Timeless I: 12

1.4K 94 7
                                    

Rui’s Point Of View

“WHERE are you going, Rui?” Narinig kong tanong ng ama ko pero hindi ko siya nilingon.

Halata naman sigurong sa paaralan ako pupunta dahil naka-uniform ako. Ayokong magsalita o sumagot man lang dahil tiyak na magkakasagutan lang kami at hahantong na naman ito sa pagiging successor ko.

“Young man, I’m asking you!”

Nilingon ko siya. “School.”

“What’s with that attitude? Watch this!” sabi niya saka inabot ang cellphone sa akin.

Nakita ko na napangisi si Dad kaya itinuon ko na ang atensiyon ko cellphone saka pl-in-ay ang video dahilan para mapasalubong ang mga kilay ko.

Sa video ay si Kit at tatlong lalaki na ngayon ay may ginagawang kalahayan sa kaniya habang patuloy lang siya sa pagmamakawa at pag-iyak.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. I want to kill those three bastards! Nag-aapoy sa galit ang puso ko at nanginginig ang mga kamay ko na patayin ang tatlong lalaki.

Narinig ko namang tumawa nang mahina si Dad kaya napabaling ang atensiyon ko sa kaniya.

Masama ang kutob ko rito!

“Kapag hindi mo tinanggap ang posisyon ko, bubuhayin ulit ang nakaraan na matagal ng binaon sa limot.”

“What the fuck?” malutong na sabi ko kaya napapailing lang siya habang nakangisi. “You investigated him?”

I knew it! Gagawin niya ang lahat para tanggapin ko lang ang posisyon niya!

“Obviously, son, so accept—”

“Ayoko,” matigas na sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

“How about, I’ll take down all the videos para wala ng kakalat pa. What do you think?”

“Ayoko!”

Nagagalit na ang mukha ni Dad pero nagmamatigas pa rin ako. Ayokong tanggapin ito! Ayokong-ayoko!

“You only need to accept my position and do all the duties then you’ll go to Japan for your better future.”

Japan?

“Hindi ko iiwan si Kit!” sigaw ko kay Dad. “You don’t need to decide for me!”

He chuckled. “Kawawa naman ang ama ni Kit na ngayon ay nasa ospital at tambak na sila sa utang, babayaran ko ’yon lahat kaya tanggapin mo na.”

I clenched my fist. Fuck! Just fuck!

I can’t decide! Alam kong maraming problema si Kit at gusto ko siyang tulungan pero hindi sa ganitong paraan! Ayokong tanggapin ang posisyon ni Dad bilang isang mafia boss!

“Kung hindi mo pa rin tatanggapin ay huwag ka ng aasa na may mga paaralan pa ang tatanggap sa kaniya kapag tumuntong na siya sa college.”

Importante kay Kit ang pag-aaral. Ano ang gagawin ko?

“Y-you’re insane!” galit na sigaw ko pero ngumisi lang siya na lalong nagpagalit sa akin.

He’s cruel! Ama ko ba talaga siya?

Fuck! Ano ba ang dapat kong gawin?

“Tatanggapin mo ba?” Narinig ko naman ang tawa niya. “Halata sa mukha mo na tatanggapin mo ito so it’s settled!” masiglang sabi niya kahit na hindi ko pa sinasagot ito.

I’m afraid to make decisions! I’m afraid—

“Kapag tinaggap mo ay hiwalayan mo si Kit.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now