Game Over

7.9K 269 34
                                    

Good morning guys not really feeling well, sinisipon kasi hindi na din tuloy nakasama sa kanilang manood nang sine hehehe pero kahit masama pakiramdam pilit pa ding magdraft ^_^

Thanks @broguy since dahil sa suggestion mo nakaisip ako ng scene sa chapter na to na I think magiging interesting naman sana hehehe

Sorry medyo maikli lang ang update na ito alam niyo na masama pa pakiramdam at kakauwi lang din galing sa work :)

Picture of Dustin Wills on the right=====>>>>>

Song is Quit Playing Games With My Heart by Backstreetboys

===============================================================================

CHAPTER EIGHTEEN

Dustin's POV

Parang naging blangko ang isip ko habang sakop nang mga labi ni Jonathan ang mga labi ko, hindi ko alam ang gagawin ko, kanina lang galit na galit ako dito dahil hindi nito iniintindi ang nararamdaman ko ngunit ngayon naman ay hinahalikan ako ng lalaking ito, gulong gulo ang isip ko, sinasabi ng puso ko na magpaubaya at hayaan ito sa ginagawa nito, ngunit ang isip ko naman ay sinasabing pinaglalaruan na naman nito ang damdamin ko.

Galit ko itong tinulak kasabay nang marahas na pagpunas sa labi kong hinalikan nito, kita ko ang pagtataka sa mukha nito kasabay nang pagnanasang nakaguhit sa mga mata nito.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang sinabi nito sa akin dalawang taon na ang nakakalipas, na labis na nagbigay nang sakit sa dibdib ko.

"Libog! Lust! That's what I'm feeling for you, and now I will make you experience, what you always wanted." he whispered in a hoarse voice.

"Ano na naman ito Jonathan? Libog? Lust? Just like what you said two years ago? I'm tired of playing games with you anymore, masyado nang bugbog na bugbog ang puso ko para sa mga laro mo, it's gameover for me." malungkot kong sinabi dito at kitang kita ko ang sakit na gumuhit sa mukha nito na hindi ko bingyan pansin dahil ang mas nanaig sa akin ay ang sakit na nararamdaman nang dahil dito.

Akma akong tatalikod nang pigilan ako nito at niyakap ako nito mula sa likod, ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa dibdib nito.

"Please don't go Dustin.......... I love you?" bulong nito sa tenga ko ngunit imbes na matuwa ay napuno nang galit ang dibdib ko sa narinig mula dito.

Dali dali akong humarap dito at binigyan ito nang isang malakas na suntok sa panga na nagpabagsak dito, kita ko ang gulat sa mukha nito sa ginawa ko at sa totoo lang parang nasaktan din ako sa ginawa ko, ngunit mas nananaig ang galit na nararamdaman ko dito.

"You're really an asshole Jonathan! Two years ago nagmakaawa ako sa pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman and then what pinaramdam mo sa akin na hindi totoo ang pagmamahal at ngayon nandito ka sinasabi mong mahal mo ako? This is fucking bullshit!" hindi ko na napigilan ang sarili kong ilabas ang lahat nang sama nang loob ko mula dito, for two years nakakulong ang sakit nang ginawa nito sa akin at ngayon sasabihin nitong mahal ako nito.

"Please Dustin let me explain........." ngunit hindi ko na ito pinatapos.

"There's nothing to explain, I'm done!" ang sagot ko dito at agad tumakbo palayo mula dito, mas binilisan ko ang pagtakbo nang makita kong bumangon ito at mukhang hahabulin ako ni Jonathan.

Dali-dali akong naghanap nang masasakyan taxi ngunit kamalas malasan naman ay laging may sakay, sa sandali kong pagtingin ay napansin kong malapit na ako nitong abutan kaya naman dali dali akong sumakay sa likod nang motor nang isang estrangherong kakalabas lang nang isang bar.

"What the f........." gulat na gulat nitong sinabi nang bigla na lang ako yumakap sa likod nito, and for some weird reason napansin ko pa talaga panglalaking amoy nito na parang nagpapaliyo sa nararamdaman ko.

"Please ilayo mo muna ako dito." pakiusap ko dito nang makita kong malapit nang umabot si Jonathan at mukha naman napansin din nito na may humahabol sa akin kaya agad nitong inistart ang ignition.

"Hold on tight baby, it's going to be a rough ride!" narining kong sigaw nito bago pa man nito pinaharurot ang motor, bigla naman akong napayakap nang mahigpit dito dahil sa bilis nang ginagawa nitong pagdadrive, hindi ko tuloy maiwasang maramdaman ang mamuscle nitong katawan.

"Wow abs." sa isip isip ko at gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nakakaisip pa ako nang ganoong bagay sa mga oras na iyon, ni hindi ko nga sigurado kung anong itsura nang taong ito dahil na din sa suot nitong helmet, at isa pa baka masamang tao ito pero parang biglang tumanggi ang isip ko dahil pakiramdam ko naman mabuting tao ito.

Ang gusto ko lang ay makalayo kay Jonathan, dahil natatakot akong baka maniwala ako sa sinasabi nito, pagod na pagod na ako, ni hindi ko na namamalayan kung saan kami papunta nang estrangherong ito.

Halos isang oras din ang biniyahe namin bago tuluyang huminto ang bike nito sa tapat nang isang magandang bahay, makikita sa baba ang mga ilaw nang kamaynilaan kaya masasabi kong nasa Antipolo kami nang mga oras na iyon.

"Welcome to my humble......." ang sinabi nito ngunit bago pa man matapos nito ang sasabihin ay bigla na lang akong nahilo at tuluyang nawalan nang malay ang huling tanda ko bago ako tuluyan mawala nang malay ay ang maagap nitong pagsalo sa katawan ko.

Jonathan's POV

Parang sinusuntok ang puso ko nang makita ko ang sakit at panunumbat sa mukha ni Dustin nang sinabi kong mahal ko ito, hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang iisipin niya, matapos ko siyang saktan dalawang taon at ngayon nga ay pinilit kong huwag pansinin ang damdamin niya sa akin kaya naiintindihan ko kung bakit hindi niya matanggap ang pagmamahal ko sa kanya.

Yes I'm in love with the stubborn Dustin Wills, I'm in love with my friend's brother, ngunit natakot ako, masyado pa siyang bata para sa akin at natatakot akong baka hindi naman talaga pag-ibig ang nararamdaman nito, naduwag akong bigyan nang pagkakataon kong mahalin ang taong ito.

Pinilit kong magpaliwanag ngunit dali daling tumakbo si Dustin.

"Dustin, please come back!" sigaw ko dito ngunit mas lalo pa ata nitong binilisan ang takbo at para kaming mga sira na naghahabulan sa kahabaan nang TImog, mabuti na lang talaga at wala itong masakyang taxi ngunit biglang nanglaki ang mga mata ko nang bigla itong sumakay sa isang motor na marahil ay hindi nito kilala.

Nakita ko pang tumingin sa akin si Dustin gayon din ang lalaking may-ari nang motor at matapos non ay agad na nitong pinaharurot ang sasakyan nito.

Pinilit kong habulin ang dalawa ngunit masyadong mabilis ang takbo nang mga ito, natakot nga akong baka makabitaw si Dustin lalo na't alam kong madami itong nainom.

"Dustin......" ang tanging nasabi ko hanggang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang motor kung saan sakay ang taong mahal ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon