X12

56.4K 1.9K 335
                                    

JILLIANE POV

Para akong timang na tinititigan ang sarili ko sa human sized mirror dito sa kwarto. Nagagandahan kasi ako sa sarili kong ayos ngayon. Para tuloy akong makikipag-date eh. Black tube dress na hanggang tuhod tapos nakalugay lang ang buhok ko at naglagay ng clip.

Naglagay din ako ng kaunting make-up. Baka makikipag-transact kami sa isang party kaya sinabi ni Shawn na mag-dress ako? Siguro nga.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may kumatok roon. Lumapit ako at pinagbuksan kung sino man iyon.

“Ma’am, nasa baba po si Sir Shawn.”

Andiyan na siya. Bigla naman akong kinabahan. “Susunod na ako.” Nakangiting sabi ko saka lumapit sa kama para kunin ang aking black pouch. I am ready.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Naglakad ako sa hallway. Napansin ko pa si kapitan Maximo na parang nagmamadali—galing sa may kwarto ni Xking. Sa dulo kasi ang kwarto ng hambog at solong kwarto lamang ang naroon. Bakit kaya? Baka sinungitan ng hambog? Bahala nga sila.

Bumaba na ako sa salas  at doon naabutan ko si Shawn na kausap ang hambog. Kumunot ang noo ko. Ba’t galing sa kwarto ng hambog si Pareng Maximo gayong narito naman ang hambog sa salas? Ah, baka hinahanap niya ang hambog. Okay.

“Ehem.” Agaw ko sa atensyon nila. Mukha kasi silang seryosong-seryoso.

Sabay silang tumingin sa gawi ko at medyo nailang ako dahil sa nakita kong reaksyon sa mga mukha nila. Ayokong mag-assume pero bakit kaya pareho silang parang natigilan habang nakatingin sa’kin? Nagandahan kaya sila sa’kin? Charot lang.

“Ah..?”

Tumayo si Shawn. “L-Let’s go?”

I nodded then looked at Xking. He’s looking at me seriously. “Aalis na kami..” sabi ko bilang paalam.

“Do you really need  to wear a dress? Tch.” Sabi niya.

Kelan pa niya pinakialaman ang suot ko? Madami na talaga akong napapansing kakaiba sa hambog.

“It’s natural, Xking. This is a date.” Shawn said grinning.

“Date? I thought you have a transaction?” tanong ni Xking.

Hala. Date pala ‘tong sa’min ni Shawn? Akala ko may transaction kami. Iyon pa naman ang sabi ko sa hambog kanina. Patay.

“No. We haven’t. We have a date tonight.” Shawn answered then looked at me. “Let’s go, Jilliane.”

Tumango lang ulit ako saka sumunod na sa kaniya palabas ng mansion. Lagot ako sa hambog baka isipin niya na nagsinungaling ako. Malay ko ba kasing date ‘to. Saka ba’t ko niyaya  ni Shawn makipag-date? Tanungin ko nga siya mamaya.

Pinagbukas ako ni Shawn ng pinto ng kotse niya. Agad akong sumakay. Maya-maya pa ay nakasakay na rin si Shawn sa driver’s seat.

“You didn’t tell me that we’re going on a date.” I said.

Saglit siyang tumingin sa akin saka muling itinutok ang tingin sa daan. “Serously. Isn’t it obvious?”

Hindi naman talaga obvious. Malay ko ba naman kasi kung may transaction lang kami saka bakit naman ako yayayaing makipag-date ng isang Shawn David ‘di ba?

“Hindi. Saka, ano..bakit mo ba ako niyayang makipag-date? Balak mo ba akong ligawan—AHHH!”

Ang  lakas ng kabog ng dibdib ko. Syete! Bigla siyang nag-preno saka tumingin sa’kin.

“What the hell, woman? Are you really that naive? Tch.” Pagkasabi niyon ay nagsimula na ulit siyang magmaneho.

What’s wrong with my question? Nagtatanong lang eh. Assuming ba ako? Wala kasi talaga akong idea kung bakit. “Bakit nga kasi..” I  pouted my lip.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon