TIMELESS II: 13

1.2K 89 2
                                    

Rui's POV

"Ano 'yon?" kinakabahang tanong ko habang hindi makatingin nang maayos kay Kit kaya ibinaling ko na lang ang atensiyon ko kay Kiru na ngayon ay bumili na ng card.

Fuck! I can't wait to hear it. Ano kaya ang sasabihin niya? I can't feel my fucking heartbeat! I'm excited to the point that I can't help my lips to formed a smile! I guess, a creepy one?

Nagtitigan lang kami ni Kit at hindi ko kayang umiwas. Ilang segundo pa ay ngumiti siya nang dahan-dahan kaya napangiti rin ako. It's been 6 years since he smiled at me genuinely.

"Anak mo-" Napahinto siya saka napailing. Ang ngiti niya ay naging isang malungkot. "Huwag mong kakalimutang mag-attend ng Family Day."

Napatawa ako sa paalala niya. Agad kong kinuha ang isa niyang kamay saka pinisil ito. "Pupunta ako."

"Mom?"

Nanlaki ang mga mata ni Kit saka agad na binawi ang kamay niya at tumingin kay Kiru. "Let's go?"

Tumango si Kiru pero may ibinulong siya kay Kit habang nakatingin nang masama sa akin.

Huh? Are they backstabbing me?

Lumapit si Kiru sa akin saka mahigpit na hinawakan ang damit ko habang nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo.

"Are you making a move on my Mom?"

Kahit na gulat ay pilit kong hindi matawa sa inaasta niya. He's cute when he's angry. Para siyang isang lalaking aagawan pa lang ng kasintahan, ang problema ay maliit siya kaya hanggang laylayan lang ng damit ko at mahahawakan niya.

Nakangiti kong ginulo ang buhok niya saka bumulong, "Yes. I'm going to win his heart." Tumitig ako sa kaniya saka tinuro kung nasaan ang puso niya. "Also yours."

"Maglalaro ka pa ba Kiru o uuwi na tayo?" nagtatakang tanong ni Kit na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa amin.

"Of course, maglalaro pa ako. Mom, maghanap ka ng magandang lalaruin!" utos ni Kiru kay Kit kaya kahit na nagtataka ay walang nagawa si Kit kundi ang sundin ito.

Agad na napabaling ulit ng tingin si Kiru sa akin. "You love my Mom?"

"Yeah," seryoso at walang pag-aalinlangang sagot ko. Siya lang ang minahal ko mula noon hanggang ngayon at siya lang din ang taong gusto kong makasama maliban sa dalawang bubwit na ito.

"You don't have a chance."

Agad akong tumamlay sa sinabi niya kaya pilit akong ngumiti. "I'll try my best to have a chance."

"My mom loves my father so much to the point that Mom cries everytime he remembers him." I can feel the sadness in his voice. I don't know what to do so I pull him closer to me and hug him as I softly pat his back.

"Don't worry. Papasayahin ko si Kit. Hinding-hindi ko siya papaiyakin ulit."

Shit! Kung sino mang tarantadong nang-iwan kina Kit, hindi ko talaga siya papatawarin kahit na lumuhod pa siya sa harap ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Pati si Kiru ay nasasaktan na.

I'm sorry Kiru but hindi ko hinihiling na bumalik pa ang ama mo dahil ayokong may kaagaw kay Kit. I will be your father in the future...

"Are you really in love with my mom?" kumpirmadong tanong ni Kiru.

I smiled brightly to give him an assurance. "Since a long time ago."

Agad akong nataranta nang mag-unahan sa pagtulo ang nga luha ni Kiru kaya agad ko itong pinunasan.

"W-Wa... Wait! Why are you crying?" Shit! Damn you, Rui. Baka may nasabi kang masama?

I keep on cursing myself but I stopped when his little arms are tightly hugging me.

"It's scary. It is so comfortable being with you."

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now