This Is The End

6.6K 219 16
                                    

Good morning guys Maligayang Linggo ng Pagkabuhay sa lahat at sorry kung sobrang tagal kong hindi nakapag update kaya ito update update din pag may time, need to to retract to some chapters para maalala ko kung ano ba ang dapat kong isulat :)

Picture of Jonathan Montero on the right=====>>>>>>>>

Song is It's Over by Second Serenade

===============================================================================

CHAPTER TWENTY SIX

Dustin's POV

I woke up the following day still quite daze from what happened  kaya naman sandali akong nagtaka nang mamulat ako sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin at ilang minuto din siguro bago bumalik sa akin ang dahilan kung bakit nandito ako at dahil iyon kay Jonathan.

"Tandaan mo Dustin, hinding hindi pa din ako susuko at aasa akong dadating ang panahon na muli mong maramdaman na mahal mo pa din ako."

Bigla kong naalalang sinabi nito kagabi, hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang kakaiba sa dibdib ko ngunit agad ko iyong tinatanggal sa isip ko.

"Umasa ka sa wala." hindi ko namalayang namutawi sa mga labi ko, masyado nang nasaktan ang puso ko para sa panibagong pagkakataon, ika nga ni Leann Rimes sa kanta nito.

"Shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice."

And I will be a bigger fool if I will let myself fall from Jonathan Montero ever again, at dahil hindi naman na ako makatulog ay minabuti kong lumabas nang kuwarto matapos masigurong nasa kuwarto pa nito si Jonathan.

It's still early wala pang six am kaya naman medyo malamig ang hangin na sumalubong sa akin nang lumabas ako nang bahay, isang malalim na buntung hininga ang ginawa ko and I immediately felt the fresh air in my lungs, it's so good to be here.

"I wonder......." bigla akong napaisip kung tama ba ang gusto kong gawin nang mga oras na iyon pero gustong gusto na talagang makita ang lugar na iyon kaya naman nagdecide akong maglakad patungo sa bukana nang pasukan sa gubat, sandali akong nag-alangan nang maalala ko ang ahas na nakasalubong ko nang sinubukan kong tumungo doon kaya naman agad kong dinampot ang isang mahabang kahoy at sandali kong tinantya ang dadaanan ko at nang makita kong wala namang gumagapang na kahit ano ay nilakasan ko na ang loob ko.

"Sandali lang ako promise." sa loob loob ko, gusto ko lang kasi talagang makita ang sinabi sa akin noon ni Marvin na ilog na sobrang ganda daw kaya naman nilakasan ko na ang loob ko.

Bigla akong nakaramdam nang excitement habang nagpatuloy sa pagpasok sa masukal na gubat, maingat pa din ako sa mga dinadaanan ko dahil na din sa takot na may makasalubong akong ahas pero so far ay wala pa naman kaya bahagyang napanatag ang loob ko, pakiramdam ko ay kalahating oras na akong naglalakad ngunit hindi ko pa din makita ang ilog na kinuwento sa akin ni Marvin at medyo sinasalakay na ako ng kaba ng pangalawang beses na akong nadaan sa parehong puno.

"I'm lost." pag-amin ko sa sarili ko nang muli na naman akong napadaan sa puno nang Narra na nilagyan ko na ng tanda gamit ang matalim na batong nadampot ko, pinilit kong tatagan ang loob ko dahil walang mangyayari kung magpapatalo ako sa kabang nararamdaman ko, may isang masukal na daan akong nakita na pinalilibutan nang matataas na mga damo, natatakot akong dumaan doon dahil baka may mga ahas na naglulungga doon ngunit kanina pa ako palakad lakad ngunit hindi ko pa din makita ang pabalik man lang sa resthouse, at malamang sa malamang ay gising na din si Jonathan at marahil ay nalaman na nito ang pag-alis ko nang walang paalam.

"You don't have any choice Dustin, you are foolish enough to go to a place you don't even have a clue." kausap ko sa sarili ko, kailangan ko kasing gawin iyon kung hindi ay baka lamunin na ako ng takot at pikit mata kong sinuong ang naturang lugar na iyon, puno ng kaba habang maingat sa paglalakad ko at gamit ang stick na kanina ko pa hawak ay hinahawi ko ang mga damuhan gamit non, ngunit isang pagkakamali ang nagawa ko.

"Aray!" malakas na lumabas sa bibig ko at nang tignan ko ang binti ko ay nakita ko ang nagdudugong sugat at nakita ko ang isang ahas na mukhang aatake na naman kaya naman dali dali akong bumalik sa dinaanan ko pabalik sa puno ng Narra.

Pasalampak naman akong naupo doon, I tried to squeeze the venom from my leg ngunit nahihirapan na ako, mula sa pagod, sa takot na naramdaman ko kanina.

"Is this the end for me?" bulong ko sa sarili ko, hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari ang kinalulungkot ko nga lang ay hindi ko nasabi sa mga mahal ko sa buhay na mahal na mahal ko sila.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko ang isang malakas na kamay na agad na humawak sa magkabilang balikat ko at nang magmulat ako ng mga mata ay kita ko ang nag-aalalang mukha ni Jonathan, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako dahil naghahalucination na ako, weird dahil biruin mo ang taong ito pa ang makikita ko bago ako mawala sa mundong ito, ang taong labis kong minahal at labis din na nanakit sa akin.

"Oh God Dustin hold still..." narinig ko ang pangingig ng boses nito, nagtaka naman ako nang may kinuha itong swiss knife sa bulsa nito at agad akong nakaramdam na may tumusok sa binti ko na matulis na bagay at matapos nga noon ay agad itong yumuko, ramdam na ramdam ko ang mainit na hiniga nito sa binti ko kasabay na pagsipsip nito sa dugo na naroon.

Paulit ulit ang ginawa nitong pagsipsip at pagdura nito hanggang unti unti ay bumalik ako sa katinuan at nawala na din ang dizziness na naramdaman ko kanina lang mas naging clear na sa akin ang lahat at matapos iyon ay bigla napahiga si Jonathan dala marahil ng pagod, bumababa taas ang dibdib nito sa paghahabol nito nang paghinga, kitang kita ko ang pawis sa noo nito hanggang sa leeg nito, may bahagya pang dugo sa gilid ng mga labi nito.

I tried to open my mouth ngunti walang salita ang namutawi sa mga labi ko habang nakatingin lang sa nakapikit na binata na nanatiling nakahiga lang, ilang minuto din ang lumipas inisip ko ngang baka nakatulog na ito kaya naman laking gulat ko nang bigla itong magmulat nang mga mata at nahuli akong nakatingin dito and what I saw in his eyes made me flinched, wala kasi akong mabasang emosyon mula sa mga iyon.

"Jo......" tawag ko dito ngunit naputol iyon nang bigla itong magsalita at bigla akong gininaw sa lamig nang boses nito na walang kaemosyon emosyon.

"We need to go back." malamig nitong sinabi ngunit mas nagulat ako nang bigla ako nitong buhatin at agad itong naglakad.

"Hindi mo kailangan buhatin ako kaya kong maglakad." mahina kong sinabi dito ngunit nang tumingin ito sa mga mata ko ay minabuti ko na lang na manahimik.

Kaya naman nagpatuloy si Jonathan sa pagbuhat sa akin, nanatili ang katahimikan sa pagitan namin, alam kong napapagod na ito lalo na't kalahating oras na din ang nilalakad nito ngunit hindi pa din ito nagpaparamdam na napapagod na ito.

Finally after another half hour ay nakabalik na kami sa resthouse nila Xavier, ngunit kahit nakarating na kami doon ay hindi pa din ako nito binaba at nagpatuloy ito sa pagbubuhat sa akin hanggang makarating kami sa kuwartong tinutuluyan ko.

Maingat akong binaba nito sa kama, gusto kong magpasalamat dito ngunit para namang naumid ang dila ko.

"Ganoon na ba talaga kagustuhan mo na takasan ako." malumanay ang pagkakasabi nito doon ngunit nararamdaman ko ang panganib na nagbabadya mula dito.

"Hindi......." gusto ko sanang sabihin dito na hindi iyon ang dahilan ko kung bakit ako pumasok sa gubat kung hindi para makita ang ilog na naikuwento sa akin ni Marvin, lalo na't napagkamali nitong gusto kong lumayo dito ngunit hindi na natuloy iyon nang marahas nitong sakupin ang mga labi ko kasabay nang mahigpit na paghawak nito sa dalawang kamay ko, marahas din ako nitong hiniga at agad itong pumatong sa akin, bigla na naman sumalakay sa akin ang takot na naramdaman ko dalawang taon na ang nakakaraan nang pinaramdam nito sa akin  ang sakit na parang hindi ko na ata makakalimutan.

"Jonathan no!" ang sigaw sa isip ko ngunit hindi iyon nakalabas sa bibig ko dahil sa ginagawa ni Jonathan na paghalik sa mga labi ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon