Timeless I: 05

2K 150 9
                                    

Kit's Point Of View

NAPANGITI naman akong nakatanaw sa lalaking pumasok sa pinto. "Rui!" tawag ko sa kaniya habang kumakaway pa pero hindi man lang niya ako pinansin.

Na-reject na naman ako?

Umagang-umaga na-reject ako, walang magandang mangyayari sa araw na ito, panigurado.

Nagsimula na ang unang subject at lutang na naman ako. Kahit anong pagpopokus ko ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ng guro dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano maging kaibigan si Rui.

"Excuse me, Sir, can I talk to Kit?" Pagkarinig ko pa lang sa boses na nanggagaling sa pinto ay biglang tumigil ang paghinga ko saglit at ayokong tumingin. Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na. Ang malumanay na boses ng isang lalaking pinagtulukan ako papalayo.

"Mr. Perez?"

Napaangat ako ng ulo saka ngumiti nang pilit kay Sir Philosophy pero nakayuko akong tumayo nang pumayag ang guro.

Bakit siya pumunta rito?

"Bakit ka nandito?" direktang tanong ko sa lalaki na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin-ang lalaking minahal ko pero binitiwan ako.

Ilang taon na ang lumipas pero dala-dala ko pa rin ang sakit. Napangiti ako nang mapakla.

"Pinapauwi ka na-"

"Hindi ako uuwi!" mariing sabi ko kaya napailing na lang siya.

"Pumunta ako rito para pauwiin ka pero ayaw mong umuwi?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ko naman sinabi na puntahan mo ako rito para kunin ako," iritang sabi ko sa kaniya. Kung wala lang kami sa classroom ay sisigawan ko talaga siya.

Hinila naman niya ako pababa kaya nagpatangay na lang ako at huminto kami sa likod ng faculty room 1.

"Umuwi ka na-"

"Hindi ako uuwi!" galit na sigaw ko kaya napasambunot na lang siya sa buhok niya.

Hindi naman siguro maririnig ng mga teachers ang sigawan namin saka parang wala naman ang mga ito dahil class hour pa naman kaya okay lang na sigawan ko siya.

"Umuwi ka na!" galit na turan niya pero napa-smirk na lang ako dahilan para kwelyuhan niya ako.

Napangiti naman ako. "Ikaw ang umuwi. Kontento at payapa na ang buhay ko."

"Dahil ba sa kumalat na video roon kaya ayaw mong umuwi?" singhal niya sa akin dahilan para mapaestatwa ako.

Ang masamang karanasan na binaon ko na sa kinailaliman ng puso ko na muling binuhay ng taong nasa harapan ko.

Nanghihina ako. Nawalan ako bigla ng lakas. Binitiwan niya ako kaya napaupo ako sa lupa.

"Dalawang taon na ang nakalipas ngunit ganiyan ka pa rin?" bulyaw niya saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko pero nakatitig lang ako sa lupa.

Ayokong maalala pa 'yon. Nakalimutan ko na. Tama, kinalimutan ko na!

"Hinahanap ka na ng mga magulang po saka nakalimutan na ng mga tao roon ang kalaswahan na iyon-"

Isang malakas na tunog ang inilabas nang lumapat ang palad ko sa pisngi niya kaya namumula niya itong hinawakan.

"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!" sigaw ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa mga braso niya. "Walang-wala!"

Itinulak naman niya ako ng malakas sa pader kaya napadaing ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Anong hindi ko alam?" Halos umalingaw-ngaw ang boses niya dahil sa lakas nito saka mahigpit akong sinakal. "Nasaktan din ako nang malaman ko ang katotohanan!"

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now