Fly Like A Bird

10.4K 254 27
                                    

Good morning guys finally after a month of waiting nahanap ko din ang sipag kong mag update sobrang sorry kung masyado akong nagpaapekto sa mga negative comments but this time iba na at sana matuloy tuloy ko na ito para naman magawa ko na ang mga pending stories ko :)

Picture of Dustin Wills on the right====>>>>>

Song is Fly Like A Bird by Nelly Furtado

===============================================================================

CHAPTER ELEVEN

Dustin's POV

Para akong preso sa loob nang bahay dahil hindi ako makalabas sa paglagay nang lock ni Jonathan sa pinto nang bahay, ilang curses na ba ang lumabas sa bibig ko nang dahil sa asar ko sa binata, may schedule talaga ang paghahatid nito sa akin nang pagkain, para talagang preso ang pakiramdam ko well except maybe may sarili akong kuwarto, tv at kung ano ano pa so almost preso lang pala ang lagay ko ngayon, pero kahit na kasi naman gustong gusto ko nang lumabas para mamasyal, tatlong araw na din ako nitong hindi pinapalabas.

Gaya nang mga nakaraang araw ay sakto na naman ang dating ng hinayupak na si Jonathan dala ang rasyon ko este nang tanghalian ko.

"Hi Jonathan." nakangiti kong bati dito nang buksan nito ang pinto nang bahay habang hawak ang niluto nitong ulam kasama ang kanina. Halata sa itsura nito ang pagkagulat sa kinikilos ko kasi naman nang nakaraang dalawang araw ay pinairal ko ang pagiging stubborn ko, kesyo hindi ako kakain nang mga dala nito kasabay nang pagsigaw dito na hindi man lang nakaapekto sa binata, kaya naman naisipan kong magpakabait naman at ipakita dito na nadala na ako at hinding hindi ko na uulitin ang pag-uwi nang sobrang late.

"Mukha atang wala kang toyo ngayon?" biro nito na agad nagpainit nang ulo ko ngunit agad kong kinalma ang sarili ko dahil wala din naman mangyayari. "Relax Dustin, may araw din para sa pagbawi." bulong ko sa sarili na patuloy pa din sa pagngiti dito.

"Wala naman, I just realized that I've been unfair to you, I mean sayo ako pinagkatiwala nila Marvin kaya alam kong mali talaga ang ginawa kong pagpapahintay sayo, and I'm sorry." I told him and I know I caught him off guard sa pag-aakala nitong sincere ako pero ang hindi lang nito alam ay planado na ang lahat.

Makikipaglapit ako dito na para bang walang nangyari pero kapag nagkaroon nang pagkakataon ay tatakas ako at buo na ang desisyon ko na maghahanap na talaga muna ako nang matutuluyan para lang makawala sa kamay na bakal na pagpapatakbo nito sa buhay ko.

"Sincere ba talaga yan?" nag-aalangan pa din tanong ni Jonathan sa akin, at agad naman akong tumango para sa sake nang kalayaan gagawin ko ang lahat mapaniwala lang ang hinayupak na ito na talagang nagsisisi na ako.

"I promise." sabay taas nang kanang kamay na para bang nanunumpa sa watawat nang Pilipinas pero siyempre ang kaliwang kamay naman ay nasa likod habang naka cross fingers.

Pinilit kong huwag magpaapekto sa ngiting sumilay sa mga labi nito at sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ko ito hatakin at halikan ang mapupulang mga labi nito, pinilit kong alalahanin ang ginawa nito sa akin dalawang taon na ang nakakalipas at naramdaman ko na naamn ang galit at pait sa dibdib ko na labis kong pinagpasalamat dahil alam ko naman kahit kailan walang mangyayari kung aalagaan ko pa ang nararamdaman ko.

Gaya nang inaasahan ay tinanggal na nga din nito ang padlock na nasa pinto nang bahay na labis na kinaluwag nang dibdib ko, pakiramdam ko ay para akong isang ibon na finally nakalaya sa hawla niya.

"Maraming salamat Jonathan." nakangiti kong sinabi dito ngunit sa loob loob ko patuloy pa din akong nagngingitngit dahil na din sa inis ko dito dahil wala naman itong karapatan na ikulong masyadong ibang level naman ang pag atang nito nang responsibilidad sa akin.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon