Timeless I: 09

1.7K 117 1
                                    

Rui’s Point Of View

MASAYA ang mga kaklase ko except sa akin na ngayon ay masama ang pakiramdam na nakatingin kina Kit at Haze. Naiinip na akong maghintay na kausapin niya ako kaya lalapitan ko si Kit—

Fuck! Ayaw humakbang ng mga paa ko!

May announcement na sinasabi ang mga teachers pero hindi ako nakinig dahil nakatingin lang ako kina Kit. Hindi ko na siya ulit nakausap pagkatapos ng nangyari sa backstage at lagi na niyang kasama si Haze na taga-kabilang section dahilan para hindi maiwasang uminit ang dugo ko.

Bakit ko ba siya sinigawan? He’s now mad at me. Hindi ko alam kung paano kami mag-aayos.

“Baka mapatay mo sila sa tingin mo,” natatawang sabi ni Waks na kararating lang. “Partner tayo.”

“Hindi ako sasali sa mga activities,” tipid na usal ko saka nakatingin sa mga estudyanteng nagsialisan na.

“Mahal mo na—” Tinakpan naman ni Waks ang bibig niya nang tumingin ako nang masama.

“Rui, bakit mo binayaran lahat ng gastuhin ng section niyo?” tanong ni Waks pero wala akong ganang sumagot. Chismoso masyado. “Dahil ba hindi sasama si Kit?”

“Mabuti pa’t gawin mo na ang pinagagawa ng mga teachers.”

Binayaran ko lahat ng gastusin sa fieldtrip na ’to, dahil hindi sasama si Kit, wala siyang pambayad at kapag binigyan ko siya ng pera ay halatang hindi niya tatanggapin lalong-lalo na’t galit siya sa akin at alam ko rin na ayaw na ayaw niya ang tinutulungan siya.

Napaiwas na lang ako ng tingin kina Kit at napatingala an lang sa kalangitan. Gumagabi na ngunit napakaliwanag dulot ng buwan at mga ilaw na nandito.

Plano kong makasama si Kit sa fieldtrip pero hindi na iyon mangyayari.

Bakit ko ba kasi siya sinigawan?

“Lying to yourself— to your heart makes things more complicated.”

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Waks dahil iyon din ang sinabi ni Astro noong nakaraang Sabado. “Alam mo Waks—”

”Boss Rui, halatang-halata ka,” nakangising sabi ni Waks habang nakaturo sa puso ko. “Just be honest—”

Tumunog naman ang phone ko kaya sinagot ko ito.

“Rui! Pumunta ka raw sa fieldtrip?” tanong ni Dad sa kabilang linya. “At nangutang ka rin ng pera sa Kuya Rein mo?”

“Oo.”

May pera ako pero hindi iyon sapat para mabayaran ko ang lahat ng expenses sa fieldtrip kaya nangutang ako kay Kuya Rein at hindi ko akalain na malalaman ito ni Dad.

Tumawa naman si Dad. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil ito ang kauna-unahan kong magpalabas ng pera.

“Alam mo rin ba na nakuha ko si Kit Perez?”

“What?” gulat na tanong ko kaya napatingin si Waks.

Paano?

Nagpalinga-linga ako at si Haze lang ang nakita ko at hindi mahagip ng mga mata ko si Kit kaya kinabahan na ako.

Is this his plan in the first place?

“Well, I’ll send you a picture!” masiglang usal ni Dad na nagpainit sa ulo ko.

“What are you plan—”

Pinatayan na ako!

Agad ko naman itong tiningnan ang s-in-end na picture at napamura na lang. Si Kit na ngayon ay nakaupo sa semento habang nakapiring at isang baril ang nakatutok sa kaniya.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now