Revenge is Sometime Salty

8K 246 23
                                    

Hi guys trying to draft again at bahala na kung matatapos ko ba ito pero pipilitin ko talagang tuloy tuloy na ang pag update ko again I'm sorry kung natagalan

Picture of Jonathan Montero on the right======>>>>>>

Song is Let It Go from Disney's Frozen

===============================================================================

CHAPTER TWELVE

Dustin's POV

Maaga akong gumising kinabukasan para ituloy na ang plano ko, wala pa sigurong alas sais nang umaga, dali dali akong lumabas para bumili sa tindahan sa una nga ay natakot akong buksan ang pinto dahil hindi ko maiwasang baka nakalock na naman iyon, bigla tuloy akong natakot na baka nagkaphobia na ako sa mga pinto ngunit nang hawakan ko at malaman kong kaya ko iyong buksan ay doon ko napagtanto na hindi naman pala.

 "Magandang umaga Aling Tina." magalang kong bati sa katapad naming tindahan nang pumunta ako doon.

"Maganda umaga din naman Dustin, ang aga mo atang nagising?" nagtataka nitong tanong dahil usual kasi ay mga bandang eight pa ako bumabangon.

"Magluluto po kasi ako nang almusal." nakangiti kong sinabi dito at matapos nga noon ay agad kong binili ang mga kakailanganin ko para mapaghandaan ko na ang gagawin kong paghihiganti kay Jonathan.

"This will be the breakfast he will never forget." I said to myself while laughing menacingly.

Mabili ang mga kilos ko habang nagluluto dahil baka maunahan ako ni Jonathan na makapaghanda nang almusal.

Nagluto ako nang scrambled egg, sinangag at nang langgonisa na medyo sinunog ko, at matapos ngang ilagay iyon sa mga tupperware na nakita ko sa kusina nila Marvin ay agad akong lumabas nang bahay, sakto lang ang oras na alas siete para puntahan ko ito nang bahay nila kasi nagdadala ito nang pagkain bandang alas ocho na.

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti dahil na din sa takot na agad akong mabuking sa ginawa ko na hindi dapat, simpleng revenge lang naman ito.

"Dustin?" pupungas pungas pa nitong tanong nang mapagbuksan ko ito nang pinto, muhang tama ang hinala ko dahil nakausot ito nang apron na might I add very cute on him, mas hot siguro ito kung iyon lang ang suot niya, na agad kong tinanggal sa isip ko dahil ang dahilan nang pagpunta ko sa bahay nila ay para maghiganti at hindi magpantasya sa binata.

"Dinalhan kita nang almusal bilang pagpapasalamat ko, kaso hindi ko alam kung tama ang pagkakaluto ko kasi naman hindi ako sanay." nahihiya pa ako kunwari habang sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila patungo sa kusina.

Pagkapasok sa loob ay sandali kong nilibot ang tingin ko sa loob, ni walang pinagbago ang bahay nila na mukhang sinadya nito.

"Sige maupo ka na muna habang hinahanda ko tong niluto mo, sana hindi ka na nag abala dahil magluluto na din sana ako nang almusal." nakangiti nitong sinabi habang nilalagay sa pinggan ang mga dala ko.

"No biggies and besides, I told you I want to thank you for taking good care of me, I'm not sure though if I did ok." I tried not to sound sarcastic na mukha namang napagtagumpayan ko.

"I bet it's delicious." nakangiti pa nitong sinabi at lihim naman akong napaismid sa sinabi nito.

Habang hinihintay itong matapos ay naisipan kong ipagtimpla ito nang kape, at sa paghahanap ko nang asukal ay nakita kong katabi nito ang iodized salt na sara kaparehong lalagyan at para sagarin ko na ay nakaisip na naman ako nang brilliant, evil plan.

Finally after five minutes ay natapos din ito sa paghahanda.

"What do you mean hindi ka kakain?" nagtataka nitong tanong nang pigilan ko ito sa pagsasalin nang sinangag sa pinggan ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon