TIMELESS II: Epilogue

1.8K 78 18
                                    

Third’s Person Point Of View

“Ayos lang ba itong suot k-ko?” putol-putol na tanong ni Rein habang inaayos ang puting tuxedo na suot.

Napangiwi na lang si Rui habang pabalik-balik na naglakad si Rein sa iisang pwesto lang. “Ilang ulit mo na ’yang tinatanong sa amin.”

“Fuck! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.” Napahilamos siya ng wala sa oras.

“Kabahan ka talaga dahil hindi sisipot si Waks,” pang-iinis ni Rui sabay halik sa noo ni Kit.

Umasim ang mukha ni Rini kaya napatawa si Kit. Rinig na rinig niya ang paghampas ng alon. Isang beach wedding ang inihanda ng tatay ni Rui para kay Rini at nagustuhan naman ito ng ikakasal.

“Sisipot siya,” pangungumbinsi ni Rini sa sarili. “At kung hindi siya sisipot, I’ll hunt him throughout his life.”

Napailing na lang ang mga taong nandito. Kaonti lang at halos lahat ay mga kaibigan at pamilya nila. Lumawak ang ngiti ni Rini nang makita ang mapapangasawa na ngayon ay nakangiti sa kaniya na naglalakad papalapit.

Lahat ng nandito ay nakangiti at halatang-halata sa mga mata ang kasiyahan at pagkagalak. Hindi na nila namalayan, na pagpapalitan na ng vow, napapatawa pa ang mga saksi sa kakulitan ng magkasintahan. Matamis na ngumiti si Kit nang magpalit na ito ng mga singsing. Ramdam niya ang pagpisil ni Rui sa kamay kaya napatingin siya rito.

“I love you, Kit,” bulong ni Rui.

Ngumiti pabalik si Kit. “I love you.”

“Mahal ko rin kayo!” masiglang saad ni Kiru kaya napatawa ang dalawa dahil sumingit ito sa gitna nila.

“Congratulations!” sabay-sabay na sigaw ng mga tao habang pumapalakpak.

“Kailangan ko pa bang itapon itong bulaklak?” natatawang saad ni Waks.

Tumango naman ang mga nandito lalo na ang mga babaeng nag-uunahan na sa pwesto.

“Punta ka na rito, Kit!” tawag ni Waks kay Kit.

Ngumiti lang si Kit saka umiling.

“Hindi na siya sasali. Masasalo man o hindi, magpapakasal pa rin kami,” nakangising usal ni Rui.

“Natatakot ka bang hindi matuloy ang kasal n’yo?” usisang wika ni Rini habang nakahawak sa baywang ni Waks.

“Waks, huwag mo ’yang tabihan mamaya,” inis na utos ni Rui.

“Hindi talaga dahil—”

“Anong hindi?” Nakataas ang kilay ni Rini.

“Masakit pa ang balakang ko. Hindi mo ako pinatulog.” Pinandilatan pa ni Waks ng mga mata si Rini na ngayon ay napahalukipkip na lang.  Napailing ito saka iwinagayway ang bulaklak sa ere. “I don’t need to throw—”

“You need to throw it. Gusto rin ng iba na makasal!” sigaw ng isa sa hindi kalayuan.

Napabuntong hininga na lang si Waks saka ngumiti ulit.

“Rui, pakikuha nga ng isang cupcake, natatakam ako,” utos ni Kit kay Rui sabay turo sa cupcake habang napalingon-lingon pa. “Bilisan mo. Baka pagalitan tayo.”

Napatawa na lang si Rui.

“Rui, tatlo ang gusto ko.” Nakabusangot na ngayon si Kit nang makitang isa lang ang kinuha ni Rui.

“Sigurado kang mauubos mo?” bulong ni Rui pagkabigay sa isang cupcake. “Isa muna.”

“Hmm. Masarap,” natatakam na saad ni Kit habang ngumunguya pa.

“These past few days, matatamis lagi ang hanap mo. Hindi ba sumasakit ang ngipin mo?” tanong ni Rui saka binigyan si Kiru ngunit napailing lang ito sabay ngiti.

“Hindi naman.” Pagkaubos ng isa ay binigyan na naman ni Rui si Kit ng panibagong cupcake. Ngumiti ito. “Thank you.”

“E-Eh?” Sabay silang nagtaka nang masalo ni Rui ang bulaklak.

Nagkatitigan sila at sabay na uminit ang mga mukha. Narinig nila ang sigawan ng paligid habang hindi mawawala ang pagkadismaya.

“Ay sayang.”

“Paano ba ’yan?” sigaw ni Rui saka iwinagayway ang bulaklak sa ere. “Hindi na kami mapipigilan pa.”

Samu't saring sigaw ang kanilang naririnig sa paligid habang si Kit ay patuloy pa rin sa pagkain. Nakangiting binuhat ni Rui ang anak.

“Ikakasal na po ba kayo?”

“Sa susunod na taon.”

Sabay na napatawa ang magkasintahan sa tanong ng anak. Isang halik ang ginawad ni Rui kay Kit.

“Hindi ko na kayo papakawalan pa.”

~Wakas

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now