Three Days

6.7K 189 17
                                    

Magandang hapon guys still rest day kaya patuloy sa pagdadraft nakakatuwa tuloy tuloy ang idea na pumapasok sa isip ko, hindi ako magtataka kung matapos ko siya ngayon or bukas hehehe, after more than 5 months nagweekday off na naman kami ang saklap lang pero ganon naman talaga ang kalakaran sa BPO industry.

Picture of Dustin Wills on the right=======>>>>>>>>

Song is A Different Beat by Boyzone

===============================================================================

CHAPTER THIRTY

Dustin's POV

Can't believe it's been three days since nagdecide akong makituloy kay Andrei and so far puro magaganda lang ang naging pakikitungo nito sa akin, hindi pa nito naibabalik ang pagiging pilyo nito nang una kaming nagkita.

Maaga akong gumising para naman ako naman ang maghanda ng almusal naming dalawa, sobrang nakakahiya na naman na lagi na lang ako nitong pinagsisilbihan eh hindi naman ako imbalido para gawin niya iyon, kaya naman wala pang alas cinco ng umaga ay bumangon na ako at agad dumiretso sa kusina nito.

"Ano bang masarap iluto?" sa loob loob ko ngunit alam ko naman ang capabilities ko kaya naman pinili ko na lang magluto ng bacon, egg, salami at dahil may natirang kanin pa mula kagabi ay naisipan ko na din magsangag, magaan sa loob ko na gawin ito dahil at least maipapakita ko ang pagpapasalamat ko sa hospitality nito sa pag-stay ko sa bahay nito.

Bandang mag-aalas sais ng umaga nang marinig ako ng yabag ng mga paa at ilang sandali nga lang ay dumungaw na ang ulo ni Andrei.

"Don't come any closer, let me finish it." pagpigil ko dito nang akma itong papatigilin ako sa pagluluto at mabuti na lang at hindi naman na ito nakipagtalo, naiiling na lang ito na umupo sa hapag-kainan habang hinihintay akong matapos na makapagluto at ilang minuto nga lang ay natapos din and I'm quite satisfied sa kinalabasan ng luto ko.

"Let's dig in." ang masayang sinabi ko dito at ilang sandali nga lang ay magana na nitong nilantakan ang mga hinanda ko, pinilit kong huwag lumabas ang ngiti sa mga labi ko dahil nakikita kong nagustuhan nito ang pagkain na hinanda ko para dito.

"You...... know Dustin... hindi mo naman kailangan gawin ito eh, bisita kita kaya obligasyon kong pagsilbihan kita." ang namumuwalan nitong sinabi at muntik na nga itong maubo dahil sa sunod sunod nitong subo mabuti na lang at naagapan ko agad itong bigyan nang tubig.

"Hindi mo naman kasi kailangan magmadali, at wala lang gusto lang kitang ipagluto." ang sinabi ko dito.

"Mag-ingat ka baka naman mawili na ako sa luto mo at hindi na talaga kita pakawalan diyan." biro nito ngunit nararamdaman kong may halong katotohanan ang sinabi nito na tinawanan ko na lang dahil ayokong bigyan ito ng pag-asa dahil wala naman kasiguraduhan sa buhay na ito.

"Kumain ka na nga lang." ang natatawa kong sinabi naman dito at nagpatuloy na din akong kumain at matapos kumain ay tinangka kong ligpitin ang mga pinagkainan namin ng pigilan ako nito dahil ako naman daw ang nagluto kaya siya na ang bahala sa paghuhugas ng mga pinggan, hindi na din ako tumanggi at lumabas na muna ng bahay para makapagpalaglag ng kinain, naalala kong matagal na pala akong hindi nakakapag gym kaya mamaya itatanong ko kung may malapit ba na gym sa lugar na ito.

Ilang sandali lang ay umupo na si Andrei sa bakanteng silya na nasa maliit na hardin ng bahay nito, medyo mamasa masa pa ang kamay nito sa ginawang paghuhugas ng mga pinggan.

"Maraming salamat sa almusal." ang nakangiti nitong sinabi sa akin.

"Walang anuman iyon, iyon man lang magawa ko para ipakita ang pagpapasalamat ko sa pagpayag mong mag-stay ako dito." sagot ko naman dito.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon