Timeless I: 08

1.7K 126 2
                                    

Rui’s Point Of View

TODAY is Saturday so instead of sleeping, I found myself running in the park near in our house. I’ve been thinking about what is the reason why Kit avoided me. It’s been one week and I hate it. Wala pang naglakas ng loob na gumanito sa akin.

Inis akong napaupo sa isang bench at wala akong pakialam kung naliligo na ako sa pawis. Hindi ko na rin alam kung ilang beses na akong pabalik-balik na tumatakbo sa park.

“Hi, Rui, nag-iisa ka na naman? Nasaan si Kit?”

Agad akong napatingin sa tumawag sa akin at nakita ko si Astro na ngayon ay magkahawak sila ng kamay ni Trio kaya napngiwi ako.

They are showing off.

“So, you’ve been abandoned?” Astro evilly grinned at me.

“Watch your mouth, Astro,” mariing saad ko pero napatawa lang siya at umupo sa tabi ko kaya napaurong ako nang kaonti, umupo na rin si Trio sa tabi niya.

Tahimik lang kaming nakaupo roon habang nakatingin sa mga taong nasa park. May mga naglalaro na masasayang mga bata, may mga matatanda, at higit sa lahat hindi mawawala ang mga magkasintahan.

Napasulyap ako kina Astro at agad akong napaiwas nang tumingin si Astro sa akin. Astro is my neighbor. I don’t know if I can consider him as my friend but he’s a nice person. Ang hindi ko lang alam kung bakit siya nahulog kay Trio na isang lalaki tulad niya. Hindi naman ako humuhusga, nagtataka lang ako kung bakit may mga ganoon na tao. Even Kuya Rein and Waks’ relationship, I can’t understand but I still support them.

“Rui, you’re thinking why of all people I fell in love with Trio?”

Napasimangot si Trio sa sinabi ni Astro kaya hindi maiwasang ngumiti ni Astro at hilahin ang nguso ni Trio. Patuloy lang sila sa pagkukulitan habang ako nanonood lang. Hindi ko magawang umiwas.

They really love each other.

“You sounded like I forced you to love me,” nakangusong saad ni Trio pero mabilis siyang ginawaran ng halik ni Astro sa labi na nagkunot sa noo ko.

“Why are you surprised?” natatawang tanong ni Astro kaya napailing ako at umiwas.

They are both in public but they didn’t afraid if people will judge them.

“Naranasan na naming mahusgahan ng mga tao lalong-lalo na’t pareho kaming lalaki pero ano ba ang pakialam nila? Buhay namin ito at kami ang nagkokontrol.” Ngumiti si Astro saka pinisil ang kamay ni Trio na ngayon nakangiti na.

“Marami na kaming napagdaan, Rui, at lahat ng iyon ay hindi madali pero alam kong kakayanin namin dahil magkasama kami.” Napangiti si Astro sa winika ni Trio.

Tumayo na si Astro saka inayos ang damit niya ganoon na rin si Trio. Humarap si Astro sa akin saka tinuro niya ang puso ko.

“I didn’t expect that I will love a man but my heart choose him,” malumanay na saad ni Astro saka napakamot sa ulo. “Hindi ko alam kung may namamagitan ba sa inyo ni Kit o ano pero gusto ko lang sabihin na sundin mo lang ang puso mo.”

“Huwag kang magpapatalo sa mga taong huhusga sa inyo,” wika rin ni Trio dahilan para uminit ang mukha ko.

“Walang namamagitan sa amin!”

Sabay silang napatawa kaya napangiwi ako.
“Lying to yourself makes it more complicated,” huling sabi ni Astro saka nagpaalam na silang dalawa.

Sinundan ko lang sila ng tingin na ngayon ay proud na naglalakad sa madaming tao habang magkahawak ang kamay.

Napailing na lang ako kapag naiisip kong ganyan din sila Kuya Rein at Waks.

Don’t let others hinder your love?

Do I have feelings for Kit?

“Nag-iisa ka lang yata ngayon, Rui?” nang-iinis na tanong ni Waks na ngayon ay kasama na si Kuya Rein. Kaya mabilis akong tumayo at hindi na pinakinggan pa ang sinasabi nila sa akin.

Anong klaseng araw ba ngayon at nagsilabasan ang magkasintahan? Makauwi na nga lang at naiinis na ako idagdag pa si Kit na ngayon ay hindi ko alam kung bakit umiiwas.

Kit’s Point Of View

Hindi ko na mabilang kung ilang araw ko ng iniiwasan si Rui at hindi iyon madali. Naghirap din akong maging kaibigan siya, naging buntot niya na ako tapos ngayon ako na itong umiiwas kapag nagbabanta na siyang lumalapit.

Matamlay akong umupo sa upuan ko. 3:00PM na at nagme-meeting ang mga teachers para sa upcoming fieldtrip. Napadungo na lang ako. Wala akong nagagawa sa classroom na ito, may ginagawa rin si Haze kaya wala akong makausap.

Lahat ng mga kaklase ko ay excited sa fieldtrip sa darating na Friday kaya ayokong makipagdaldalan dahil alam na alam ko na tungkol sa fieldtrip ang topic nila. Ma-a-out of place lang ako.

Napasimangot ako nang maramdaman kong may sumisipa sa upuan ko kaay napaangat ako ng mukha at isang malamig na mukha ang tumambad sa akin.

“Let’s talk outside,” maawtoridad na sabi ni Rui kaya napatayo ako ng wala sa oras.

Anong nagyayari sa kaniya? Kahit na ayokong makipag-usap ay wala na akong choice kundi ang sumunod sa kaniya at baka mapatay pa niya ako.

Napangiti ako. Ngayon ko pa lang natitigan ng matagal ang likod ni Rui. Kahit na nakatalikod siya ay halata sa tindig niya na may maganda itong mukha. Matangkad, mahahaba ang mga daliri, idagdag mo pa ang balikat niya. Perpektong-perpekto maliban sa pakikitungo sa mga tao.

Humarap siya sa akin at seryosong nakipagtitigan. Nandito kami ngayon sa likod ng stage, kami lang dalawa ang nandito pero rinig na rinig ko ang ingay na nasa stage. Hindi naman madumi kaya maraming tumatmabay rito.

“Ano nga pala ang pag-uusapan natin?” Kahit na hindi ako makatingin sa knaiya ay pinilit ko pa rin pero isang masamang tingin ang natnaggap ko.

“You’re avoiding me.”

“Bakit naman kita iiwasan?”

“That’s the problem!” Hinawakan niya ang magkabilang baliakt ko saak puwersahang pinaharap sa kaniya. “Tell me, ano ang rason mo?”

Tinabig ko ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko. “Wala nga.”

Ayoko namang sabihin sa kaniya ang rason. Ayokong malaman niya na mahal ko na siya. Napatitig ako kay Rui. Bakit ang dali ko lang nahulog kay Rui?

“Kit!” singhal ni Rui dahilan para mapaatras ako.

Ang napakaitim niyang mga mata ang pumapako sa akin. Ang mga mata niyang nanlilisik.

Natatakot ako. Napakaitim ng awrang bumabalot sa kaniya.

“Kit, kilalang-kilala kita,” nakayukong saad ni Rui habang ang dalawa niyang mga kamay ay nakakuyom.

“H-hindi mo ako kilala!” Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. “Ilang buwan lang tayong magkaibigan kaya huwag kang umasta na kilalang-kilala mo na ako!”

Nabigla naman si Rui sa sininghal ko. “Yeah, you’re right. I don’t know who you are.” Mapait siyang napangiti kaya napayuko ako. “Excuse me.”

Napasunod nalang ang tingin ko sa pag-alis ni Rui kaya napaupo ako bigla. Hindi pa niya ako kilala at natatakot akong makilala niya ako. Ayos lang sa akin na kamuhian niya ako basta hindi niya malalaman ang rason.

Bakit ba kasi si Rui pa?

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon