayos na pamilya, iyong wala akong iisiping problema. Though, alam kong hindi maiiwasang magkaroon ng problema, pero alam mo 'yun. Iyong feeling na dahil masaya ako, kakayanin ko ang lahat."

Bigla akong nalungkot. Ampon ako, at masakit para sa akin ang malaman iyon. Kung tutuusin, kaya ko namang tanggapin na ampon ako, e. Ano bang magagawa ko? Ang hindi ko lang matanggap ay ang isa pang dahilan kung bakit nila ako inampon..

I can't even think about it dahil nasasaktan ako. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, isa akong robot na inalagaan nila dahil papakinabangan nila ako.

"I see. Ask me what's my dream." Sabi ng hambog.

"What's your dream?" Tanong ko.

He looked at me kaya napatingin din ako sa kaniya--sa side ko. Diretso kaming nakahiga sa kama pero nagkatinginan kami so nakatagilid ang mga ulo namin.

"To build a family with you. A happy family..."

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

A happy family...

Sino ba namang aayaw diyan. Sa issue sa buhay ko, gustung-gusto kong magkaroon ng masayang pamilya. Iyong totoo at tapat ang pagmamahalan na nananaig sa isang pamilya. Hindi iyong may hidden agenda. Tulad nina Mama at Papa---inampon lang nila ako para sa kasamaan.

"Xking.."

"Yes?"

"Thank you for making me feel this way. Nakaka-touch lang ang sinasabi mo. Hindi ko kasi in-expect na sa iyo ko pa maririnig ang bagay na iyon." Nagiging emotional na yata ako. Iba kasi talaga ang dating ng hambog sa akin. Ang mga sinasabi niya at pinaparamdam... tagos, e!

Tumagilid na siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko. He pulled my body closer to him kaya napatagilid na rin ako paharap sa kaniya. We are now facing each other, staring at each other's eyes.

"Jilliane..."

"Xking..."

"I love you and I want to be part of your life. Be my girlfriend, my partner, my lady."

Tumabol na naman ang kaba sa dibdib ko. Ito ang kahinaan ko, e. Ang mga sweet words niya na tagos talaga sa puso ko.

"Xking..."

"Don't call me with that name. Call me by my name, Jilliane."

Kumunot ang noo ko. "Your name?"

"It's Xavier. Call me Xavier, Jilliane."

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon