TIMELESS II: 15

1.2K 89 6
                                    

Rui’s POV

Hanggang ngayon ay napapatawa pa rin ako habang naaalala ang nangyari kanina. Tulak-tulak ko ngayon ang cart habang nakasunod kay Kit. Halatang-halata na nakanguso siya ngayon.

“Dad, why are you still laughing?” nagtatakang tanong ni Kiru sa akin.

I smiled as I ruffled his hair. “Your mom’s cute.”

“I know.” He pouted. “He’s just embarrassed. Why didn’t you kiss him back there? Mom’s waiting at that time, you know.”

I can’t help but to grin happily. “I told you, I’m going to make your Mom fall for me.”

He stamped one of his foot then he crossed his arms. “But you ruined your chance to kiss him.”

Napahinto ako saglit saka napakamot sa batok. “You got a point.” Tumingin ako kay Kit na ngayon ay namimili ng bibilhin. “Hindi ko na siya mahahalikan.”

“Hindi na talaga.” Umirap pa siya at pagkatapos ay napasimangot.

Nakasunod lang kami ngayon kay Kit nang tahimik. Napapakunot ang noo ni Kit kapag nagtagpo ang mga paningin namin kapag naglalagay siya sa cart habang ako naman ay hindi ko magawang hindi ngumiti.

“Chocolates!” sigaw ni Kiru na halos magningning na ang mga matang nakatingin sa iba’t ibang klaseng chocolates. Kumuha siya ng tatlong klase saka inilagay sa cart.

“Hindi pwede, Kiru. Biskwit na lang. Kumain ka na kahapon. Ang dami mong nakain,” saway ni Kit saka ibinalik ang mga kinuha ni Kiru sa lalagyan.

“Kahapon pa kaya ’yon,” mahinang saad ni Kiru.

Kumuha ako ng anim na piraso sa isang klaseng chocolate saka inilagay ito sa cart dahilan para taasan ako ng kilay ni Kit.

“How did you know my favorite flavor?” masiglang tanong ni Kiru.

“Wow. It’s my favorite too,” manghang usal ko saka itinuro si Kit. “Alam ’yon ng Mommy mo.” Ngumiti ako kay Kit. “Pagbigyan mo na siya.”

Napailing si Kit pero kalaunan ay hinayaan na lang ito saka tumungo na sa counter.

“Salamat, Daddy!” nakangiting wika ni Kiru saka binigyan ako ng isang yakap.

“You’re always welcome.”

“Kit, it’s nice to see you again. Pabor talaga ang tadhana sa atin.”

Napawi ang ngiti ko nang makita ko kung gaano kalawak ang ngiti ng lalaking ito kay Kit.

“Magtrabaho ka na lang.”

Napatawa ito saka sinulyapan ako saglit bago pumunta kay Kiru ang atensiyon niya. “O? Uncle mo, Kiru?”

“Nope.” He grinned. “My Dad.”

“Really?” hindi naniniwalang tanong niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Not bad.”

Who’s this man?

Sa dami ng tao ay ayokong gumawa ng eksena. Kahit saang parte tingnan ay lamang pa rin ako kaya hindi ko maiwasang mapangisi na lang.

Pagkatapos ng ilang minuto ay naglalakad na kami papunta sa parking lot. Kagaya kanina, nasa unahan lagi si Kit sa amin.

“Sino ’yong lalaki—”

“Manliligaw ni Mom,” mahinang sagot agad ni Kiru.

“The fuck!”

“Hey, mouth.” Mahina pa niyang sinampal ang sariling bibig.

“Sorry.” Manliligaw?  Napatingin ako kay Kit na ngayon ay tahimik na naglalakad lang.

“Sa kakulitan niya ay kahit ilang ulit na siyang natalo, lumalaban pa rin,” kwento ni Kiru kaya napangiwi ako.

“So persistent,” sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami’t napatawa na lang.

This is great...

Huminto si Kit kaya napahinto rin kami. Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng kotse nila.

“Kakausapin ko muna ang Mommy mo,” saad ko kay Kiru kaya ngumiti lang siya at tumango saka pumasok na sa kotse.

“Thank you sa araw na ’to,” nakangiting saad niya saka yumuko nang kaonti.

Agad akong napailing at nagtatakang nakatingin sa kaniya. “Why are you thanking me? Ako dapat ang magpasalamat. Nag-enjoy ako.”

Marahan siyang tumawa saka sinulyapan ng tingin si Kiru na ngayon ay nakangiiti na sa amin. “Nagkaroon ng ama si Kiru kahit ngayong araw lang—”

“Actually, I’m planning to extend this kind of situation.” I slowly hold his hand. My hand m’s trembling. Damn. I don’t want to let him go. “I want to be his father.” Hindi ko na pinigilan ang bibig ko sa nais kong mangyari.

I heard him sighed. “Rui.”

“Wala akong pakialam kahit na wala na akong pag-asa sa inyo.” I clenched my fist as I clenched my teeth. Desperado na talaga ako. I really don’t care kapag bumalik ang ama ni Kiru. I just want to do my best to win their hearts. And I don’t want to taste defeat.

“Kit—” Nanlaki ang mga mata kong nakatitig kay Kit na ngayon ay nakahaplos sa pisngi ko.

He softly pinch my cheek. “Don’t worry, you’re still here.” He points his heart as he genuinely smiled and then he lean. “Do your very best, Daddy.”

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang sina Kit at Kiru ay matagal ng nakaalis.

“Shit!”

Lutang akong nakarating sa opisina. Hindi ko nga alam kung may traffic ba kanina. Hindi pa rin nawawala ang mga katagang nag-e-echo sa utak ko.

“Anong nangyayari sa mukha ng isang Rui Teru?”

Napahinto ako nang may nagsalita. Agad ko itong tiningnan at nakita ko si Waks na kumakain sa couch kaya umupo ako at napakain na rin.

“I badly want them as soon as possible,” I greedily answered.

“Dati, si Kit lang, ngayon kasama na ang anak niya.”

That’s the main point, my goal.

“His son called me Daddy and it felt great.” Hindi ko alam kung para na ba akong baliw na may napakalawak na ngiti. Hindi ko ito mapigilan pati na rin ang kakaibang nararamdaman ko. “Kakaibang sayang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko hanggang ngayon kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina.”

“That’s good,” tumango-tango pa siya. “Handa ka na bang malaman kung sino ang totoong ama?”

Ilang segundo din akong hindi nakapagsalita. “I’m still not ready.”

Kung dati ay gusto kong malaman, ngayon ay takot ang nangingibabaw. Ayokong masira ang araw ko.

“I’ll just give you a hint.”

“No thanks,” mabilis na saad ko bago pa niya ako bigyan ng hint.

“Natatakot ka bang malaman ang katotohanan?”

“Dati ay gusto kong malaman pero sa ngayon ay huwag na muna.”  Napasandal ako sa couch at napapikit. “Baka mabago pa ang mga gusto kong mangyari.”

Napadilat ang isa kong mata nang maramdaman kong tumayo si Waks. “You know him very well. Goodluck.”

Huh? At sino naman ’yon?

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now