TIMELESS II: 12 - Part II

1.2K 79 5
                                    

Kit’s POV

“Kiru!” tawag ko sa anak kong nakatalikod sa akin na may kasamang lalaki.

Sino? Nanlaki ang mga mata kong napagtanto kung kaninong likod ’yon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Rui...

Sabay silang napalingon sa akin at sabay na ngumiti dahilan para mapaiwas ako. Mag-ama talaga sila.

Nakita kong sabay silang tumayo saka sinalubong ako.

“Kit,” sambit ni Rui sa akin pero sinulyapan ko lang siya saglit saka tumingin kay Kiru.

“Why are you meeting him? Nasaan si Yuki?” direktang tanong ko sa anak kong kumakain ng kwek-kwek.

Tinuro ni Kiru si Rui saka ngumiti sa ama niya. “Sinamahan lang ako ni Uncle Rui habang si Yuki ay sinamahan si Uncle Waks.”

Uncle? Kapag nalaman ba ng totoo ni Kiru na ang tinatawag niyang Uncle ay ang totoo niyang ama?

“L-Let’s go?” yayang tanong ko sa anak ko kaya napatango siya at sabay na hinawakan ang kamay ko.

“Ihahatid ko na kayo,” nakangiting suhestiyon ni Rui.

Mabilis pa ako kay Flash na napailing. “No need. Mag-g-grocery pa kami.”

“Sasama ako,” pilit na usal ni Rui saka hinawakan ang kabilang kamay ni Kiru.

“Hindi—”

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. “May bibilhin din ako.”

Pinisil ni Kiru ang kamay ko kaya napatingin ako sa anak ko. “It’s okay, Mom.”

Ngumiti si Kiru sa akin saka ngumiti siya kay Rui. “Let’s go?”

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o manghihinayang. Ngayon lang ’to at ilang oras lang. Pagbibigyan ko na lang muna... sa ngayon.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa na masayang nag-uusap at minsan ay tumatawa pa kaya napapatingin ang ibang tao sa amin.

Sinulyapan ko si Kiru. Kitang-kita ko ang mga kislap sa mga mata niyang nakikipag-usap kay Rui.

Kapag sinabi ko ba kay Rui ang totoo, matatanggap kaya niya kami? Mabubuo kaya kami?

Mapait akong napailing. Kahit kailan ay hindi mangyayari ’yon dahil ayokong sirain ang pamilya ni Yuki.

Hindi ko namalayan na nakapasok ba pala kami sa mall at karga-karga na ni Rui si Kiru habang ang kamay na nakahawak sa kamay ko ay pagmamay-ari ni Rui.

Nakangiti niya itong pinisil pero agad kong kinuha ang kamay ko. Ang kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan na nagdadala ng init dahilan para mapayuko ako habang nakahawak sa dibdib kong sasabog na.

Hindi ’to pwede... I tried to move on... but I guess I can’t do it.

“Kit!”

“Mommy!”

Napatingala ako nang sinundan ko ang mga boses nila at nanlaki ang mga matang dali-daling sumakay sa escalator. Napangiwi akong nakatingin sa dalawang nagtatawanan na naghihintay sa akin.

Hindi ko akalaing tatawa nang malakas si Kiru.

Magiging selfish muna ako para sa anak ko. Kung sino man ang mama ni Yuki at pati na rin kay Yuki, I’m sorry. Hihiramin ko na muna si Rui.

“Mom, para kang tanga sa baba kanina,” natatawang usal ni Kiru na nagpangiwi sa akin.

“Yeah. You’re like a cute idiot floating in the clouds,” nang-aasar na saad ni Rui saka ginulo ang buhok pero hindi ako naasar kundi...

...nahulog na ng paulit-ulit. Mahihirapan ako nito.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now