Timeless II: 12 Part 3

1.2K 87 3
                                    

Kit’s POV

“So, grocery lang ba ang pinunta natin dito?” natatawang tanong ni Rui at mabilis na umiling si Kiru saka tumingala sa akin.

Anong plano ba ng lalaking ’to?

“Sa WOF muna tayo, Mom.” Kumukurap-kurap pa si Kiru habang hinahalikan ang likod ng palad ko.

“Anong WOF ba ’yan?” nagtatakang tanong ni Rui pero ngumisi ito. “Woof! Woof!

“Pfft!” Napaiwas ako ng tingin habang nakatakip ang kamay ko sa bunganga ko.

Para siyang isang malaking aso! Hindi ko mapigilang hindi mapatawa ng mahina. Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ’yong Rui na minahal ko...

“You’re laughing too much, Kit. Hindi nga natawa si Kiru,” narinig kong maktol niya pero ’di ako nag-abalang tumingin sa kaniya dahil paniguradong nakanguso siya ngayon.

“Hindi mo alam kung ano ang WOF?” nagtatakang tanong ni Kiru kay Rui.

Nahihiyang napakamot si Rui sa batok saka napaiwas at dahan-dahang tumango. “Y-Yeah.”

“Pfft!” Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya napatawa ako ng malakas.

“Kit, you can laugh. Don’t hold it back,” sarkastikong saad ni Rui saka napangiwi.

“Let’s go. Sa WOF muna tayo.” Nakangiti ako sa anak ko saka bumaling kay Rui. “Sa WOF kami unang pupunta kaya pwede ka ng—”

“No! S-Sasama ako sa inyo.”

Bago ako maka-react ay nahawak na niya si Kiru at nagsimula ng maglakad kaya napasunod na naman ako sa kanila.

Nasa likod lang ako habang masaya silang nag-uusap at napapahinto habang tumitingin sa mga damit.

Ano ’to? Window shopping?

Napailing na lang ako sa mag-ama saka binilisan nag paglalakad para masabayan ko sila ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang masabayan ko sila ay napahinto kami sa isang bookstore.

“A bookstore?” nagtatakang tanong ni Rui saka tumingin kay Kiru. “Gusto mo bang pumasok?”

“Can I?” Nagningning pa ang mga mata ng anak ko dahilan para mapabuntong-hininga ako.

Pupunta pa kami sa WOF at pagkatapos ay mag-go-grocery pa kami at naghahanda na rin ako para sa Family Day sa Biyernes.

“Kiru—” Napaiwas ako nang tingin nang makita kong lumungkot ang mukha ng anak ko.

“Uncle Rui, huwag na lang. May bibilhin pa si Mommy saka pupunta pa tayo sa WOF.” Damang-dama ko ang lungkot sa tono ng boses ni Kiru.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Minsan nakakalimutan kong maging isang magulang sa anak ko dahil sa dami kong iniisip.

Napabalik ako sa reyalidad nang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Rui. Hindi ako makagalaw at napatitig na lang sa napakaamo niyang mukha.

“Please... Kit ngayon lang.”

Hindi ko alam kung bakit ako napatango at napangiti nang nakita ko siyang ngumiti. May nagtutulak sa akin na sabihin na sa kaniya ang totoo pero may pumipigil din dahil ayokong makasira pero...

“Nga pala, may importante akong sasabihin sa ’yo.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now