Timeless II: 06

1.3K 107 13
                                    

Kit’s POV

“So, mga bata, ano ang sasabihin n’yo sa mga parents n’yo?” tanong ko sa mga batang kaharap ko ngayon na may hawak na mga letters.

“Sasabihin po namin na may meeting bukas, 8:00AM po,” sabay-sabay na sagot nilang lahat kaya napangiti ako.

Ang cute talaga nila.

“Ano ang ibibigay n’yo sa kanila?”

Napatawa ako nang iwinagayway nila ang mga letters sa ere. “Ito po! Sulat po galing kay Teacher Kit!”

“Okay! Puwede na kayong lumabas, naghihintay na ang mga sundo n’yo sa labas,” nakangiti kong sabi. Sabay-sabay naman silang nagpaalam at lumabas kaya nagligpit na rin ako sa mga gamit ko.

Half-day lang din ngayong lunes dahil sa meeting na magaganap bukas. Isang buwan na akong nagtuturo dito at wala namang naging problema. At bukas ay ang kauna-unahan kong mag-handle ng meeting.

Hindi na ako makapaghintay!

Mas binilisan ko pa ang pagliligpit dahil susunduin ko si Kiru sa paaralan niya. Half day lang sila lagi kaya si Paul ang sumusundo sa kaniya pero ito ang kauna-unahang susunduin ko ang anak ko.

Mabilis akong lumabas sa classroom at tinungo ang gate.

Saan ko kaya dadalhin si Kiru?

Matagal-tagal na rin kaming hindi pumapasyal simula nang maging guro ako.

“Teacher Kit!”

“Yuki? Bakit nandito ka pa?” tanong ko kay Yuki na ngayon ay nakakunot ang noo.

“Saan ka po papunta?”

Ngumiti ako bago sumagot. “Susunduin ko ang anak ko—”

“Sama ako!”

“Bakit ka naman sasama? Saka, papagalitan ka ng magulang mo,” sagot ko habang naglalakad papalabas sa gate habang kasama si Yuki.

“Teacher, gusto ko siyang maging kaibigan. Ikaw lang ang unang nagtangkang kausapin ako kaya alam ko na mabait din ang anak mo.”

Hindi ko maiwasang ngumiti saka hinawakan ang kamay niya. “Okay, basta tatawagan mo si Mr. Teru kapag magpapasundo ka na.”

Nakangiting siyang tumango. Napabalik na rin ang tingin ko sa daan. Tahimik lang kaming naglalakad ni Yuki, hindi na kami nag-abalang sumakay dahil ayos lang naman ding lakarin lang.

Napasulyap ako kay Yuki saglit. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi niya ginagamit ang surname ni Rui.

Itinakwil kaya si Rui ng Daddy niya?

Umiling ako. Hindi maaari 'yon. Ama niya pa rin 'yon.

“Mommy— Yuki?” saad ni Kiru habang nakatingin kay Yuki.

Kararating lang namin at sumalubong agad si Kiru.

“Hi?” patanong na bati ni Yuki sa amak ko.

Ngumiti nang pagkalaki-laki si Kiru dahilan para mapangiti rin ako. Matagal na rin nang makita ko ang ganiyang ngiti.

“Hey, it’s been a while.”

“Mr. Perez! KPuwede ba kitang makausap?”

“Maglibot na muna kayo.” Sabay silang napatango kaya ngumiti ako at mabilis akong lumapit sa homeroom teacher ni Kiru.

Yuki’s POV

“Bakit Mommy ang tawag mo kay teacher?” hindi ko maiwasang tanong.

Halata namang lalaki si Teacher Kit pero bakit Mommy ang tawag niya?

Naglalakad kami ngayon papunta sa mini playground ng paaralan ni Kiru. Maganda ang paaralan nila, may mini playground sa gilid habang maraming masasayang batang naglalaro.

“Siya kasi ang nagbuntis sa akin.”

Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Siya ang nagbuntis? May gano’n ba?

Napatawa nang mahina si Kiru. “It’s true. Kahit ako ay hindi nga makapaniwala at saka hindi ko pa rin kilala ang Daddy ko dahil kapag tinatanong ko si Mommy ay nalulungkot siya bigla.”

“W-wait. Paano nangyari ang gano’n?”

“Mahabang paliwanag ang kailangan kong sabihin sa 'yo kaya huwag na lang.” Tumakbo na si Kiru papalapit sa duyan at umupo.

Umupo na rin ako sa kabila saka nagsimula naring mag-swing.

Rui’s POV

Nandito ako ngayon sa sala habang kaharap ang laptop ko. Ang dami ko pang inaasikaso sa mundo ng business idagdag mo pa ang organization na hawak ko.

“Dad, sulat galing kay Teacher—”

“A love letter?” Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kong hindi ako matitiis ni Kit. Alam ko rin na mahal pa niya ako.

“This isn’t a love letter. Nandito ang mga details para sa darating na Family Day.”

Napawi ang ngiti ko saka inis na hinablot ang papel saka binasa. Tama nga si Yuki at mga infos ito para sa darating na Family Day sa biyernes. Well, hindi naman ako sanay sa mga ganito pero... Napasulyap ako kay Yuki na ngayon ay malungkot na nakayuko.

Nakangiti kong ginulo ang buhok niya. “Don’t worry. Ako ang makakasama mo sa Family Day at hindi si Waks at Rein.”

Bigla namang nabuhayan ang mga mata niya saka masaya akong niyakap. “Thanks, Dad.”

Sinundan ko na lang siya ng tingin na ngayon ay masayang tumakbo papunta sa kwarto niya. Lagi akong busy dati kaya hindi ako nakaka-atend pero ngayon ay dadalo na ako.

Napangisi na lang ako nang ibinalik ko ang tingin sa sulat. May contact number ni Kit na nakalagay sa huli kaya tinawagan ko ito.

“This is Kiru Perez, may I help you?”

I chuckled when I heard a soft lovely voice on the other line. It’s his son.

“This is Rui Teru, father of Yuki. I just want to ask Teacher Kit Perez regarding the upcoming Family Day.”

“Dad isn’t free. He’s with Uncle Paul at the mall to buy some foods.”

I hissed when I heard that bastard’s name. But did I heard him say Uncle?

“Can I talk to you for a couple of minutes?”

Ang mga bata ay hindi nagsisinungaling kaya mapapadali ito.

“Eh? why?”

I laughed when I heard his voice sounded confused. “Why did you call him Uncle Paul?”

“Obviously, he’s my uncle.”

I can’t help but to smile. “Then, who’s your mother?”

“My mom, Kit Perez.”

Mom? Napataas ang kilay ko sa sagot niya. His mom is Kit? Anong kahibangan ’to?

“Then, how about your Dad?”

I heard him sighed. “Hey, Mister. I really don’t know why you asked those private questions.”

It’s because your Mom belongs to me.

“Nothing. I and your Mom are close but we lost contact.”

“Really? To tell you the truth, I don’t know my father and I don’t care if I don’t have one.”

I can feel loneliness on his voice that made my heart hurts. At sino naman ang walang hiyang ama na iiwan ang ganitong bata?

“Do you want to have a father?” Napangiti ako pero napawi rin dahil sa sagot niya.

“No.”

Wow. Mahihirapan yata ko nito.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now