Timeless II: 07 - Part I

1.3K 99 8
                                    

Rui’s POV

“Tumayo ka na riyan, Yuki, pupunta na tayo sa school mo.” Kinuha ko ang kumot na nakabalot sa katawan ni Yuki.

Inis siyang napaupo sa kama habang humihikab pa. “Dad, 5:32AM pa lang. Mamayang 8:00AM pa ang meeting.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. “Alam ko pero nandoon na si Kit.”

Tiyak na ng-aayos na ngayon si Kit sa classroom o ’di kaya ay kararating niya lang.

Napahiga si Yuki pero napaupo ulit. “Dad, I’m tired. Ayokong sumama—No! Tiyak na sasama si Kiru kay Teacher Kit dahil wala siyang pasok ngayon.”

“Kiru?” Anak ni Kit? So, they’re already friends?

“Ang anak ni Teacher Kit.” Ngumiti pa siya nang pagkalaki-laki. “And guess what?”

Napakunot ang noo ko. “What?”

Anong kalokohan ba ang pumasok sa isip ni Yuki?

“Teacher was the one who delivered him!” masayang sigaw niya na nagpakunot sa noo ko.

“Huh? Delivered him?” Hindi ko makuha ang sinabi ni Yuki. The one who delivered Kiru was Kit?

“Yes, it’s interesting, isn’t it?” Para siyang isang scientist na nakatuklas ng bagong kaalam.

Napailing na lang ako. Hindi ako makapaniwala na si Kit ang siyang nagluwal kay Kiru. Like what the fuck? May gano’n bang sitwasyon? Napakaimposible naman pero nakikita ko sa mga mata ni Yuki na hindi siya nagsisinungaling kaya lalo kong hindi maintindihan.

“Ang problema nga lang ay hindi alam ni Kiru kung sino ang Daddy niya dahil umiiyak si Teacher kapag nagtatanong siya.” Lumungkot din ang mukha ni Yuki kagaya ng pagkakasabi niya. “Kiru also said that Teacher Kit loves that man so much.”

“A-ako ’yon?” Kahit na patanong ang pagkakasabi ko ay parang desperado ako. Nakakabaliw man ay parang napakaimposible talaga.

“Saang banda? Six years na wala kayong contact, maaalala ka pa ba niya?”

Hindi ko kayang ibukas ang bibig ko sa sinabi ni Yuki. Sabagay, nakahap na siguro si Kit ng bago.

“Saka, ang mahal daw ni Teacher Kit ay iyong Daddy ni Kiru.”

“Daddy?” Akala ko ba wala siyang ama? Napapataas na lang ang kilay ko dahil wala akong maintindihan sa sinasabi ni Yuki at wala akong alam kung saan ito patungo.

“Nabuntis si Teacher Kit.”

“Ha?” So, tama nga ang hinala ko no’ng sinabi ni Yuki na si Kit ang nagluwal kay Kiru?

“It’s true. My picture pa nga ako.” Dali-dali siyang umalis sa kama saka kinuha ang cellphone niya sa itaas ng mini table saka kinalikot ito saglit at saka ipinakita sa akin.

Halos lumuwa ang mata ko habang nakatitig kay Kit na nakahawak sa malaki niyang tiyan at nakangiti.

Mabilis kong inagaw ang phone habang hindi ko kayang iiwas ang mga mata ko. “What the fuck? But how?”

Kit looks so happy. Kahit na naging malungkot siya sa nangyari sa amin ay may pumalit sa akin sa puso niya.

I’ll ask Waks regarding this kind of issue. May lalaki bang nabubuntis?

Hindi ko mapigilang hindi humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Yuki. Kung sino man ang bumuntis sa kanya ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay makuha ko ulit si Kit.

“And the good news is that Paul is just an outsider on their lives. He's just an uncle to Kiru, so you still have a chance.”

A chance? Sa simula pa lang ay may chance na talaga ako. Kailangan akong bigyan ni Kit at hindi na ’yon magbabago pero sino ang ama?

“What about the father of Kiru?”

“So, bibitiw ka na lang?”

“What?” Kahit ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang bumitiw kay Kit. Kagaya ng sinabi ko six years ago, aagawin ko siya. Kung hindi niya ako mahal ay magsisimula ako sa simula. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya.

“Ang slow mo, Dad.”

Napakunot ang noo ko sa isinigaw ni Yuki. “You’re too young to understand this kind of situation so please restrain yourself on sticking your nose.”

“But, Dad—”

Napabuntong-hininga saka hinila siya papunta sa banyo. “Fine. Just take a bath then we’re heading to your school.”

“You’re too excited.”

I’m not.

Napaupo na lang ako sa kama. Kinakabahan din akong makausap si Kit. Mahigit anim na taon na rin. Ayokong malaman na may minahal na ulit siyang bago at lalong-lalo na kung sino ang ama ng anak niya at mahal na mahal niya pa ito.

Kung ’di ba kami nagkahiwalay ni Kit noon ay magkaka-anak kaya kami? Masaya kaya kami?

Araw-araw na lang akong nagsisisi.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now