X25

44.6K 1.4K 431
                                    

Jilliane POV

"Wear this gown tonight."

Kinuha ko ang inabot na box ng gown ni hambog. Akala ba niya, okay na kami? Naiinis pa din ako sa kaniya dahil sa rules niyang nalalaman. Dalawang araw na ang lumipas pero naiinis pa din ako kapag naaalala ko 'yung sinabi niyang kailangan kong sundin ang rules niya dahil kung hindi, bubuntisin niya ako. Walang'ya!

"Huwag ka ng magsungit. Tch."

Inirapan ko pa rin siya saka umakyat na sa taas.

"Jilliane." Tawag niya sa akin kaya napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan saka siya nilingon.

"Oh?"

"I love you. You're prettier when you're smiling. Tch."

I rolled my eyes at him. Binobola niya lang ako, e. Pero kinikilig ako, letse siya!

"Hmmp!" Pagtataray ko pa rin saka dumiretso na pa-akyat sa taas. Akala ba niya, siya lang ang marunong magsungit? Pwes, ako din!

Isusukat ko pa ang gown na binigay niya. May party kasi mamayang gabi. Party ng mga nasa black market at syempre, invited kami ni Shawn dahil kami ang nakikipag-transact sa kanila. Pero dahil boyfriend ko si Xking, sasama daw siya. Epal talaga, e. Nainis nga si Shawn nung malaman niyang sasama si hambog. Dati naman daw kasi, hindi mapapasama sa gano'ng party 'yun tapos ngayon, biglang sasama.

Nakaka-excite, kasi sa yate gaganapin ang party. Puro mga sosyal daw ang naroon. Siyempre, sino ba ang nakakapag-purchase ng mga mamahaling illegal weapons? Syempre, mayayaman lang. Kaya nga elegante daw dapat ang isuot ko.

Kung alam lang nila na sanay na akong magsuot ng mga eleganteng damit dahil... laking mayaman naman ako--na naglayas.

Inilapag ko sa kama ang box saka binuksan iyon. Kuminang ang mga mata ko nang masilayan ang red tube dress na may ilang parang diamonds. Parang kumakanta ang gown ng, shine bright like a diamond! Ang ganda! Itinapat ko sa katawan ko ang gown at ang haba niyon ay hanggang paa ko. May ka-partner itong heels na kulay pula din.

Sabi pa ni Shawn nang magkausap kami about sa party, paaayusan daw niya ako sa salon. Sabi ko, hindi na kailangan kasi kaya ko namang mag-ayos ng sarili ko. Saka as if naman, papayag ang hambog na si Shawn ang gumastos para sa akin. Possessive nga, e. Saka, simpleng make-up lang naman ang inilalagay ko sa mukha ko kapag uma-attend ako ng mga events and party.

Kahapon ay sinamahan ako ni Xking na mamili sa mall. At bumili ako ng make up pagkatapos kong magpa-manicure at pedicure. Bongga dahil sinamahan niya ako at hindi man lang siya nainip.

Mas napapatunayan kong seryoso siya sa akin at totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Kahit ipinipilit ni Shawn sa akin na huwag akong masyadong malulong sa pagmamahal ko sa hambog. Pero mapipigilan ko ba? E, lagi ko ngang kasama sa iisang bahay si hambog. Paano ko iiwasang mahulog ng paulit-ulit sa kaniya? Idagdag pa ang mga efforts and sweet words niya.

Huminga ako ng malalim saka iwinaglit muna sa isip ko ang tungkol sa hambog at tungkol sa sinasabi ni Shawn.

Ayokong mag-assume na sinisiraan lang ni Shawn si hambog dahil mahal niya ako. Para mapunta ako sa kaniya...

Pero nakikita ko naman sa mga mata ni Shawn na hindi iyon ang reason niya para magsalita siya ng ganoon tungkol sa hambog. Sincere din siya sa pagbibigay sa akin ng warning. Pero sincere din naman kasi si hambog sa mga sinabi niya sa akin at sa ngayon, mas paniniwalaan ko si hambog at mas susundin ko ang gusto ng puso ko.

-

Handang handa na ako para sa party. Naka-ilang beses na akong tumingin sa human size mirror para suriin ang sarili ko.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon