A Complication

8.9K 258 10
                                    

Hi guys finally of being on hold ito na po sisimulan ko na siya ulit pasensya na po ahhh kasi talagang nahihirapan na akong magsulat pero sana magtuloy tuloy na ang drive ko para matapos ko na din ang story na to.

 Picture of Dustin Wills on the right====>>>>

Song is Still Into You by Paramore

===============================================================================

CHAPTER NINE

Dustin's POV

"I'm innocent I tell you it was all a big misunderstanding!" pagpupumilit ko ngunit kahit anong gawin kong pagpapaliwanag ay mukhang hindi pa din naniniwala si Jonathan sa akin.

"You will stay in there for the rest of your life Dustin, iyan ang magiging parusa mo sa pagiging pasaway." he said na may kasama pang nakakalokong tawa.

Naiwan ako sa likod nang mga rehas na iyon habang tinatanaw ko ang papalayong si Jonathan, hindi ako makapaniwala na magagawa nito sa akin ang bagay na ito.

"What the f!" hinihingal ako habang salo salo nang kanang kamay ko ang dibdib ko habang iniikot ko ang mata ko sa kuwarto ni Marvin, I mean seriously what a weird dream para lang sa pagsuway ko ikukulong na ako sa likod nang mga rehas na iyon.

Agad akong bumangon para kumuha nang tubig dahil feeling ko ay uhaw na uhaw ako sa hindi ko malamang kadahilanan at matapos kong mapawi ang uhaw ko ay bumalik ako sa kama sabay abot nang phone ko at napangiti naman ako nang makita ko ang text message mula kay Dianne na bago kong kaibigan.

"Good morning to you too gorgeous." nakangiti ako habang nagrereply sa message nito at nagulat na lang ako nang ilang minuto lang ay tumatawag na ito.

"Wow ang aga ah." natatawa kong bungad dito na tinawanan lang din naman nito.

"Well kasi naman gising ka na kaya naisipan kong tawagan ka at ayain na samahan naman akong mag mall." pakiusap nito sandali naman akong napaisip at bigla ko na naman naalala ang panaginip ko ngunit pinagkibit balikat ko na lang iyon dahil malabo naman na mangyari ang bagay na iyon and besides nasa legal age na ako para magdecide sa sarili ko at hindi ko na kailangan nang babysitter kahit na nga ba sabihin guwapo si Jonathan, maganda ang katawan, mukhang masarap.

"Hello nandiyan ka pa ba?" nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Dianne sa kabilang linya gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko kay Jonathan.

"Oo nandito pa ako kita na lang tayo mga ten sa SM North Edsa." paalam ko dito at matapos non ay agad akong dumiretso sa kusina at nakita kong nakahanda na ang pagkain sa mesa ko at sa pinto nang ref ay nakalagay ang maikling note ni Jonathan.

"Almusal mo." ang nakalagay sa note nito, bigla tuloy akong nairita sabay bato nang papel, ni wala man lang good morning man lang, talagang pinaparamdam nito na wala itong nararamdaman ni katiting na damdamin sa akin at gusto kong magalit sa sarili ko dahil nakakaramdam na naman ako nang sakit sa dibdib ko kahit na nga ba pinilit kong kalimutan ang binata.

Kung kanina ay gutom ako bigla iyong nawala kaya naman naisipan ko na lang na manood nang tv ngunit kahit ganoon ay ni walang nagreregister sa isip ko kahit na nga ba nakatutok ang mga mata ko sa harap nang tv.

Mag aalas nueve na nang magdecide akong mag-ayos na para hindi ako mahuli sa napag-usapan naming oras ni Dianne papasok na sana ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang nakatapi sa ibabang bahagi nang katawan ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Jonathan na may dala namang pagkain marahil para sa lunch.

Nakita ko ang gulat sa mukha nito nang makita ko and for some reason bigla kong nakitang tumiin ang panga nito habang nakatingin sa akin ngunit agad din namang nawala iyon kaya naman naisip ko lang na baka naman guni guni ko lang ang bagay na iyon.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon