X19

49.4K 1.5K 360
                                    

XAVIER pronounce as "Sabyer"

⭐⭐⭐

JILLIANE POV

Para akong sira na ngumingiting mag-isa dito sa kwarto ko habang nakahiga--yakap yakap ang unan ko. Kasi naman, ang hambog kung magpakilig abot hanggang langit.

Aaminin ko, talagang na-appreciate ko siya at ilang boltahe ng kilig cells ko ang kumawala sa katawan ko dahil sa ginawa niya at sa mga sinabi niya. Sincere naman siguro siya. Mukha naman siyang seryoso at talaga namang..

Mashmallow.

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang kumikinang ang mga mata ko. Kasinod niyon ay hinawakan ko pa ang labi ko habang nakatingin sa kawalan. Pumikit ako at inalala ang pakiramdam na nakalapit ang labi ng hambog sa labi ko.

Oh my freaking marshmallow. Nom, nom!

Pagkatapos naming kumain ng dinner ng hambog ay inihatid pa niya ako dito sa kwarto ko. Hindi pa nawawala 'yung ngiti sa labi niya kaya naman para akong matutumba dahil jusko! Ang tuhod ko gustong mangisay sa kilig.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may kumatok ro'n. OMG! Baka si hambog. Malalim na ang gabi, bakit kaya siya kumakatok?

Mabilis akong tumayo saka inayos muna ang buhok ko. Na-conscious ako bigla sa itsura ko.

Huminga ako ng malalim saka pinagbuksan ang kung sinuman ang kumakatok.

"J-Jilliane." Si hambog.

Ngumiti ako pero promise, 'yung sistema ko nagwawala. "Ah, uy, hambog? May kailangan ka ba? Gabi na."

Nakatingin lang siya sa 'kin. Ang awkward na nga eh. Buong katawan ko ay tiningnan pa yata niya. Pagkatapos ay tumingin ulit sa mga mata ko. Namumula siya.

Nakainom ba 'tong hambog na 'to?

"Problem?" Ulit ko. 'Di kasi siya nagsasalita.

Parang magsasalita na siya pero nabibitin. Para siyang hindi mapakali na hindi maintindihan. 'Yung itsura na parang madudumi na.

"Xking?"

"I..."

"Ano nga 'yon?"

"I want a goodnight kiss." Para siyang tanga, totoo lang. 'Yung pinipilit maging astig ang dating pero hindi naman mapakali.

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Asus. Goodnight kiss ka d'yan."

"Tch." Sumimangot siya pero namumula pa din ang mukha niya.

"Hoy, hambog. Nakainom ka ba? Ang pula ng mukha mo oh." Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya. Tumatagilid pa siya. Hindi siya mapirmi sa tayo niya. Hindi talaga mapakali. Ano ba 'tong hambog na 'to.

"No. Tch. Goodnight kiss."

Huminga ako ng malalim saka siya hinalikan sa pisngi. Mabilis lang iyon at biglang ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ayos na?" Tanong ko.

Tumango siya ng bahagya. "Goodnight."

"Goodnight!" Masiglang sabi ko. Talaga namang buhay na buhay ang kaluluwang lupa ko.

Nanatiling nakatayo si Xking sa harap ko. Tiningnan ko siya na parang tinatanong kung 'di pa siya aalis.

"N-next time.."

"Ano?"

"Mag..ano, tch. Magsuot ka ng bra kapag haharap ka sa tao. Bakat eh. Matulog ka na!" Sabi niya saka mabilis na nag-walk out.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon