Timeless II: 08

1.3K 91 4
                                    

Rui's Point Of View

"Waks!"

Napangiwi ako nang makita kong nakapatong si Kuya Rein sa itaas ni Waks na ngayon ay nakangiwi silang pareho sa akin. Kabubukas ko lang sa kwarto nila at hindi na ako nag-abala pang kumatok. Mabuti na lang at may mga damit pa sila.

Inis na umalis si Kuya Rein sa itaas ni Waks saka tiningnan ako nang masama. "Lagi ka na lang sumisira sa amin."

Napabuntong-hininga si Waks saka kinunutan ako ng noo. "Ano na naman ba? Sinabi ko na sa 'yo na walang namamagitan kay Kit at Paul pero magkaibigan na ulit sila, ang hindi ko lang nalaman kung bakit siya may anak."

"Iyon din ang gusto kong malaman. Who fuck Kit after we broke up?" sigaw ko dahilan para umasim ang mga mukha nila.

May sinabi ba akong masama?

"Why are you asking me? Nakasubaybay ba ako kay Kit?" sarkastikong tanong ni Waks kaya napangiwi ako.

Shit! He's right.

"Just ask him," payo ni Kuya Rein.

Napasandal na lang ako sa pader. Gusto kong padaliin lahat. Iyong tipong ako na lang ang makikita ni Kit. He's mine. He's mine in the first place.

Kung hindi kami naghiwalay, may anak na kaya kami?

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig sa sahig. "Kit delivered his child. He's the one who carried Kiru for nine months."

"H-Huh?"

I bitterly smiled at them. They're confused. "It's true. Maybe, if I didn't end our relationship, we already have a kid right now." Halos mabulong na sabi ko.

If I ever fight for him...

"T-That's too weird-I mean, he's deffinitely a man but, well... Well, may anak na siya at iyon na ang kasalukuyan." Seryosong tumingin si Waks sa akin. "Matatanggap mo ba ang anak niya?"

Ilang minuto rin akong hindi nakasagot. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko.

Narinig ko ang munting tawa ni Kuya Rein. "Hindi mo siya matatanggap-"

"I'll accept him!" putol ko sa sasabihi niya. "Hindi ko lang kayang makita ang ama niya. Hindi ko pa kilala kung sino ang bumuntis kay Kit at paano kung babalik ito? Paano kung mas pipiliin ni Kit ang ama ni Kiru kaysa sa akin? Alam n'yo naman ang nangyari sa amin!"

Hindi ko maiwasang magalit, mainis at malungkot. Damn! Halatang wala ng nararamdaman si Kit sa akin lalo pa ngayon na may anak siya sa bagong minahal niya pagkatapos ko.

Kung sinabi ko ba sa kanya ang totoo ay hindi ganito ang nangyayari?

Kahit anong lakas ng loob pa ang mayroon ako. Kahit anong pilit ko pa kay Kit na piliin ako ay alam kong walang magbabago.

Halatang hindi na niya ako mahal.

"Susuko ka na lang ba?" Napatingin ako kay Kuya Rein na ngayon ay nakayakap na kay Waks. "Alam kong may maraming posibleng mangyari pero hindi mo malalaman kung hindi mo subukan."

Napakagat-labi ako sa sinabi ni Kuya. Tama siya, kailangan kong subukan para makahanap ng kasagutan.

"Saka, hindi natin alam kung sino ang ama ng anak niya at hindi rin nila kasama ngayon kaya posibleng wala na sila."

Halos 'di ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Kuya at ganoon din si Waks.

Nakita ko kung paano ginulo ni Waks ang buhok ni Kuya. "May maganda ka rin palang sinasabi."

"Tss. Mas maganda ka-aray!" Hindi na natapos ni Kuya ang sasabihin niya nang batukan siya ni Waks.

"Lalaki ako kaya huwag mo akong ituring na babae."

I just smiled watching them. Nakasubaybay ako sa pagmamahalan nila. Minsan, hindi ko alam kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok na dumating.

I clenched my fists. I want Kit. I want his son to be my son. I'll accept him. Magaan ang pakiramdam ko nang makausap ko siya sa phone.

Should I meet Kiru?

"Lessen your frowns, Rui. We'll help you."

_________________________________________
Sa rami ng sinasagutan kong activities ay napagod ako at na-stress kaya ako nagpahinga saglit at nakasulat nito. Hindi man masyadong mahaba, at least nakalapag HAHAHA halos on-hold na ang mga stories ko. Sana nag-enjoy kayo!<3
-Eana Salvo (May 21, 2021)

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now