Rebelde

10.2K 279 26
                                    

Good morning guys Happy father's day to all the dad's out there, sorry kung sobrang tagal ko nang hindi naaupdate ang story na to kaya naman dahil rest day ko ito na po update na ko hehehe

Picture of Dustin Wills on the right===>>>>

Song is Renegade by Paramore

===============================================================================

CHAPTER SIX

Dustin's POV

"Responsibilidad mo pala ako ah?" ismid ko habang nakatingin sa papasok na imahe ni Jonathan sa gym, masama na nga na iparamdam nito sa akin na wala siyang gusto pero mas worst naman na iparamdam niya sa akin na pabigat ako s buhay niya, kaya naman ipaparamdam ko sa kanya kung gaanong sakit ng ulo ang kaya kong ibigay sa kanya.

Dali dali akong lumabas ng gym dahil baka bumalik ang lalaking nangungulit sa akin kanina, wala ako sa mood at baka tuluyan na akong mapaaway kapag hindi pa ako umalis dito.

Feeling ko habang naglalakad ako ay mga itim na aura na nakapalibot sa akin dahil sa inis na nararamdaman ko kay Jonathan sa mga pinagsasabi nito na para bang hindi kami nagsimula bilang kaibigan well until na nagsabi ako ng nararamdaman ko dito two years and then he started avoiding me and then making my heart broke into two.

"Hey there cutie wait up!" narinig kong may sumigaw sa bandang gilid ko at bigla naman akong nanglumo nang makita ko ang lalaking nangulit sa akin sa gym kani-kanina lang.

"Can my day get any worse?' I asked heavenwards habang umiikot ang mga mata ko.

"Hey I been waiting in 7 eleven for more than thirty minutes now, bakit hindi ka sumunod?" tanong nito sa akin sabay akbay pa ng braso sa balikat ko, feeling close masyado ang damuhong ito.

"It's because......" sasabihin ko sana it's because hindi kita gusto pero bigla akong napatigil dahil biglang gumana ang evil gland ko sa utak.

"It's because may dumating kasing kailangan kailangan kong asikasuhin but if you want puwede tayong lumabas mamayang gabi, maybe do some bar hopping." nakangiti kong sinabi dito, bigla ko kasing naisip na gamitin ito para pahirapan ang akling guardin/kapitbahay na si Jonathan, as if naman kasi na papayag akong maging sunod-sunuran lang ng damuhong lalaki na iyon.

Matapos kong maisave ang number ni Denver sa phone ko ay agad akong naglakad pabalik ng bahay nila Marvin.

Naiimagine ko na kung paano ko magagalit ang laging kalmado na si Jonathan kapag ginawa ko na ang mga pagrerebelde na gagawin ko mamaya.

"Humanda ka Jonathan Montero!" I said kasabay nang isang evil laugh.

Dahil maaga pa naman ay minabuti ko na munang manood ng tv pagkarating na pagkarating ko sa bahay, sakto one piece ang palabas kahit nasa Canada naman ako ay talagang mahilig akong manood ng mga anime at isa na nga ang one piece sa kinahihiligan kong panoorin.

Nasa part na nang Anime kung saan sinusubukan iligtas ni Strawhat Luffy ang kapatid nito na si Ace dahil bibitayin na si Ace ng Navy.

"Kamusta na kaya si Marvin?" bulong ko sa sarili nang bigla kong maalala ang kapatid kong iyon, naalala ko kasi sa kanya si Ace at ako naman si Strawhat Luffy.

Nang matapos ang One Piece ay bigla akong nakaramdam nang antok marahil masyado akong napagod mula sa pag-gigym ko kanina kaya naman hinayaan kong tangayin ako ng karimlan.

Nagising na lang ako nang parang may nararamdaman akong nakatingin sa akin, at para akong namamalikmata nang makita ko ang maamong mukha ni Jonathan na tahimik na nakatingin sa akin, for some reason isang emosyon na hindi ko kilala ang nakita ko sa mga mata nito ngunit sandali lang iyon at napalitan ulit iyon ng malamig na titig sa akin.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon