Responsibilidad

10.4K 306 19
                                    

Hi guys sorry kung matagal mag update may pinagdadaanan lang kasi, medyo nahihirapan lang kasi pero kakayanin ko to hehehe aja!

Picture of Jonathan Montero on the right===>>>

Song is  You Got It Wrong by Room 94

===============================================================================

CHAPTER FIVE

Dustin's POV

"Shit lang!" bulong ko sa sarili ko kasi naman akala ko since sobrang late na ay maiiwasan ko na ang taong ito ngunit anong ginagawa nito, don't tell me talagang hinintay niya ako hanggang makauwi ako, and wait bakit parang kinikilig ako, itigil mo nga yan Dustin.

Walang kaemosyon emosyon ito habang nakatingin sa akin ngunit kahit ganoon ay hindi ko maipagkakaila na mas lalo itong gumuwapo sa paglipas nang dalawang taon.

"May asawa na kaya siya?" sa loob loob ko at nagalit ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako nang sakit sa dibdib ko nang maisip ko ang bagay na iyon.

"Kung tapos ka nang kilatasin ang itsura ko baka maari mo nang ipaliwanag kung bakit ngayon ka lang?" sinabi nito na kinapula nang mukha ko mabuti na lang at medyo madilim sa kinatatayuan ko kasi naman nahuli pala ako nito sa pagtitig dito kasi naman kahit madilim hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito.

I tried to composed myself habang iniisip ang sasabihin ko pero wala naman akong responsibility para magpaliwanag dito ah.

"I went out, what's wrong with that?" masungit kong sinabi dito kasi naman masyado itong dominante.

"I know kaya nga wala ka kanina nang naghatid ako nang pagkain, don't you know what time is it?' malamig pa din nitong sinabi.

"It's past one in the morning and I don't think I have to explain myself, bakit hindi naman kita kaano ano ah, hindi naman kita boyfriend." medyo napatigil ako sa huling sinabi ko at bigla akong nailang kaya minabuti ko na lang ilayo ang tingin ko sa mga mata nito.

"Why d'you wish that I am your boyfriend?" nakakalokong ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Yes???" pero siyempre sa loob loob ko lang iyon, nakakaasar naman ito dapat di ba galit ako dito, dapat wala na akong nararamdaman pero bakit ganoon alam ko namang hindi ito seryoso sa tanong nito pero parang tumatalon ang puso ko, badtrip lang ha.

"Siguro noon iyon, noong baliw pa ako sa nararamdaman ko sayo, noong bulag ako sa nararamdaman ko sayo, pero wala na akong nararamdaman sayo Jonathan, lalo na't ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi na ako naniwala sa pag-ibig." matigas kong sinabi dito at kung kanina nakangiti ito nang nakakaloko ay biglang lumamig na naman ang expression nang mukha nito.

"That's good to hear then, but keep this in mind, your parents asked Julia to look after you habang nasa Pilipinas ka pero nang dahil kailangan niyang pumunta nang Pampanga for a medical mission kaya pinasa niya ang responsibilidad na iyon sa akin, so don't ever think na ginagawa ko ang bagay na ito nang dahil sa iyo." he said and with that he left.

Naiwan naman akong natutulala habang tinatanaw ang papalayong binata, alam ko naman wala akong halaga sa kanya, di ba nga napatunayan ko na iyon noon pa pero hearing him said that parang nanunumbalik ang sakit na naramdaman ko last two years ago.

Finally nabuksan ko na din ang pinto nang bahay at nahahapo akong naupo sa silya sa may sala, hindi ko alam kung saan ako napagod sa paggala ko ba o sa pakikiharap kong muli kay Jonathan.

"I know walang mangyayaring maganda sa akin sa pagbabalik ko sa Pilipinas." sa loob loob ko, hindi ko na namalayan ang malayang pagtulo nang mga luha ko sa mga mata ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat