Timeless II: 10

1.3K 93 7
                                    

Rui’s Point Of View

Fuck! Mahal pa talaga niya ang ama ni Kiru? Inis ko lang tiningnan si Kit na papasok sa loob kaya wala na akong nagawa kundi ang tumalikod na lang na siyang pagdating ni Kuya Rein.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero wala akong ganang makipag-usap sa kanya. Mabilis kong tinungo ang kotse at sumakay na sa driver’s seat.

Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Kuya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin habang nakaharang sa dadaanan ko.

“Rui, you need to go to the company right now,” mariing saad ni Kuya Rein pero ’di ko siya pinansin.

Napangiwi ako nang nakaharang pa rin siya pero hinayaan ko na lang saka pinaandar ang kotse. “Wala akong gana ngayon kaya hayaan n’yo na lang muna ako.”

“You need to see Dad,” seryosong usal niya saka tumabi na. “He’s back.”

Damn. Hindi ko pa nga nakukuha ulit ang loob ni Kit, nakabalik na agad si Dad galing sa Japan?

Mabilis kong pinaharurot ang kotse papunta sa company. Wala na akong magagawa kundi ang harapin ulit ang ama ko. Simula nang pinadala niya ako sa Japan ay ’di ko na siya nakikita kaya nakakabigla lang. Kapag nalaman niyang nagkita kami ni Kit, tiyak na pagkalayuin na naman kami.

Inis kong ginulo ang buhok ko. Hindi ko akalaing wala akong maiisip na plano.

Lalayuan ko muna si Kit pansamantala.

“Welcome back, Rui. Bakit mo pa ako pinaghintay ng matagal?” natatawang saad ni Dad nang makapasok ako sa office.

I sighed as I settled down. “What do you want?”

Tinitigan niya ako pabalik saka umiling. “Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin at tingnan kung ano ang mga pinaggagawa mo.”

I organize some papers on my desk. “Nakita mo na. Pwede ka ng umalis.”

“May auction na magaganap mamaya. Huwag kang liliban kagaya ng ginawa mo kagabi.” “Baka, akalain mong hindi ko malalaman bawat kilos mo?”

Alam na ba niya na nagkita na kami? Sinuri kong mabuti ang ama ko ngunit wala akong makitang ebidensiya na alam na niyang nagkita na kami ni Kit kaya napahinga ako nang maluwag.

Niluwagan ko ang suot kong necktie. “You don’t need to be mad. Kahit na hindi ako pumunta sa auction ay may pinapapunta ako roon sa pwesto ko.”

“No. Ikaw ang gusto kong pumunta mismo!” mariing sabi ni Dad. “Ang auction na magaganap mamayang gabi ay tao ang i-a-auction.”

Tao na naman? It’s been six years but I really can’t attend an auction like that. How can they sell a human?

“Maghanap ka na ng mapapangasawa mo.”

This topic again? I clenched my fist. He’s pushing me already with this position.

“I already have Yuki. Hindi ko kailangan ng asawa,” saad ko ng hindi tumitingin sa kaniya. I need to contact Waks. I need to be sure Kit and his son are safe. Having Dad in ft

“He’s not your son. Kailangan mo ng anak.”

“Anak ko pa rin siya!” Hindi ko na maiwasang itaas ang boses ko. This old man!

“Not by blood.”

“And I don’t care.” I glared at him but he only smirk at me.

“Kung nalaman kong hindi ka pumunta ay wala akong magagawa kundi ang mamili ng babae na ikakasal sa iyo,” huling sabi ni Dad saka tuluyan nang umalis.

Naibagsak ko ang ulo ko sa lamesa. What’s with this life?

“I can already protect Kit. I don’t want to run anymore.”

Agad kong tinawagan si Waks at sinagot naman niya ito. “Waks, I need your help again. I’m sorry.”

“Don’t worry. Just tell me your plan.”

He’s being helpful to me. I’m glad my brother has a lover like him.

“Can you fake a DNA result for me?” Desperado na kung desperado.

Aangkinin ko ulit si Kit.

“Ang dali lang pala,” natatawang sabi niya. “Kaninong DNA ba ’yan?”

“Gawin mo ang lahat para magkaroon ng ebidensiya na anak ko ang anak ni Kit.”

“Y-You’re kidding, right?”

Nailayo ko pa ang cellphone ko nang sinigawan niya ako. Paulit-ulit siyang nagtanong kung nagbibiro lang ba ako pero hindi. Hinding-hindi ako magbibiro lalo na pagdating kay Kit.

“I’m serious,” mahinang usal ko at narinig ko siyang bumuntong-hininga.

“Rui, I’ll help you.”

Napangiti ako. I’ll accept Kit’s son. “Wala akong pakialam kung peke ang lahat basta ang resulta ay tunay kong anak si Kiru.”

__________________________________________
[July 07, 2021]
Kahit na nag-hiatus ako ay gusto kong maglapag ng isang chapter HAHAHA. I’m currently writing a mild BL story. May 15k words na ito pero hindi ko pa ilalapag at isang collab na story (masakit sa puso HAHAHA) baka gusto n’yong abangan? Sorry kung sobrang bagal kong mag-update. Iyon lang. Maraming salamat.<3

Timeless [MPREG]✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα