SPECIAL CHAPTER

1.2K 85 8
                                    

Waks’s POV

Napabuntong hininga akong kumakatok sa pinto.

“Come in.”

Dahan-dahan kong iginaya ang katawan ko papasok sa office ng ama ni Rein. Itinuro niya ang upuan sa katapat niya kaya umupo ako rito.

“Ano pong kailangan n’yo?” diretsahang tanong ko sa Daddy ni Rein na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

“Totoo ba ’tong DNA result?” Itinaas niya ang brown envelope na hawak.

So, binigay na pala ni Rui. Ba’t biglaan?

“Yes.”

Kumunot ang noo niya saka inilabas ang mga papel at litrato sa loob ng envelope. “Really? Hindi nagsisinungaling si Rui?”

“Opo. Si Rein ang kumuha ng buhok ni Kiru bilang sample,” seryosong sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi niya pa rin kayang pagkatiwalaan si Rui.

“Kilala mo itong bata na ’to?” Inilapit niya sa akin ang mga pictures ni Kiru.

Tumango akong nakatingin sa mga litrato. “Yes, Mr. Teru.”

“I told you to call me Dad already. You’re too stubborn.”

“I-I am sorry, D-Dad.” I can’t help but to smile while staring the floor. He accepted us but why he can’t accept Rui and Kit?

“That’s better. You can control Rein and he loves you.”

Agad kong inangat ang ulo ko kaya nakita ko ang totoong ngiting nakapaskil sa mukha niya pero napatawa siya nang mapangiwi ako.

“Dad, ang tigas nga ng ulo no’n e.” And lately, he’s acting weird.

“You’re his happiness.”

“Dad, how about Rui’s happiness?” Napakagat ako sa labi ko. Tang-ina. Naibulalas ko lang.

“I made a mistake. I’ve been regretting that decision. But, it’s too late.” Damang-dama ko ang paghihinayang. “May anak na si Rui at hindi ko na muling maitama ang mali ko.”

What?

“Y-You mean... That marriage interview—”

Tumango si Dad. “Si Kit Perez ang magiging partner niya.” Malungkot siyang ngumiti. “Ang dami kong ginawa para lang makuha ang tiwala ng pamilya ni Kit nang hindi nalalaman ni Rui. I heard that Kit doesn’t have a wife nor a lover that’s why I beg for his hand. I already planned everything. Kung saang bansa sila ikakasal, simple lang ba o imbitado lahat ng business partners.”

“A-Alam ba ni Kit? O ’di kaya ni Rui?”

“No. Kapag nalaman ni Kit ay magagalit siya. Akalain mong pinaghiwalay ko sila sa mababaw na dahilan? Saka, gusto kong surpresa ’yon kaya ’di ko na sinabi kay Rui kung sino ang papakasalan niya.”

“Pero hindi ko na ipipilit pa ang pagbabalikan nila.”

“But Dad, Rui loves Kit.”

“But Rui loves his son more than Kit. Paano na lang ang ina ng bata?”

“H-Hindi n’yo pa ba alam?”

“Na?”

“Ang ina ni Kiru ay walang iba kundi si—”

“I’ll take this call. You can go now, mag-usap na lang tayo ulit.”

Shit. Bakit ba kasi hindi malinaw ang tungkol sa marriage interview? Kung alam ko lang sana na si Kit ang ipapakasal ni Dad kay Rui, nagawan ko na sana ng paraan.

“I’m happy that Dad already accepted them.” Konting push na lang at magiging masaya na rin sila.

“Waks? Why are you here?”

Napatingala ako at nakita ko si Rein. “Pinatawag ako ng Dad mo.”

“About Kiru?” nakataas ang kilay na tanong niya.

Tumango ako. “Alam mo ba ang totoo?”

Kung alam ni Rein ang tungkol sa marriage interview edi sana sinabihan niya si Rui o edi kata ako.

“Yeah.”

Ano?

“Rein, dapat pala sinabihan mo si Rui.” Hindi ko na naitago ang inis sa boses ko. Humahaba na ang problema ni Rui.

“It’s not our problem, Waks. Labas tayo do’n at isa pa, kung hindi ’to kayang lampasan ni Rui, hindi niya deserve sina Kit at Kiru,” balewalang saad ni Rein.

“Pero mapapadali ang lahat.”

Napabuntong hininga siya saka napailing. “That’s boring. Rui needs to suffer.”

“He already suffered a lot!” sigaw ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung nandito pa kami sa labas ng kompanya ng Dad niya.

“Kinakampihan mo ba si Rui kaysa sa akin?” inis na tanong niya.

Tumitingin na rin ’yong ibang tao sa amin.

“Wala akong kinakampihan. Ang sa akin lang ay gusto ko siyang tulungan kagaya ng pagtulong niya sa atin—”

“Wala ka na lang bukambibig kundi kaligayahan ni Rui!” mariing saad niya saka napangisi. “Baka nahulog ka na?”

Biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. “Ganiyan na lang ba talaga kaliit ang tiwala mo sa akin? Kapatid mo ’yon, Rein. Ikaw nga dapat ang tumulong sa kaniya!”

Para kaming mga teenagers na nag-aaway. Sa mahigit isang dekada naming pagsasama ay para kaming bumabalik sa simula.

“Stop sticking your nose on his problem! Ang dami kong ginagawa ’tapos iniinis mo ako.”

“We already decided to help him!” Umiinit na ang ulo ko sa kaniya. Pabago-bago ng isip!

“Pinagtataasan mo na ba ako ng boses? Napapaghalataan ka na Waks. Baka may nangyari na sa inyo. Ano? Mas magaling ba ang kapatid ko sa kama—”

Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya saka tumalikod na.

“Parang kapatid ko na rin si Rui, Rein. Kung ayaw mong tumulong ’di kita pipilitin.” Napayuko ako nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. “Saka, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan.” Mabilis akong naglakad papalayo.

Ano bang gusto niyang palabasin? Nakikipagsiping ako kahit kanino lang? Tang-inang Rein! I hate him! Ano ba kasing nangyari sa kaniya no’ng isang araw?

Ako na lang ’yong laging umiintindi. Nakakasawa na. Napapagod na ako.

Tang-ina.

Gusto ko ng bumitiw...

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon