TIMELESS II: 17

1.1K 89 6
                                    

Rui's Point Of View

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang minamasdan ang pamilya kong masayang nagluluto.

Pamilya.

Shit!

Sabay-sabay silang napatingin sa akin nang malakas kong ibinagsak ang kamay ko sa lamesa.

Fuck! Did I... scared them?

Dali-daling lumapit si Kit. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Rui, may problema ba?"

Ikinulong ko siya sa mga bisig ko kaya mas lalong nagtaka ang dalawang bata. I felt Kit's hand on my hair. He slowly messed it.

"Rui?"

"I'm happy. Really happy," bulong ko habang ang mukha ko ay nasa tiyan niya.

"Masaya rin ako."

Napaangat ang mukha ko nang marinig ko ang munti niyang hikbi. Ang mga matang nanunubig ang sumalubong sa paningin ko. Mabilis ko itong pinunasan. Cute. Mahigpit ko siyang niyakap ulit saka sinulyapan ang dalawa naming anak na ngayon ay nagtatakang nakatitig sa amin.

"Mom, why are you crying?" nagtatakang tanong ni Kiru ngunit umiling lang si Kit at ngumiti sa kanila.

Figigkg

"Wait. Titingnan ko lang kung sino." Hinalikan ko siya sa pisngi bago bumitiw sa yakap at tumungo sa pinto.

Si Waks na naman 'to? Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman. Kailangan kong sabihin sa kaniya na si Kiru ay totoo kong anak.

Pagkabukas ko sa pinto ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Dad? Why are you here?"

Shit! Ba't ngayon pa?

"Dad?" Agad akong napalingon kay Kiru na ngayon ay papalapit sa amin kasama si Yuki. Yumuko nang kaonti si Yuki kay Dad.

"So, totoo talagang anak mo siya?" seryosong saad ni Dad habang sinusuring mabuti si Kiru.

"Rui, sino-" Napahinto si Kit nang makita niya ang kausap ko.

"Kit Perez?" banggit ni Dad sa pangalan ni Kit saka tumingin sa akin. "Rui, can you please explain what's happening right now?"

Kitang-kita ang pagyuko ni Kit habang mahigpit na nakahawak kay Kiru.

Inis kong tiningnan ang ama ko. "Umuwi ka na lang muna. Ayokong masira ang hapunan namin."

"Hindi mo ba ako papasukin at alukin ng hapunan?"

Nang-aasar ba siya?

"Hindi nga-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang may humawak sa kamay ko.

"Rui, papasukin mo ang Daddy mo," bulong ni Kit habang nakatingin kay Dad na nasa labas pa rin.

Kumunot ang noo ko. "But Kit, sisirain niya lang ang agahan natin."

I really don't get him.

Pinisil niya ang kamay ko saka ngumiti nang matipid. "Rui, kailangan natin itong harapin kung gusto nating mabuo ang pamilya."

Fine. Pero ayokong masira agad ang araw na 'to.

Hindi pa rin nawawala ang inis sa katawan kong nakatingin sa aking ama. "Umuwi ka na lang muna sa ngayon."

"Huwag kang bastos, Rui." Nilakasan na ni Kit ang boses niya kaya napangiwi na lang ako.

Napagalitan pa talaga ako?

"Hey, kid," tawag ni Dad kay Kiru na ngayon ay mahigpit na nakahawak kay Yuki.

"I'm Kiru, and please, stop acting like that, you're making my parents uncomfortable," saad niya matapos niya kaming sulyapan.

Halos humiwalay na ang bunganga niya at ulo sa katawan sa pag-iling at pagngiti. "Manang-mana sa 'yo."

"Mamaya na lang tayo kakain-"

"Rui, may nakahain na sa lamesa. Kumain na tayo," pilit na usal ni Kit habang ang mga mata niya ay nakikiusap na talaga.

Shit. I'm really weak against him.

"Fine."

Padabog akong pumunta sa kusina at alam kong nakasunod silang lahat sa akin.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Katabi ko si Yuki sa kanan at katabi ko si Kit sa kaliwa habang katabi niya si Kiru sa isang side.

Kahit na anong nguya ko ay wala akong nalalasahan dahil lumilipad ang utak ko kung saan-saan. Waks betrayed me. Halata namang totoo dahil dumating na lang bigla si Dad.

"So, Kit Perez. Kumusta?" basag ni Dad sa katahimikan

"Ayos lang po."

Nakita kong bumukas na naman ang bibig niya kaya inunahan ko na lang siya. "Can you please shut your mouth and just eat?"

"Nasa hapag-kainan ka. Huwag mong taasan ang iyong boses," seryosong saway ni Dad pero napangiwi lang ako.

"That's true. Dad, it's bad," sang-ayon ni Kiru saka tumingin kay Kit. "Right, Mom?"

"Y-Yes," Kit answered nervously.

"Kumain ka pa."

Hindi ko alam kung paano tumakbo ang oras. Halos katahimikan ang nanaig sa hapag-kainan.

Dad stared at me. "Let's talk in private."

Tumayo na lang ako saka sinulyapan si Kit na ngayon ay naghuhugas ng plato kasama sina Kiru at Yuki.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung hindi lang dumating si Dad ay tiyak na kasali ako sa kanila.

Pagdating namin sa sala ay agad na nagsalita si Dad. "Rui, nandito ako para ipaalam na bukas na bukas ay may pupuntahan kang marriage interview."

"Tinanggihan na kita," walang ganang sagot ko. Kahit sino pa 'yan, ayoko talaga. Si Kit lang ang para sa akin.

"Wala namang masama sa pagpunta ng isang beses." Halos mapatawa pa siya.

"Kahit anong gawin mo ay gano'n pa rin ang sagot ko."

"I have some offer-"

"Kahit ano pa 'yan-"

"You'll leave your position as the boss," panimula niya na nagpahinto sa akin, "if you'll marry that person."

"No way in hell!" Halos mapamura pa ako. Damn this old man. Lahat na lang may kapalit. Kahit na gusto kong makaalis sa organization, ayoko sa ganitong paraan.

"You don't have any choice." Tumayo na siya saka inayos ang damit na nagusot. "You really trusted Wake. But, you didn't know that he's working under my command."

"What?" I clenched my fist.

That bastard! I will definitely kill him!

"Gusto ko lang dumalo ka sa interview." Tumalikod na siya at naglakad ngunit napalingon siya saglit saka ngumiti. "And about your son, he's adorable."

Fuck!

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now