X10

57.7K 1.9K 321
                                    

JILLIANE POV

Ilang beses na akong nagsa-sign of the cross habang nakaluhod dito sa may kama ko. Lagot ako. Kitang-kita ko kanina sa mukha ng hambog kung gaano siya ka-galit dahil sa ginawa ko. Kasi naman eh, nagmamagandang-loob lang naman ako. Malay ko ba kung nasapian siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng malalakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko ang narinig ko. Hala, ang hambog!

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Napapikit ako. Nananalangin na sana ay hindi si Xking ang nasa labas ng pinto. Patay talaga ako nito. Baka gilitan niya ako ng leeg. Huhu masakit ‘yun.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama ko saka dahan-dahan ring tinungo ang pinto. Slow-motion kong iniikot ang door knob para mabuksan ang pinto at doon bumungad sa’kin ang mukha ng hambog na parang papatay ng tao.

“Get out of that fucking room.” He said.

Galit nga. Naku po, h’wag naman sana siyang mag-ala-hulk. Hindi pa naman totoong holy water iyong winisik ko sa kaniya kung hindi tubig mula sa banyo ng kwarto ko.

Kabado akong lumabas mula sa kwarto ko at hinarap siya. “Ah, ano kasi, ‘yong ano..”

“You’ll receive your punishment later. Magbihis ka, pupunta tayong hide-out. Make it fast or else I’m gonna burn all your fucking clothes.”

Napalunok ako. Nasisindak talaga ako sa hambog. Bumalik na naman ang pagsasalita niya ng favorite word niyang,’fucking’. Lahat ng sentence kelangan may ‘fucking’ eh. Psh.

“Now what? Ano pang tinitingin-tingin mo d’yan?” sigaw niya.

Hindi ko na naman kasi kailangan magbihis. Naka-maong shorts naman na ako at shirt. Wala naman kaming transaction ngayon sa black market kaya hindi kailangang maging pormal.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Gwapo talaga ‘tong hambog na ‘to eh kaso laging magkasalubong ang kilay.

“What the fuck, Jilliane? I’m talking to you!”

Bahagya akong ngumiti. “Kalma lang naman. Nakabihis na ako. Ready na rin ako. Kaya tara na? Hindi ka na po maghihintay, kamahalan.” Pang-aasar ko.

Ngayon ko mas na-realize na kahit sabihin na nating napaka-sama talaga ng ugali ni Xking, Nakakatuwa pa rin siyang asarin kasi mabilis uminit ang ulo niya. Pikunin naman. Katapang-tapang.

“Tch.” Nag-walk-out ang hambog. Kahit kalian talaga, hilig akong talikuran eh.

Huminga ako ng malalim saka isinara ang pinto ng kwarto ko. Sumunod na ako sa hambog pababa hanggang sa garage. Nakasakay na agad siya sa kotse niya. Napaka-gentleman alaga ng allaking’to. Kahit kalian, ‘di pa niyan ako pinabukas ng pinto ng kotse niya. Psh.

Pasakay na ako nang may mapansin ako. Teka nga, bago ba ‘tong kotse niya? Parang nag-iba ang itsura.

“Woman, get in the car!” sigaw ng hambog.

Bilhan ko kaya ‘tong lalaki na;to ng mikropono. Hlig sumigaw eh. Nakakabingi. Dinaig pa ang babae. Ano ba ‘yon, hilig niya ta;aga akong sigawan o sadyang pa-sigaw ang accet niya? May gano’n ba?

”WOMAN!”

Nataranta ako anng muli siyang sumigaw. “Eto na nga. Rush hour ka? ‘To naman. Highblood agad eh. Saka pwede bang tigilan mo ako sa pa-woman, woman mo na ‘yan. I have my name. Psh.” Pagtataray ko—para maitago ang kaba. Baka bigla niya akong saksakin sa atay eh. Mahirap na.

Naghintay ako ng ilang segundo pero deadma ang beauty ko. Aba’t! Itong hambog na’to, bi-bingo na talaga sa’kin eh. Bastos kausap. Basta na lamang pina-andar ang kotse niya na parang walang narinig. I rolled my eyes. Bahala ka d’yan. ‘di kita papansinin. Psh! Makapan-deadma, akala mo mas gwapo kay Sehun ng EXO eh. Kainis!

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon