SPECIAL CHAPTER

1.2K 87 4
                                    

Rein’s POV

Napapikit akong nakasandal sa inuupuan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Waks at hindi ko rin siya maabutan sa bahay dahil sa sobrang busy ko.

Alam kong mali ako noong nakaraang araw pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula para ayusin ang lahat. Masyado na akong nakikisawsaw sa buhay ni Rui.

“Ano bang buhay ’to?”

Agad akong napaupo ng maayos nang may kumatok. “Rein?”

“Yes? Come in.”

Agad na pumasok ang pinsan ko, si Kenneth, na may dala-dalang folder saka iniabot ito sa akin. “Here’s the information.”

“Lahat na ba ’to?” tanong ko no’ng pagkakuha ko.

Si Kenneth ang isa sa pinagkakatiwalaan ko sa pangunguha ng mga impormasyon.

“Yes, including Kit’s parents. May I ask something?”

Itinabi ko ang hawak kong folder. “Go ahead.”

Kumunot ang noo siya saka tumitig sa akin. “Si Kit ba ang dahilan kung bakit kayo nagkakalabuan ni Waks?”

“Anong nagkakalabuan? Saang lupalop mo naman ’yan napulot?” natatawang tanong ko sa kaniya dahilan para mapaismid siya.

“You’re too obsessed with Kit Perez—”

“Ginagawa ko ’to para sa kapatid ko,” putol ko sa sasabihin niya.

Bakit ba kasi nagalit ako kay Waks? Damn you, Rein!

“So, it means that child—”

“Tama, kay Rui ang bata na ’yon. Ang kaso nga lang ay hindi ko pa ’to ibibigay sa kapatid ko lahat ng impormasyon. I respect Kit’s decision.” Napabuntong hininga ako saka napakamot sa ulo. “Kit trusts me. Ayokong magalit siya sa akin kapag nalaman niyang magkapatid kami ni Rui.”

“Ang tanong, may plano ba talaga si Kit?”

“Of course.” Napangiti ako nang maalala ko ang plano ni Kit. “At ilang araw na lang. I can’t wait to see Rui’s reaction. Mahihimatay ba siya? Iiyak? O ’di kaya ay magiging baliw sa sobrang saya.”

“So, bakit kayo nag-away ni Waks?” Hindi na siya nakapagpigil at umupo na sa upuan na nasa harap ko.

Tumaas ang isang kilay ko. “Kenneth, huwag mo na isipin ’yon. Masyado kang chismoso.”

“I saw Waks last night,” panimula niya.

Biglang lumaki ang mga tainga ko sa sinabi niya. “Hmm?”

“At a gay bar.”

Tumango lang ako. Doon ang takbuhan niya kapag nag-aaway kami.

“He’s still famous.”

“I know.” He was a vocalist of a band.

“And some guys approached him.”

“I know.” But he never entertain them.

Napataas ang kilay ko sa mga sinasabi at pagkakasabi niya. Naghahanap ba siya ng daan para magalit ako kay Waks?

“He sang while a guy playing the guitar.”

What? Nanlumo ako sa narinig. It’s been 3 years since I last hear him sing.

“Really? Do you have a video?” Hindi ako maniniwala hanggang wala pang ebidensya pero kung totoo man ay wala namang masama.

“Yes, but you don’t need to watch it.”

“Why?” Lalo akong na-curious sa pinagsasabi ni Kenneth.

“You’ll end up suffering,” nanunuksong saad niya saka napangisi.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Alam niya talaga kung paano guluhin ang isip ko.

“I like Waks for you but I don’t like you for him.”

“Huh?” Tumabingi pa ang ulo ko. Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ang sinabi niyang ’di ko maintindihan.

“Stupid.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Watch your mouth, Kenneth.”

“Ano pa nga ba ang pinanghahawakan ng relasyon n’yo?”

Hindi ko naintindihan ang tanong kaya ’di ako nakasagot.

“Bakit wala kang maisagot? Hindi mo na ba mahal si Waks? Minahal mo ba talaga siya o pinapasok mo lang siya sa buhay mo dahil nag-iisa ka?” pangungutya ni Kenneth. “Bakit ’di ka na lang bumitiw?”

Napatawa ako dahil sa mga tanong niya. “Mahal ko siya kaya bakit ko bibitiwan ang mahal ko?”

Gago ba ’tong kausap ko?

“You’re too self-centered. Hindi mo nakikita o nararamdaman man lang na pagod na si Waks sa relasyon n’yo.”

Hindi ako nakailag sa mga sinasabi niya dahil lahat ng ito ay totoo. Malungkot akong napangiti. Tyaka ko lang makikitang nasasaktan si Waks kapag umiiyak na siya sa harap ko.

Ang pinakamali ko siguro ay hindi ko man lang siya kinilala ng maayos at pinagtuunan ng pansin.

Tumayo na si Kenneth saka inayos ang suot niya. “Mabuti pang bitiwan mo na siya.”

Bakit ko nga siya bibitiwan?

Sa lalim ng sinisid ko sa utak ko ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Yuki habang winawagayway ang kamay.

“Uncle Rein?”

“Y-Yeah? Sino ang kasama mo?” tanong ko sa kanya saka umayos ng upo.

Umayos na din siya ng upo saka dinilaan ang lollipop na hawak. “Si Uncle Waks pero nandoon lang siya sa opisina ni Uncle Kenneth.”

Kusang kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa niya doon?”

“They’re chatting.”

Chatting?

“How about your Dad?”

“He’s trying to win Teacher Kit’s heart as well his son. I can’t wait,” excited na saad niya habang malawak na nakangiti.

“Yeah. I can’t wait your Daddy to be more happy than before.” Ngumiti ako saka tumingin sa relo.

Panay lang ang pagsasalita ni Yuki habang ako naman ay pabalik-balik ang tingin sa relo. Sa haba at bilis niyang magsalita ay wala akong naintindihan.

“Why are you always glancing at your watch?”

“It’s been 3 minutes since you said that Waks’s chatting with Kenneth.”

“Uncle Kenneth is weird.” Napanguso si Yuki saka lumapit sa akin at hinaplos ang mukha ko. “Everytime he sees Uncle Waks, he’ll do that.”

“Shit!”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now