X26

40.1K 1.5K 573
                                    

Jilliane POV

Nanginginig ang mga kamay ko. Lalo na nang marinig ko ang pangalan ni...hambog.

How dare him? Paanong ibinenta niya ako na parang isang bagay? P100,000,000 lang ba ang halaga ko? Ganoon ba siya kasilaw sa pera para ibenta ako? He's my owner? Sa pagkaka-alam ko, boyfriend ko siya! Mahal niya ako pero bakit niya nagawa sa akin ang bagay na 'to?

"No. Sorry, I can't accept this." Sabi ko saka dali-daling tumayo.

Mabilis akong lumapit sa pinto pero naka-lock iyon.

"Open the door!" Sigaw ko.

"You can't say no. Tha transaction between me and your owner was closed."

Ang line na laging sinasabi ni Xking sa akin, maririnig ko sa taong ito.

You can't say no..

"I have my rights to say no! He's not my owner. No one owns me. Just open this door!" Tumulo na ang luha ko dahil nasasaktan ako.

Ang malamang binenta ako ni Xking. Kaya ba hindi niya ako sinamahan dito? Kaya ba sumama siya para ibenta ako? 'Yun ba? Asan na ang pagmamahal niya? Bakit nagawa niya sa akin 'to?

"I have bodyguards outside this room. You can't go anywhere. Wether you like it or not, I'm your new owner."

Shit! Just, shit! Hindi. Hindi ako papayag. Ayoko.

Shawn..

Malaki pa rin ang tiwala ko na walang kinalaman si Shawn dito. Alam kong wala. Si Xking...siya lang. Siya lang ang may kinalaman dito!

"Tulong! Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ko.

"No one can hear you except my bodyguards. All of them were busy at the party. Later, the yatch will stop at one of the helipad. My private helicopter is there to pick up us to go to airport. We'll fly to korea tonight."

I can't believe this is happening. Nananaginip lang ba ako? Sana. Sana dahil ayokong tanggapin na nagawa sa 'kin 'to ni Xking! Bakit...mahal niya ako, e. Mahal niya ako.

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!" Sigaw ko sa koreano saka pinagkakatok ang pinto. "Tulungan niyo ako! Tulong!"

Hindi ko na halos mapunasan ang pisngi ko kahit puno na ito ng luha. Ang gusto ko lang ay makalabas sa kwartong ito at makawala sa koreanong ito. Ito ba ang kapalit ng pagkupkop sa akin ni Xking? Dahil ba pinatira niya ako sa mansyon niya ay pwede na siya akong ibenta ng gano'n gano'n na lang? Anong klaseng tao siya..

Aha. I forgot. He's a heartless man. Wala siyang awa. Wala siyang kwenta. Bakit niya nagawa sa akin 'to?

"Tulungan niyo ako!" Humahagulhol na ako dahil natatakot ako. Ayokong madala sa korea ng koreanong ito para gamitin sa business nila. Hindi ako bagay na pwedeng ibenta. Hindi!

"Stop shouting. I told you, no one can hear you from outside."

Hindi ko pinansin ang koreano. Patuloy ako sa pagkatok sa pinto.

"Buksan niyo ang pintong 'to! Buksan niyo!" Sigaw ko.

Nakarinig ako bigla ng putok ng baril mula sa labas.

"FUCK YOU!" Narinig kong sigaw sa labas.

Boses niya iyon. Boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Narito siya para iligtas ako.

"Shawn! Shawn! Tulungan mo ako!" Sigaw ko.

Na-alarma ang koreano kaya bigla niya akong hinila sa braso.

"Bitawan mo ako! Ahhh! Bitaw!"

Kumalabog ang pinto ng bumukas iyon at iniluwa si Shawn na puro dugo ang kamay. Nakakatakot ang itsura niya. Para siyang galit na galit na handang pumatay.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon