Are You In Drugs?!

8K 245 22
                                    

Magandang madaling araw guys I'm really sorry kung sobrang tagal nang nagiging update ko sa story na to sa kadahilanan na kinakain ang oras ko nang trabaho kaya pagpasensyahan niyo na po pipilitin ko na lang dalasan ang pagdadraft ko.

Picture of Andrei Montevista

Song is Paranoia by Green Day

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Dustin's POV

I been feeling it for days now and I'm not sure kung nagiging paranoid lang ba ako or what, pero malakas ang pakiramdam ko na sa nakalipas na ilang taon ay may taong nagmamasid sa akin.

Mag-iisang linggo na din nang lumipat ako sa condo unit na inuupahan ko at naging maayos na din naman ang pagstay ko sa naturang lugar pero hindi ko maalis alis ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin at kahit ilang beses akong nagpapalinga ay wala naman akong nakikitang kahina hinala ngunit kahit ganon ay malakas pa din ang kutob ko na may nagmamasid sa akin.

"Snap out of it Dustin, huwag ka ngang paranoid." kastigo ko sa sarili ko nang nakasakay ako sa elevator nang building, naisipan ko kasing bumili nang almusal sa Starbucks na katapat lang ng building kung saan ako tumutuloy nang umagang iyon, at muli ay nararamdaman ko na naman na may nagmamasid sa akin.

Dali dali akong tumawid nang kalsada at ramdam kong may nakasunod sa akin sa bandang likuran ko ngunit nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang kahina-hinala.

Mas binilisan ko ang ginawa kong paglalakad sa sobrang pagmamadali ko nga ay hindi ko na napansin ang makakasalubong ko at kung hindi dahil sa maagap na pagsalo nang malalakas na mga bisig nang taong iyon ay malamang bumagsak na ako sa lupa ngunit imbes na maging greatful ay mas lalo akong natakot.

"Get off me!' hintatakot kong sinabi dito na pilit kumakawala sa mga malalakas na brasong iyon.

"Hey relax kiddo, I will not hurt you." narinig kong sinabi nito ngunit nagulat ako nang mabosesan ko kung kanino galing iyon at hindi ako makapaniwala nang makita ko ang nakangising mukha nang damuhong ito.

"Ikaw?!" inis na inis kong sinabi dito at agad na dumiretso sa pagkakatayo, patuloy pa din ako sa pagtingin nang masam dito dahil ito naman pala ang kanina pang nagmamasid sa akin.

"Ako nga." proud pa nitong sinabi na hindi parang creepy ang ginagawa nito.

"Are you stalking me?!" inis ko pa ding sinabi dito at kita ko naman ang pagkawala nang ngiti sa mga labi ni Andrei sa narinig.

"I don't know what you mean, nakita lang kitang patawid kaya naisipan kong salubungin ka." paliwanag naman nito, sandali kong inarok ang mga mata nito at nakita ko namang na nagsasabi ito nang totoo kaya kahit paano ay nawala na ang asar ko dito.

Sabay na kami nitong dumiretso sa Starbucks at sabay na din kaming kumain nang almusal doon, hindi pa din mawala sa akin ang kaba sa kung sino man ang nagmamasid sa akin kaya naman hindi ko maiwasang hindi iikot ang mga mata ko sa paligid.

"Nakatira ka ba Dustin?" nagulat na lang ako nang bigla kong marinig ang bagay na iyon kay Andrei kaya naman isang matalim na tingin ang binigay ko dito anong akala nito sa akin adik.

"Woah woah calm down Dustin, natanong ko lang naman dahil masyado kang paranoid, I mean loosen up a bit will yah." natatawa naman nitong sinabi kaya kahit paano ay nabawasan ang pagkairita ko dito.

"You don't understand Andrei pero malakas ang pakiramdam ko sa ganitong bagay, way back in Canada may isang babaeng naging patay na patay sa akin at ganitong-ganito ang pakiramdam ko mismo." naiiling kong sinabi dito.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon