What The F?!

10K 282 56
                                    

Good morning guys try to draft bago umalis at mag apply since jobless na ko hahahaha thank you sa mga naghintay na pagpatuloy ko ang story na to sorry kung sobrang natagalan alam niyo naman dumadating ang time na nawawalan ng drive ang isang mapagpanggap na writer na katulad ko hehehe

Picture of Jonathan Montero on the right======>>>>>>

Song is Can't Be Tamed by Miley Cyrus

==================================================================================

CHAPTER TEN

Dustin's POV

"Damn it!" I cursed nang magising na naman akong pawisan mula sa pagkakatulog this time naman kasi ay napanaginipan ko naman si Dianne.

Sa totoo lang hindi ko alam na ganoon pala ang ugali ni Dianne kasi naman nang unang beses ko siyang nakita ay akala ko sobrang mahiyain iyon naman pala nasa loob ang kulo and much worse is kahit sinabi ko nang gay ako ay parang balewala lang dito ang katotohanan na iyon na lalong nagpakumplikado sa sitwasyon.

I checked the wall clock sa bandang kanan nang kuwarto and saw na alas dies na pala nang umaga medyo anong oras na din kasi ako nakauwi dahil lumampas ang bus na sinasakyan ko actually napadpad na nga ako sa bandang Navotas dahil sa lalim nang iniisip ko that time.

Agad akong dumiretso sa kusina nang makaramdam nang pagkalam nang sikmura at sakto naman at nakahanda na ang pagkain na dinala sa akin ni Jonathan.

Speaking of Jonathan mukhang hindi nito napansin na umalis ako at late nang nakauwi dahil wala akong narinig na kahit na ano mula dito, at mabuti na lang dahil ayoko munang makaharap ang taong iyon dahil naiinis pa din ako sa kanya.

Lalo akong nagutom nang makita ko ang pancake and maple syrup na dinala nito with matching bacon pa, bigla ko tuloy namiss ang Canada with my family, naalala ko na naman si Dad at si Tita Anita.

Thinking about Marvin's mom put a smile on my lips, dahil kahit hindi niya kami tunay na anak ni Maggie ay pinaramdam niya sa amin ang pagmamahal nang isang ina na never kong naramdaman sa tunay kong Mommy. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan na ang tunay kong Mommy matapos kasi nitong makuha ang perang nakuha nito mula sa pakikipaghiwalay kay Daddy ay basta na lang ito umalis nang walang pasabi, ni hindi man lang nagpaalam sa akin o kahit na kay Maggie man lang hindi tuloy namin alam kung nasaan na siya.

Pinilig ko ang ulo ko trying to remove the thought of my mom dahil alam ko naman na walang mangyayari kahit isipin ko man siya lalo na't wala naman siyang pakialam sa akin mula noon hanggang ngayon.

Agad kong nilantakan ang hinandang almusal sa akin ni Jonathan and in fairness talaga sa taong iyon masarap talaga siyang magluto dahil na din siguro naging independent ito nang mag stay ito sa US.

Matapos kumain ay naligo at nagtoothbrush na din ako at nanood nang tv tutal naman wala akong magawa, ayoko na din tignan ang phone ko lalo na't puro text message at missed call lang naman ni Dianne ang nandoon, ano sa gay ako ang hindi nito maintindihan, hindi ko tuloy hindi maiwasang hindi magsisi kung bakit ba ako pinanganak na ganitong kaguwapo, of course joke lang iyon hindi naman ako ganoon kayabang pero seriously bakit hindi magets ni Dianne that I'm not into her.

Matapos ang pinapanood ko ay nagpasya akong maglakad sa labas para na din makipagkuwentuhan sa mga nakilala ko nang mag stay ako last two years ago.

"What the fuck?" I muttered nang sinubukan kong buksan ang pinto, I checked kung nakalock ba ang doorknob ngunit hindi naman kaya nagtataka ako ngayon kung bakit hindi ko man lang mahatak ang pinto.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon