Pag-amin

8.6K 259 15
                                    

Hi guys it's me again drafting for the third time today mukhang bumabalik na ang gana ko at sana nga tuloy tuloy na to crossing my fingers rigth now hehehehe.

Picture of Jonathan Montero on the right====>>>>>>

Song is  Kapag Ako Ay Nagmahal by Jolina Magdangal

===============================================================================

CHAPTER THIRTEEN

Dustin's POV

Nang araw na iyon ay parang nawalan ako nang ganang mamasyal samantalang kahapon lang ay kating kati ang paa ko na magpunta sa kung saan saan pero bakit ngayon parang gusto ko na lang munang mag stay sa  bahay, at kahit hindi ko isipin mabuti ang dahilan ay alam ko ang dahilan kung bakit at dahil iyon kay Jonathan. 

Noong kaninang kinain niya ang dala kong almusal dito kahit na nga ba sobrang alat non ay parang tumagos sa puso ko, dahil naappreciate nito ang effort ko.

At ngayon nga ay hinihintay kong dumating siya na dala ang pagkain na niluto niya ngayon para sa tanghalian, I'm so pathetic right? Dahil halos dalawang taon kong pinilit patayin ang nararamdaman ko sa binata ngunit dahil sa simpleng nagawa lang nito ay parang lumalambot na agad ang puso ko para dito.

Bigla akong napatayo nang diretso nang makita ko ang pagdating nang binata na hawak ang tupperware na mismong ginamit ko kanina, sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko at natatakot akong baka sa sobrang lakas non ay marinig na iyon ni Jonathan at malaman nito na mahal ko pa din siya.

Simple lang ang suot nitong isang simpleng black na tshirt at maong shorts pero para sa akin ito na ata ang pinakaguwapong lalaki na nakita ko.

"Are you waiting for me?" nakangiting tanong nito sa akin at para naman akong naestatwa na nakatingin lang dito. "Dustin?" narinig kong sinabi dito kasabay nang pag-alog sa balikat ko at sa simpleng nagkadikit ang mga balat namin at naramdaman ko ang kakaibang kilabot sa pagkakadikit na iyon at hindi ko alam kung naramdaman din iyon ni Jonathan na agad ding napabitaw sa akin.

"Ahhh hindi may tinitignan lang kasi ako kanina." pagkakaila ko naman at hinayaan na itong makatuloy.

Pagkaabot sa akin nito nang mga dala dalahin nito ay akma na itong aalis nang pigilan ko ito.

"Jonathan wait." agad kong tawag dito at bigla akong hindi makatingin nang diretso dito nang bumalik ang tingin nito sa mukha ko.

"May kailangan ka Dustin?" seryosong tanong nito sa akin.

"Uhmmm baka kasi gusto mong sumabay sa akin kumain, alam ko naman nag-iisa ka lang sa bahay din ninyo." pag-aya ko dito, ilang sandali din bago ito nagsalita, akala ko nga tatanggi ito.

 "Sige ba." nakahinga ako nang maluwang nang sumang ayon naman ito sa paanyaya ko dito.

Sa una ay tahimik kami habang pinagsasaluhan ang niluto naman nitong tinolang manok, sobrang sarap talaga nang mga luto nito.

"Uhmmm salamat nga pala." nangingimi kong sinabi dito sandali itong nag angat nang mga mata na nakatingin sa akin ng may pagtataka.

"Para saan?" tanong nito sa akin.

"Salamat dahil pumayag kang maging responsibilidad mo ako." nakayuko ako habang sinasabi ang bagay na iyon, hindi ko matagalan na makipagtitigan nang diretso dito.

"Walang anuman iyon, hindi naman ako mapipilit nang kahit na sino kung hindi naman bukal sa loob ko ang gagawin ko." makahulugan nitong sinabi na nagpaangat nan tingin ko sa binata ngunit bago ko pa makita ang expression nang mukha nito ay agad naman itong bumalik sa pagkain.

Learn To Love Again (Boyxboy)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora