TIMELESS II: 22

1.1K 65 0
                                    

Rui’s Point Of View

Nandito kami ngayon sa World Of Fun. Tapos na naming bisitahin ang mga magulang ni Yuki. His parents died in a car accident at si Yuki lang ang nakaligtas. It’s been a year. Pinsan ko ang ina niya kaya kilala ko na at naalagaan ko na si Yuki mula sanggol pa lang siya.

I felt happy when I saw him beamed at me. Yuki’s wide smile always gave me strength. He is such a strong kid. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak sa puntod ng mga magulang niya. Alam kong nag-a-adjust pa rin siya.

“Hindi ka ba maglalaro?” tanong ni Kit sa akin kaya napailing ako.

“Ayos na sa akin ang makita kayong nagsisiyahan,” I simply replied at him.

“Dad!”

Napatingin ako kay Yuki na ngayon ay malawak na nakangiti habang kumakaway sa akin kaya kumaway din ako sa kanya. Nasa basketball section sila ngayon ni Kiru. Tumango lang si Kiru sa akin habang hawak ang isang bola kaya ngumiti ako sa kanya. Mas lumawak ang ngiti ko nang maramdaman ko ang mga bisig ni Kit na pumulupot sa baywang ko galing sa likod.

I felt his chin on my left shoulder. I hold his hand and squeeze it.

“I love you,” he sweetly whispered.

Pinagbitiw ko siya at humarap sa kaniya. “Thank you for giving me a family.”

Ngumiti lang siya sabay kurot nang marahan sa pisngi ko.

“Kit Perez?”

Mabilis kaming napalingon ni Kit sa tumawag sa kaniya. Isa itong lalaki na halos magkasing-edad lang namin. Malawak ang ngiting nakatitig kay Kit. Napangiwi ako. Hindi ba niya ako nakikita?

“Oh, h-hi?” Kit awkwardly said. Hindi siya makatingin sa lalaking nasa harap namin.

He taps Kit’s shoulder. “It’s nice to see you again. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang—siya ba ’yon?”

I raised a brow on what he said. I am still confused right now. “Ano ang hindi mo pa rin nakakalimutan?” I gave them a fake smile that made him chuckled.

“Siya ’yon,” matipid na saad ni Kit.

“Kit, hindi ko kayo maintindihan,” bulong ko kay Kit pero ngumiti lang siya sa akin.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki at ngumiti lang ito sa amin. “Masaya ako para sa inyo ni Kiru. Mauuna na ako.”

“Sino—”

“Isa siya sa tinakbuhan ko nang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang malaman kong buntis ako,” mabilis na sagot ni Kit ng hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Ilang segundo rin akong hindi makapagsalita. I felt guilty. I just bowed my head. “I’m sorry—”

He cupped my face. Ngumiti siya saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko. “Dati ’yon, Rui. Alam ko namang babawi ka, hindi ba?”

Mas mabilis pa sa kidlat akong napatango. “Of course.”

Babawi talaga. I hugged him. You gave me a family. A family that I really don’t know if I deserve it. I committed different mistakes, but you still accept me. Marami talaga akong pagkukulang at handa akong punan ito.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now