TIMELESS II: 21 Part 1

1.1K 68 6
                                    

Kit's Point Of View

"Dad? Kailan ang punta natin doon?" Ito ang narinig kong sabi ni Yuki at tiyak na si Rui ang kausap niya. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"Good morning, Kit!" nakangiting bungad ni Rui sa akin kaya ngumiti ako ngunit hindi ko siya binati pabalik at hinarap si Yuki.

Ngumiti ako kay Yuki saka bumangon na. "Good morning, Yuki."

"Good morning po, Teacher Kit," magalang na sagot niya saka yumuko pa kaya agad akong napatingin kay Rui.

Hindi ba niya ako tanggap?

"Yuki, come here," utos ni Rui kaya kahit na nagtataka ay lumapit pa rin siya. Pinaupo siya ni Rui sa pagitan naming dalawa. "Yuki, ayaw mo bang maging parte si Kit sa buhay natin?"

Mabilis na nagkulay kamatis ang mukha ni Yuki saka nahihiyang tumingin sa akin. "G-Gusto po." Unti-unti na ring nanubig ang mga mata niya kaya sabay kaming nataranta ni Rui.

Bakit siya napapaiyak?

Mahigpit niya akong niyakap. "Pwede ko rin ba kayong tawaging Mom? Teacher, sa school po ay teacher ang itatawag ko. Promise po!" Ang pagkakayakap niya sa akin at ang munti niyang mga kamay ay konting nanginginig.

"Of course." Dahan-dahan ko siyang inilayo saka malumanay na sinapo ang mukha niya at pinunasan ang luhang dumadaloy rito. Malapad akong ngumiti saka mahinang kinurot ang pisngi niya. "Ang cute mo kaya, saka sa simula pa lang ay pangalawang magulang mo na ako. Hindi ba?"

"Yes po. Thank you po!"

Napatawa na lang si Rui nang yumakap na naman si Yuki sa akin.

"Dad? Nandito ba si Yuki-" Napkunot ang noo ni Kiru nang makitang humihikbi si Yuki sa mga bisig ko. "What happened?" tanong niya sa akin at agad na tumakbo papalapit sa amin. Nabigla ako nang hablutin ni Kiru si Yuki at pinaharap ito sa kaniya. Ang mukha niya ay puno ng pag-aalala kaya napatingin ako kay Rui na ngayon ay nakangiti lang sa mga anak namin.

"Hey? Are you okay?" pilit na tanong ni Kiru kay Yuki pero niyakap lang siya nito kaya inis na tumingin ang anak ko sa akin. "Mom! Ano ba ang nangyari?"

"Kiru, hindi na rito titira si Yuki."

Halos mapahagalpak ako sa mabilis na pagbabago ng reaksyon ni Kiru. Pinaghalong pag-aalala, pagtataka, at lungkot.

"I-Is that true? Why?" malumanay na tanong niya kay Yuki pero si Yuki ay tahimik lang kaya tumingin siya sa amin. "Dad? Why?"

"What do you mean why? Obviously, we're kicking him out-"

"No! Are you crazy?" Napaatras si Yuki sa lakas ng sigaw ni Kiru pero agad na hinawakan ni Kiru ang kamay ni Yuki.

"Me? Crazy?" narinig kong bulong ni Rui sa sarili niya kaya napaiwas ako. Mahirap na baka makita nilang ngumingiti ako pero tumingin agad ako sa kanila. Mahirap na baka hindi ko pa makita ang mangyayari.

Nakita ko ang pagngiti ni Yuki nang pilit.

Wow. He knows how to act!

"I'm sorry, Kiru. Magkikita pa naman tayo-"

"No! I don't want to lose you." Halos manubig na ang mga mata ni Kiru na nakatingin kay Yuki.

"Pfft!"

Sabay na kaming napatawang tatlo habang naiwang nagtataka si Kiru at may galit pa ito sa mukha.

"What? May nakakatawa ba?" nagtataka niyang tanong sa amin.

Yuki gigled. "We're just messing you, Kiru."

"Hindi ka talaga aalis?" paninigurado ni Kiru kaya tumango si Yuki.

"Dahil maayos na ang lahat-"

"Hindi pa, Dad! I hate you."

Umasim ang mukha ni Rui. "What? Look. I'm sorry, okay? Sasabihin ko na sana ang totoo pero sumabay si Yuki sa kalokohan ko at pati na rin si Kit kaya bakit ako ang masama rito?" pangatwiran niya.

"Dad." Napalunok si Rui saka pagkakabigkas ni Kiru. "Ah! I can't hate you at all." Nagpapadyak pa siya.

"Nga pala, saan kayo pupunta ni Yuki, Rui?" pagbabago ko sa topic.

Ngumiti si Rui. "Tayong lahat ang pupunta."

Saan?

"We will meet my parents!" Yuki beamed.

His real parents...?

"Magsikilos na tayo. Pagkatapos natin silang bisitahin ay mamamasyal tayo," saad ni Rui.

"Okay!" Mabilis na humarurot ang dalawang mga bata papalabas.

"Hey. Morning." He gave me a smack kiss. "Sorry, nahuli."

"Ang aga-aga, kalokohan agad ang sumibol sa utak mo. Pinakaba mo si Kiru."

Napatawa siya. "At nagmana rin si Yuki sa akin."

"Yeah but he's cute-"

"How about me?" nakangusong tanong niya.

Mahina kong itinulak ang noo niya papalayo sa akin. "Maligo na tayo."

Tumayo na ako pero hinawakan niya ang mga kamay ko. "Hey."

Ngumiti ako saka lumingon sa kaniya. "You're my husband."

Napaiwas siya habang namumula kaya nagtaka ko. Nanlaki ang mga mata ko nang dinala niya ang kamay ko sa pang-ibaba niya. "What? Bakit siya nabubuhay?"

"Rui."

"May oras pa naman, 'di ba?"

Napabuntong hininga na lang ako.

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon