Timeless II: 11

1.2K 86 3
                                    

Rui’s POV

“I heard that you’re going to attend a Family Day this coming Friday?”

Napahinto ako sa paglalakad nang magtanong si Dad habang ang atensiyon ay nasa dyaryong hawak.

“Yes.”

Nakita kong tinupi niya ang dyaryo saka seryosong tumingin sa akin. “No. I arranged a marriage interview.”

“What?” Damn this old man! I can’t help but to raise my voice. He’s fucking kidding me? How can he decide for my future?

I need to have a concrete plan or else I’ll suffer again. Ayokong maulit ang ginawa ko kay Kit.

“I accept Yuki as my grandchild but I also want a grandchild carrying our bloodline,” mariing usal ni Dad dahilan para mapahigpit ang hawak ko sa dala kong brown envelope.

Ayoko pa sanang ibigay sa kaniya pero kailangan na siguro.

“May anak na ako kaya hindi na kailangan ang hanapan mo ako ng asawa,” nagmamalaking saad ko kaya napakunot ang noo niya.

“Wow. Ang bilis mo yatang magka-anak?” natatawang tanong niya saka napailing pa.

Inis kong inilapag ang nagusot na envelope sa lamesa. “Magkasing edad lang sila ni Yuki.”

I need to thank Waks for this fake result.

“You can’t fool me.” Kahit na tutol ang boses niya ay kinuha pa rin niya ito saka kinuha ang papel at mga pictures na nasa loob at kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata niya dahilan para mabuhayan ang loob kong magkaroon ng sapat na lakas.

Sorry, Kit. I used your son.

“That’s the evidence. Siguro naman ay maniniwala ka na?” nakangising usal ko.

Hindi pa rin tumigil sa katitig si Dad sa mga pictures ni Kiru. “I-Is this real? This kid looks like you.” Hindi mawawala ang excitement at paghanga sa mukha niya.

Sana nga anak ko na lang si Kiru.

“Naniniwala ka na ba?”

Nabigla ako nang bigla siyang tumayo habang ang ngiti ay abot sa mga tainga niya. “I want to meet him as soon as possible.”

“Where are you going?” Napakunot ang noo kong nakatingin kay Dad na dali-daling tumungo sa pinto.

“I’m going to find gifts for him!” sigaw niya saka humarurot na.

“That damn old man.” Napasapo na lang ako sa noo ko. Paano ko ’to ipapaliwanag kay Kit kung sakaling magkita sila ni Dad?

“Nakasalubong ko si Dad, parang nakidlatan. Ibang-iba ang awra niya. Halos mawasak na ang bunganga niya sa ngiti,” nagtatakang bungad ni Kuua Rein saka prenteng umupo sa couch.

Umupo na rin ako saka napasandal. “I gave him the evidence and I eventually convinced him.”

“That’s good.”

“He’s going to meet Kiru! Malaking problema yata ’tong pinasok ko.” Ginulo ko ang buhok ko sa frustrations.

“Then, make Dad accept Kit. This will be the time he will accept him because of his grandchild,” naghahamong saad ni Kuya Rein saka nag-smirk pero napangiwi na lang ako.

“What’s with that look?”

“I don’t want Dad to accept Kit just because of Kit’s son. I don’t care if Dad won’t accept us. I just can’t let Dad know the truth that Waks fake the result.”

As of now, I don’t have any plans. Shit!

“I don’t know what will happen,” mahinang sabi ko pero alam kung narinig ni Kuya Rein dahil bumuntong-hininga siya.

“I can protect my man, so protect your family.” Ngumiti si Kuya Rein saka may envelope na inilapag sa lamesa kaya kinuha ko ito at napangiti.

They’re cute and happy. Kit and Kiru with Yuki? I want to build our own family together.

“But first, make Kit accept you again especially his son.”

I chuckled. I need to win his son’s heart first... I guess.
_________________________________________Hi! Kumusta? May klase na ako simula Aug. 9 (pers yerrr college na, ’di ko alam kung makaka-survive ba HAHAHA!) hindi ko alam kung makakapag-update pa ba ako pero gusto kong tapusin ang Timeless bago ako mag-hiatus ulit (I mean, hiatus pa rin naman ako pero naglalapag ako ng kaonti basta gano’n HAHAHA). Atsaka, NEW MILD BL IS COMING! May mga trabaho na ’yong mga characters ko, baka gusto n’yong abangan? Iyon lang. Salamat sa pagbabasa ng Timeless! Huwag mahiyang maglapag ng feedbacks about sa story. Thank you!<3
-Eana Salvo [July 30, 2021]

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now