I Lost My Virginity.....

10.2K 277 16
                                    

Hi guys at kahit kakaupdate ko lang nang chapter six nang Learn to Love again ay simula ko na agad ang pagdradraft habang rest day ko pa kasi for sure next week mahihirapan na naman ako hehehe.

Ayan mukhang magbabackfire ang plano ni Dustin at mukhang mapapahamak pa ang pinangalagaan niyang ehem hehehe maliligtas nga ba siya ni Jonathan o tuluyan nang mawawala sa kanya ang v niya magagaya ba siya sa story ng kapatid niyang si Marvin let's see

Picture of Dustin Wills on the right====>>>>

Song is What Now by Rihanna

===============================================================================

CHAPTER SEVEN

Dustin's POV

Sobrang sakit ng ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko at naguluhan ako kung nasaan ba ako dahil tanging mga salamin sa ibabaw ang nakikita ko nang imulat ko ang mga mata ko.

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi ngunit habang pinipilit ko ang sarili ko ay mas lalong sumasakit ang ulo ko kaya naman nagdecide na muna akong ipikit ko ang mga mata ko.

"Shit!" ang malakas kong sigaw nang maalala kong may pinainom sa akin si Denver na alak at bigla na lang akong nawalan ng malay.

Agad umikot ang mata ko sa buong paligid at saka ko lang napagtanto na nasa isang motel pala ako base sa ayos nang naturang kuwarto.

"Wow ganito pala sa motel." I said making mental notes, tapos bigla ko tuloy naalala na hindi oras iyon para mamangha ako sa lugar, dali dali kong inalis ang nakatakip na kumot sa katawan ko at gusto kong manglumo nang makita kong maliban sa kulay itim na underwear ko ay wala na akong suot na ibang damit sa katawan.

"My God!" bigla naman akong napabalik sa kama kasabay nang malayang pagtuloy nang luha ko sa mga mata ko, hindi ko akalain na ganoon ganoon na lang na mawawala ang iningatan ko sa loob ng eighteen years ko, nakuha pa ito nang napakawalang kuwentang tao.

Patuloy ako sa pag-iyak sa nawala kong virginity ngunit agad naman akong napatigil nang marinig ko ang pagbukas nang pinto at dali dali akong pumuwesto sa bandang gilid ng pinto at inabangan ang damuhong Denver na iyon na kumuha ng first time.

"Die!" malakas kong sigaw nang agad kong tinakluban at magkakasunod na sinuntok ang hindi na nakapagreact na si Denver.

"Ang kapal ng mukha mong kuhanin ang isang bagay na sa taong mahal ko lang ibibigay!" galit na galit ako habang patuloy pa din ako sa pagsuntok dito.

"Hey stop it!" asar na sinabi nang kung sino mang nasa loob ng kumot dahil hindi boses iyon ni Denver kung hindi boses ni.....

"Jonathan?" gulat na gulat kong sinabi habang nakatingin sa lalaking nagsasalubong ang kilay sa sobrang inis sa akin, well can't blame him kasi naman sunod sunod na suntok ang nakuha nito sa akin.

"Ako nga and what you do that for?" asar na asar pa din nitong sinabi habang himas himas ang namumulang braso, hindi ko tuloy mapigilang hindi maguilty sa nagawa ko dito.

"Pero bakit nandito ka? Nasaan ang demonyong Denver na iyon?" galit na galit kong tanong dito nang maalala ko na naman ang ginawa ni Denver sa akin at saka ko lang narealized na tanging brief lang ang suot ko kaya dali dali kong hinatak ang kumot na nakapatong dito.

Mas lalo akong nanliit dahil mukhang alam na nito ang nangyari sa akin at hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko kaya dali dali akong pumasok sa banyo at nilock ang pinto.

"Ano ba Dustin lumabas ka nga diyan!" malakas na tawag nito kasabay ng sunod sunod na katok sa pinto.

"Umalis ka na Jonathan, hindi kita kailangan!" sagot sigaw ko naman dito.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon