Timeless I: 11

1.5K 90 4
                                    

Rui’s Point Of View

HINDI ko na maipaliwanag ang kakaibang saya na nararamdaman ko ngayon. Nakauwi na ako sa bahay pero ramdam na ramdam ko pa rin ang amoy at ang init ng katawan ni Kit.

Ang saya ko.

“I fucking love you, Kit Perez!” malakas na sigaw ko sa bintana.

“Halata nga.”

Agad na uminit ang mukha ko sa hiya at hindi ako makatingin ng tuwid kay Astro na ngayon ay nasa katapat ko. Nakalimutan kong magkatapatn nga pala ang mga bintana namin.

“So, may mga problema na ba kayong hinaharap?” Rinig na rinig ko ang tanong ni Astro na ngayon ay nakaupo sa bintana niya. Three meters lang ang pagitan ng mga bintana namin kaya rinig na rinig niya talagz ang sinigaw ko.

“My Dad.” Napangiti ako nang malungkot. Dad will be the big hindrance on our relationship.

“Ayaw mo bang maging successor?” sulpot na tanong ni Trio na ngayon ay naka-back hug na kay Astro.

They’re showing off, again.

“Ayoko, gusto kong mamuhay ng payapa—”

“Paano kung ang balakid ay nakasubaybay sa inyo? Ano ang gagawin mo?” seryosong sabat ni Astro sa akin kaya hindi ako makasagot.

Hindrances?

Ito ang kauna-unahan kong magmahal at pumasok sa isang relasyon kaya wala pa akong alam sa mga pagdadaanan namin pero alam ko ang piangdadaanan nila Kuya Rein at Waks kaya may konting kaalaman na rin ako.

“Kaya mo bang protektahan si Kit kapag hindi ka naging successor?”

Agad akong napatitig kay Astro. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating. Alam naman niyang hindi maganda ang buhay ng isang mafia. My mom died because of Dad’s position. Kapag isa na akong mafia ay delikado ang mga mahal ko sa buhay kaya ayokong tanggapin ito.

“Like what you have said, your Dad will be the big hindrance. Anong laban mo sa Daddy mo?”

Lahat ng mga tanong ni Astro ay hindi ko magawang sagutin. He’s totally right. Wala akong laban kay Dad at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin lalong-lalo na’t kilala na niya si Kit.

Lutang akong napahiga sa kama at pilit na huwag isipin ang mga bagay na mangyayari sa susunod na araw. Alam kong panandaliang saya lang ’tong nararamdaman ko. Alam kong hindi ko kayang ipaglaban ang relasyon namin ni Kit. Isang hamak na estudyante lang ako. Estudyante lang.

Kit’s Point Of View

Ilang araw ng hindi pumapasok si Rui at hindi ko na naman alam kung bakit. Wala rin akong cellphone para matawagan siya. Ang huling kita ko lang sa kaniya ay ’yong araw ng date namin.

Nagiging weird siya simula nang kumain kami. Gano’n siguro kaayaw niyang kumain ng kwek-kwek tapos kumain siya dahil pinakain ko siya. Saka ’yong popsicle, ang pula ng mukha niya.

Gusto niya sigurong kumain pero nahihiya lang siya?

Tumatango naman ako habang naglalakad. Nahihiya lang siyang kumain! Next time, pipilitin ko siya!

“Kit Perez?”

Napahinto naman ako sa paglalakad saka napalingon sa isang lalaki na nakatali ang buhok dahil sa haba nito at nasa classroom na katabi nang sa amin.

“Bakit mo ’ko kilala?”

Tanong ko kay Waks. Hindi ko akalain na kilala niya ako, kilala ko siya dahil isa siyang varsity ng basketball team sa paaralan at sikat sa mga estudyante.

Ngumiti naman siya kaya kitang-kita ang malalim niyang mga dimples. “Napapansin ko kasi na lagi kayong magkasama ni Rui nitong nagdaang mga araw. Kayo na ba?”

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya saka nanlamig ang mga kamay ko. Kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo ay tiyak na lagot kami sa mafia-ng tatay ni Rui saka...

... hindi ko rin alam kung ayos lang ba kay Rui na ipagsabi sa iba ang relasyon namin.

Hindi pa namin ito napapag-usapan!

“Oo.” Ngumiti naman si Waks. “Magkaibigan na kami.” Napawi naman ang ngiti niya saka nagsalubong ang mga kilay.

“Magkaibigan lang kayo? Kawawang Boss Rui,” huling sabi niya saka pumasok na sa classroom nila.

Hindi ko alam na may chismoso rin palang lalaki? At ang hinahangaan pa ng lahat saka kilala niya si Rui?

Rui’s Point Of View

“Boss Rui!” Hindi ko pinansin si Waks at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng libro.

Ilang araw na akong hindi pumapasok dahil nahihiya akong harapin si Kit dahil sa mga malalaswang iniisip ko. At kapag nakita ko lang ang picture niya na kinuha ni Waks, I end up jerking off just by Kit’s picture on my phone.

Fuck!

Hindi ko magawang tingnan si Kit sa mga mata kaya naiilang akong pumasok!

Napapatayo na lang ang mga balahibo ko kapag naaalala ko ang scene na kumakain siya ng ice cream!

Sumasakit na naman ang puson ko!

“Nakausap ko si Kit at sinabi ko na hindi ka pumapasok dahil may mga malalaswang pantasya—”

Uminit naman bigla ang mukha ko sa sinabi niya kaya naibato ko sa kaniya ang librong hawak ko.

“Relax ka lang, nag-jo-joke lang ako,” saad niya habang ang dalawang kamay ay nakataas na parang sumusuko na siya.

Hindi magandang joke ’yong kapag sinabi niya. Mapapatay ko talaga si Waks.

“Sa totoo lang, lagi siyang nakasimangot habang naglalakad sa corridor at alam kong dahil sa iyo!” Umupo siya sa bakanteng upuan sa kuwarto saka napasandal.

Alam ko naman ’yon pero hindi ko magawang makipag-usap sa kaniya lalong-lalo na’t naaalala ko ang mga maduming pantasya ko.

I sighed and darted him a death glare. “It’s your fault, asshole!”

Kung hindi dahil sa librong binigay niya at sa pagbubuklat ko nito ay hindi ako makakaranas ng ganito!

Tumawa naman siya. “Ako ba ang nag-utos sa ’yo na isipin ang mga—”

“Enough!”

Sumeryoso siya bigla. “Tinanong ko rin kung ano ang relasyon n’yo at sinabi niya na magkaibigan lang kayo.”

Nakaramdam naman ako ng panghihinayang pero wala kaming magagawa. Siguro ay iniisip niya ang kalagayan namin, hindi pa alam ng mga magulang ko saka delikado.

Okay lang sa akin na ipagsigawan niya na may relasyon kami! Gusto ko ring isigaw at sabihin sa iba pero natatakot akong sumugal.

“Hindi ba kayo proud? Gusto n’yo ba itong i-sekreto na lang?”

“It’s none of your business.”

Ngumiti siya nang matipid. “Takot kang mag-take ng risk pero kapag ’di ka sumugal, paano susubu—”

“Waks, 19 years old na ako pero kontrolado pa rin ako ni Dad…” mahinang sabi ko pero alam kong rinig niya. “… maybe, hindi pa ngayon. Masyadong delikado ang posisyon ko dahil gusto ni Dad na maging successor niya ako.”

“Kailan pa?”

I smiled bitterly. “If I became an adult, no one can control me and I will be able to protect him all by myself.”

Malungkot na ngumiti si Waks. “Thank you.”

Napataas ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan.

“Kapag wala ka, hinding-hindi magiging kami ni Rein. Hinding-hindi kami matatanggap ng Daddy mo.” Mga salitang binitiwan niya saka tuluyan ng lumabas.

Napaupo ulit ako sa upuan saka napabuntong-hininga. “I owe my brother once, I just lend a hand to repay him so don’t you dare thank me.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now