Timeless I: 06

1.9K 141 6
                                    

Rui’s Point Of View

“RUI! Let’s eat!” A talkative made a vigorous shout in front of me.

It’ been 3 days since that day happened. And with those 3 days, Kit's sticking on me like a glue.

“Hoy! Ano ba ’yang klaseng mukha na ’yan? Kain na!” he giggled as he slightly slapped my cheeks, so I gave him a death glare but he just smiled.

I hate that smile!

Pagkabukas niya sa lunch box ay napasalubong ang mga kilay ko sa nakita.

“Fried rice with sardines!” masayang sabi niya pero kinurot ko lang ang pisngi niya kaya napapasunod ang mukha niya kung saan papunta ang kamay ko.

Puro na lang fried rice! Fried rice with egg, fried rice with corned beef at ngayon naman ay fried rice with sardines!

“Ano bang klaseng pagkain ’to?” sigaw ko sa mukha niya kaya ngumiti siya.

“Rice!”

Damn! This idiot!

“Ayaw mong kumain?” he asked that made me nod. “Kumain ka pa ng dinalo ko kahapon tapos ngayon ayaw mo na?”

“May sinasabi ka?” Ngumiti naman siya saka umiling-iling.

“Kit! Nasaan na ang lunch box ko? Dalawang araw mo na akong hindi dinadalhan!” sigaw ni Haze, kaibigan niyang madaldal din.

Ngumiti naman si Kit saka dali-daling iniligpit ang inihain niya sa harapan ko na nagpakunot sa noo ko.

“Kunin mo na!” aya ni Kit kay Haze habang iwinagayway ang lunch box kaya naman ay nangningning ang mga mata nito.

Idiot! I thought it’s my lunch box!

“Tutal ’di rin naman kakainin ni Rui—”

Mabilis ko naman kinuha ito bago pa makuha ni Haze at malantakan kaya napatawa si Kit.

“Pagkain ko ’yan!” bulyaw ni Haze sa akin kaya matalim ko siyang tiningnan dahilan para magpaalam siya.

Kit’s Point Of View

“Hindi ka ba kakain?” ngumunguyang sabi ni Rui habang ang kutsara ay nasa bibig niya rin.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Ang isang anak ng mafia at kinatatakutan sa school ay ganito habang kumakain? Hindi ko maiwasang hindi tumawa.

Ang cute niya!

Kaming dalawa lang lagi ang nasa room kapag lunch break dahil pinapaalis sila ni Rui.

Narinig ko naman siyang umismid saka nagulat na lang ako na may kutsara na nasa harapan ko.

“Eat.”

Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin kaya nakatitig lang ako sa kaniya na para bang may kumakatok sa puso ko at pilit na binubuksan samantalang kinunutan niya lang ako ng noo.

“What? You should be thankful that—”

Hindi ’to pwede. Kaibigan ko siya!

Agad ko naman itong kinain at ninguya-nguya habang nakangiti.

Huwag kang ganiyan, Rui! Mahirap mahulog sa taong hindi kayang suklian ang nararamdam mo.

Kontento at masaya ako na tanggap niya ako bilang ako, bilang isang bakla.

Patuloy niya lang akong sinusubuan pero ’yong mga titig niya ay nakakapatay.

Galit?

“Magpapasubo ka lang pala, para kang walang mga kamay!” iritang bulalas niya nang matapos akong kumain. “Iligpit mo na!”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now