TIMELESS II: 14 Part 02

1.2K 86 9
                                    

Rui’s P.O.V

Masama ang tingin ko ngayon sa nakikita. Si Kit habang nakangiting nag-o-order habang iyong nasa counter ’di ko alam kung nakikinig pa ito at lalong hindi ko  alam kung naiisulat ba niya ng tama ang mga order ni Kit. Kung pwede palang patayin ang isang tao gamit ang tingin, kanina ko pa ’to pinaglalamayan.

“Kit, tapos ka na bang mag-order?” I sweetly said at him while holding his hand. Alam kong naiilang at nagtataka siya pero pinisil ko ito saka malawak na ngumiti sa waiter na ngayon ay nakakunot na ang noo.

Napailing si Kit sa akin saka bumaling sa waiter saka ningitian ito. “Iyan na lahat.”

“How about your number? I want it—”

“Can’t you see?” inis na tanong ko saka itinaas ang magkahawak naming kamay ni Kit. “He’s my husband and that child is our son.” Tinuro ko pa si Kiru kaya napangiti ito.

Naakngiting tumayo si Kiru sa upuan. “Yes, I am his son,” proud niyang saad habang nakaturo pa sa sarili.

Kumunot lang ang noo ng waiter pero yumuko ito ulit saka ningitian si Kit bago umalis.

“Pwede mo ng bitiwan ang kamay ko.”

Agad akong napangiwi saka dahan-dahang binitiwan ang kamay niya kahit na labag sa kalooban ko. “Napasarap lang ang paghawak ko.”

Napatawa na lang ako nang tumaas ang kilay niya.

I’ll do my best to make him love me once again.

Kit’s P.O.V

“Daddy, say ah~” utos ni Kiru kay Rui habang nakanganga pa at may hawak na kutsarang puno ng kanin na may sabaw ng ulam namin na nakahanda.

Ngumiti si Rui saka ngumanga kaya malugod na ipinasok ni Kiru ang kutsara sa bibig ni Rui. Nakangiti siyang ngumungaya habang nakatingin kay Kiru habang si Kiru naman ay nakangiti rin.

Hindi ko maitatago ang kasiyahang nasa puso ko ngayon ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot kapag naaalala kong panandalian lang ang lahat ng ito.

“Kiru, itigil n’yo na ’yan. Kumain na kayo nang maayos,” sayaw ko sa kanila kaya napatigil sila sa pagsusubuan. Tiningnan ko si Rui na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin kay ningusuan ko ang pagkain niya. Napapakamot siyang sumubo.

Napatingin ako sa anak kong masayang kumakain habang nagkukwentuhan sila ni Rui. Napapasubo na lang ako ng kanin tuwing tatawagin ni Kiru si Rui ng daddy upang mapigilang ngumiti. Halatang sabik na sabik siyang magkaroon ng ama.

Napabuntong hininga akong napayuko. Ayokong mas mangulila si Kiru sa ama niya.

“Rui, hindi ba uuwi ka na pagkatapos nating kumain?” Pinandilatan ko pa siya ng mata upang iparating ang nais kong ipahiwatig ngunit napakunot lang ang noo niya.

“Mom, hindi siya sasama sa atin?” malungkot na tanong ni Kiru.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.

“Sasama ako sa inyo at ihahatid ko kaya pauwi mamaya,” nakangiting usal ni Rui saka pinisil ang pisngi ni Kiru. “Ang cute mo talaga.”

“Gwapo po ako!” reklamo ng anak ko saka napaiwas. “Kasing gwapo n’yo po.”

Tumawa si Rui sa sinabi ni Kiru kaya napanguso na lang ang anak namin.

“Si Mom ang cute./Your mom is cute.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw nilang pareho. Umiinit ang pisngi ko. Nahihiya kong pinaupo si Kiru nang maayos dahil nakatayo na ito habang si Rui ay nakangiti lang sa amin.

“Wala bang thank you, Kit?” nang-aasar na saad ni Rui kaya napangiwi ako.

“Mom, sa akin ka magpasalamat,” nakikusap na saad ni Kiru habang nakapulot ang mga kamay sa braso ko. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang hinawakan ni Rui ang kamay ko saka pinisil ito at nakatingin sa akin ng nakikiusap.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Ito na nga ang isa sa kinatatakutan ko. Pareho silang competitive!

“Isang thank you para kay Kiru,” masayang saad ko saka hinalikan ang tungki ng ilong niya. “May bonus pa.” Niyakap ko siya kaya napangiti naman siya at tiningnan si Rui.

“How about him?” Kumalas siya sa yakap saka tinuro si Rui. “You need to thank him and you need to kiss him too!”

“What?”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now